Chapter 26

334 30 48
                                    

"The last Dance"

*1 week later....*

Zoe's POV

It's been a week already!

Isang linggo na ang lumipas pagkatapos nang nangyare. Kahit ngayon ay na aalala ko pa rin ang lahat, ang gulo sa bar, ang pag beast mode ni Tristan, at ang kaganapan dito sa bahay.

At sa isang linggong naka lipas ay may na pansin agad akong kakaiba kay Tristan.

Iniiwasan niya nanaman ako...

Notice ko kasi noong monday ay panay ang iwas niya na hindi kami mag tagpo. Like kapag kunwari magkakasalubong kami sa hallway ay pa simple siyang liliko. Hindi ko naman siya makakausap sa loob nang classroom dahil malayo ang agwat namin nang upu-an, at pagkatapos nang class namin ay ma uuna talaga siyang lalabas! Ughh! Kakainis! Ni hindi ko siya ma tiyempohan sa buong campus! Kahit sina Iris ay hindi ko nakakausap, kaya sobrang nagtataka talaga ako kung bakit iniiwasan niya nanaman ako. Malamang dahil sa nangyare sa amin at lalo na kay Tyler, or tinotohanan niya talaga na huli na daw 'yon?! Tsk!

Pero kung ano naman ang iwas ni Tristan sa'kin, gan'on naman ang pag bawi ni Tyler ngayon sa'kin. I mean for the whole week palaging siyang present! Like everyday sinusundo niya na ako, sinasama niya pa ako minsan sa recording niya, namamasyal kami, at parang hindi na siya botherd kay Tristan kapag na sa school. Parehong may kakaiba sa kanilang dalawa, ang isa umiiwas, ang isa naman bumabawi. Nakakastress sa totoo lang. Okay naman sa'kin na bumawi si Tyler dahil he's like that before, kapag may mga namimiss siyang araw ay bumabawi naman talaga siya, but not like now na may bulaklak pang kasama, na para bang nililigawan niya ulit ako.

Hindi ko alam kung anong nangyare at akala ko magiging okay na rin si Tristan dahil inayos na ni Tyler ang gulong ginawa niya. Bago kasi matapos ang gabing 'yon ay masisinsinang pag-uusap ang aming hinarap. Inaway ko talaga siya sa ginawa niya kay Tristan.


*Flashback*

"BAKIT MO GINAWA 'YON?!!" sigaw ko sa kaniya noong kakaalis lang nila Tristan. We were five feet apart dahil ayokong lumapit sa kaniya. Galit na galit lang talaga ako dahil sa ginawa kay Tristan.


"ANONG BAKIT?!" Sigaw niya rin sa'kin. "My god Zoe, bulag ka ba? Lalake ako kaya alam ko ang ginagawa ni Tristan! He's manipulating you! HE'S TRYING TO TAKE YOU AWAY FROM ME!" dagdag niya kaya mas lalo akong nagalit.


"My god! What is wrong with you?! Alam mo, hindi ko ma intindihan kung bakit ang init nang dugo mo sa kaniya. Dati sabi mo pa gusto mo siya maging kaibigan...ngayon parang kulang nalang lamunin mo siya nang buo kapag kaharap mo eh! Kung ano-ano pumapasok diyan sa utak mo!"


"You really don't get it do you?! Uulitin ko ha, inaagaw ka niya sa'kin, Zoe!! Hindi ko-"


"Hindi mangyayare 'yon dahil nangako siya!!" Biglang singit ko kaya nagulat siya at natahimik. "Nangako siya na rerespetuhin niya ang relasiyon natin at kaibigan lang talaga ang gusto niya!" dagdag ko.


"Ahh so okay lang sa'yo na siya palagi ang kasama mo? Okay lang sa'yo na palagi ka niyang ihahatid at kahit ginagabi ka na ay parang wala lang? Gan'on? Ano ba ang silbi ko dito, ZOE?! Diba boyfriend mo'ko?! Bakit parang wala ka nang oras sa'kin at-"


"Teka..teka nga!" biglang pigil ko sa kaniya. "Walang oras?! Hahaha! Hello?! Anong walang oras? Sino ba sa'tin ang palaging wala?! Sino ba ang hindi nag sasabi kung saan siya?! Sino ba ang bigla nalang mawawala sa oras nang mga gala at date natin?! AKO BA?!"

S P L I T (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon