Page 59 - A Cabin Of Two

3.3K 96 6
                                    

Sejuru: Show your support by leaving a comment/vote. Enjoy!

Page 59 – A Cabin Of Two

[Zony]

Dearest Zony,

Kamusta ka na? Alam mo ba, hindi ako nag iisa sa kwarto—inihinto ko ang pagsulat sa aking sarili, specifically, for my past self.

For some reasons, I no longer feel as if it is necessary. Kumpara sa nagdaang isang buwan, hindi na ako ganoon kalala. I can somehow breathe again and by breathing, I mean naggagawa ko nang maginfg masaya o makahanap ng inner peace man lang paminsan-minsan.

I am currently on this hidden country somewhere in the Pacific, listening to music, watching nature vlogs, cooking, baking, gardening, writing—maraming bagay na maeenjoy kahit mag isa ka.

There were others like me here but the rule is clear, do not bother those with a pot of roses on their door. Since I have one, walang ni-isang kumakausap o nanggugulo sa akin. Just the way I like it.

Nakaupo ako ngayon sa upuan. Nasa tapat ko ang mesa na pinagpapatungan ng laptop ko. Naka-open ang word program. Sa background naroon ang mga sulat na aking ginawa.

I named them Time Machine. I was just so out of it this past month I really want to turn back time—kung pwede nga ba, saang oras ako babalik? Hindi ko sigurado. I never know in the first place kung kailan ako nahulog sa kanila. Ang natatandaan ko lang ay kung kailan nila ako hinulog.

Ginawa ko pa rin yung mga sulat sapagkat kahit papaano, nakakagaan sila ng loob. Saka gusto kong isipin na possible ang impossible. Somehow, my letters could help someone.

But the letters end today. I am done isolating myself. Siguro mag ha-hike ako mamaya. There’s a small forest behind this cabin. Mukhang hindi naman ako maliligaw, at kung maligaw man, monitored naman ang buong lugar na 'to ng Royal Mafia Famiglia.

Speaking of Trouble and Beks, my two best friends, going stronger pa rin ang relasyon nila. Beks was also hinting at me that he's going to propose to Trouble. Just a hint. Hindi niya ibinahagi ang ibang detalye. Trouble, on the other hand, would oftentimes visit me here. But she already informed me na hindi na siya makakadalaw ng ganoon kadalas dahil magsisimula na ang next semester sa EPU and she’s also attending our school this time.

I didn’t finish my semester but I still received passing grades. Just passing grades. I have an idea how was that possible when I didn’t even take the final exam. Ayaw kong isipin.

Honestly, right now, wala pa akong planong bumalik. It means pausing my studies. Just a pause. Ipagpapatuloy ko pa rin ito at sa EPU pa rin ako papasok. It’s my dream university. Hindi porket may mga masamang alaala ako roon, tatakas na ako. Pwede ko namang gawin. Pero mas pipiliin kong harapin ang problema kaysa tumakas. ‘Yun nga lang sa ngayon, magpapahinga muna ako para hanapin at hilumin ang sarili.

Napatingin ako sa tinatype ko at inikot ang tingin sa loob ng maliit ngunit komportable na cabin. Ang cabin na ito ay gawa sa kahoy at napaka-simple lang ng design. Mayroon akong isang pabilog na mesa na may mga upuan, gawa rin lahat sa kahoy, na ginagamit ko bilang dining table. Bukod dito, mayroon ding king-sized bed, maliit na table sa tabi ng kama, another table and chair with my gadgets, kitchen, and then a tiled bathroom. Pinapalitan ko ang ilaw kaya naman kulay orange na ito. This color of lights will always be calming for me.

She Didn't Break ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon