1 Year Later
Iris POV
Isang taon na pala ang nakalipas...
Ang dami nang nangyare sa naka lipas na isang taon. Una, Bumalik na ang memory ni Neo, na aalala niya na ang lahat na nangyare sa kaniya kaya masaya na siya ngayon. Dahil d'on ay Hanggang ngayon patagong hinahanap niya pa rin ang kapatid niyang babae na hindi alam nang daddy niya. Nag papansinan naman sila pero ilang pa rin minsan si Neo, hindi pa daw siya komportable.
Well, si Juno mylabs ko siyempre Pogi pa rin talaga, ehhhhh! Sarap nga gapangin pag gabi, ay! Hahaha! Napaka strikto kay Julia nga lang, kuya eh! Ayaw niyang ginagabi sa daan kapag namamalengke. Ma kulit at minsan seryoso kapag galit. Mahilig mag tampo na parang bata. Ka laki-laking tao pero parang bata kapag nag lambing. Bagay talaga kami! Ayyyiiiee!!
Si Julia naman maganda pa rin! at mas lalo pa siyang gumanda talaga ngayon! Hehe. Palagi na siyang sumasama sa'min. Nakikipag biru-an na siya, hindi katulad dati na nahihiya pa. Magaling na rin siya sa martial arts dahil siyempre, instructor ang kuya niya. At may isa pa akong na pansin sa kaniya... Palagi na silang magkasama ni Tristan! Wala lang.. Notice kolang naman.
Speaking of Tristan... Tapos na siya sa Training niya pero hanggang ngayon araw-araw pa rin siyang nag eensayo. Gumigising pa rin nang umaga katulad nang dati. Kahit sinabihan na siya ni Juno na hindi niya na kailangang gawin 'yon 'e mas lalo niya pang dinagdagan ang training niya. And honestly? hindi ko na siya nakitang ngumiti simula noong umuwi kami galing kela Zoe. Hindi na talaga! Minsan bahagya, pero yung ngiti na masaya? NEVER na! Seryoso na siya palagi ngayon, palaging nag-iisa. Gusto niya minsan mapag-isa, ewan ko ba. But like i said, kapag sila lang ni Julia ay nakikipag-usap naman siya. Kinakamusta kasi siya palagi ni Julia, siya ang tagadala nang gamot ni Tristan. May gamot siya ngayong tinuturok na ginawa mismo nila Daddy at Ednard. Yung kulay blue na liquid, Parang 'yon ang multivitamins niya araw-araw. It helps him calm and relaxed daw.
Minsan kapag hindi ako maka tulog, dinadalaw ko pa rin siya sa kwarto niya nang patago. Siyempre iba na ngayon, may boyfriend na ako, baka ano pa iisipin n'on. Pero nakasanayan kolang talaga na dinidistorbo siya kapag gabi simula pa noong maliit kami. At hanggang ngayon, hindi niya pa rin magawang magalit sa'kin, hahaha!
May isang gabi na pinuntahan ko siya sa kwarto niya.
*Flashback*
It was raining the whole day, hindi ako makatulog dahil sa kulog at kidlat kaya na isip kong puntahan si Tristan. So, ma ingat akong nag lakad sa hallway papunta sa kwarto niya. Nakasanayan ko na rin na icheck muna ang pinto niya kung naka lock, pero ngayon nag taka ako dahil bukas ito. Ipinihit ko ang handle tsaka sumilip dahil baka tulog na nga siya. Nag taka ulit ako dahil noong makita ko ang kama niya, wala siya doon. Pumasok ako at tumingin sa paligid, madilim kasi kaya hindi ko masiyado nakikita ang bawat sulok.
Nag lakad pa ako papalapit sa kama niya at tiningnan itong mabuti, Wala talaga siya doon. Ilang sandali pa, biglang kumulog at sinabayan pa nang kidlat! Parang flashlight na biglang kumislap sa harap ko. Doon ako na pa tutok nang tingin sa malaking glass window. Umihip ang hangin at kasabay n'on ay na pansin ko ang aninong naka tayo sa harap nang bintana. Naka side view itong naka tingin sa akin. Mata niya palang kinabahan na ako. It was Tristan!
"Oh sh*t ka!" pasigaw kong saad sabay hawak sa dibdib ko. Nagulat talaga ako sa kaniya! Actually natakot, hindi nagulat.
Ngayon ko palang na pansin na wala pala siyang damit pang itaas. Naka pajama lang ang loko. Siyempre nakaka akit lang kasi ang katawan nang bwisit na'to! Hindi mo pa rin minsan ma iwasan, babae din ako siyempre at ka close ko si Tristan talaga. Pero ibang-iba na kasi siya ngayon, humaba na ang buhok niya, sobrang gumanda pa ang katawan niya at ang taas niya na talaga! Mas mataas na siya kaysa sa'kin, Mygash!
BINABASA MO ANG
S P L I T (Completed)
Ficção CientíficaDahil sa kaniyang kakaibang kondisyon, si Tristan Conland ay hindi na pwedeng magkaroon ng normal na buhay. Inalagaan at pinalaki ng kaniyang over protective na tiyuhin, si Tristan ay inalyo sa ibang tao at iningatan sa hindi malaman na dahilan.