HNH - 1

446 14 5
                                    

"May tatlo akong nakababatang kapatid. I'm the eldest. So the pressure is on me."

THE BEGINNING.

"Because tonight will be the night that I will fall for you, over again. Don't make me change my mind. Or I won't live to see another day, I swear it's true. Because a boy like you is impossible to find... impossible to find."

I heard a loud cheer from the crowd when we finished the song. I stood up and wave to every one here inside the school's covered court.

"Well played, Mik," pagbati ko sa kaibigan kong naging gitarista ko sa performance na ito.

"You did it the best, Sand," sagot naman niya sa akin.

Tinulungan ko siyang mag-ayos sa beat box na siyang ginamit ko kanina sa performance para mag-harmonize sa beat.

"Oh, my God! Ang galing-galing n'yo talagang dalawa! Lalo ka nang gaga ka!"

Pagbaba namin sa hagdan ng stage, Kiara immediately pinch my cheeks and showered me with hugs. It's kind of annoying pero nasanay na ako sa ganitong klaseng gesture niya kaya pinagtiisan ko lang muna. Kidding.

"Ang galing mo, Ate. Ikaw din Kuya Mikan."

"Thanks, Dahlia. May libre kang cheeseburger sa 'kin mamaya."

"Yehey! Thanks, Kuya Mikan! Gustong-gusto ko 'yan."

Oh, my gosh, these two talaga.

"Pero Ate, baka malaman na naman nina Mommy at Daddy na kumanta ka rito sa school."

We all look at my sister when she said that. Panandalian din kaming napatingin sa isa't-isa ni Kiara. Exchanging some looks, weird looks.

"Hindi ka naman magsusumbong, Dahlia, 'di ba?" Tanong ni Kiara sa kaniya.

We waited for her to answer that and to give us the assurance na she will not.

"Oo naman po. Alam n'yo naman pong hindi talaga ako nagsusumbong. Mabuti na nga lang at absent ngayon si Hannah, paniguradong 'yon, magsusumbong talaga kina Mommy at Daddy."

"Kung hindi sila magtatanong, hindi tayo magsasalita. Kapag nagtanong, edi magsasabi ng totoo. Simple," sagot ko sa kanila.

"Sandi..." May pag-aalalang tawag ni Kiara sa pangalan ko. I smiled to her para mawala na 'yang pag-aalala niya sa akin.

"That's fine, Ki."

"Oh, well, 'wag n'yo na nga'ng isipin 'yan. Walang magsusumbong at walang makakarating sa kanilang ganitong klaseng balita. At saka, isa pa, as if naman singing in front of other people is a crime."

Binalewala namin ang usaping iyon at sabay-sabay kaming nagtungo papunta sa canteen ng school, few meters from the school's covered court.

They say strict parents produces the best liars, and probably the rebel ones. I am not a liar and I don't consider my self as a rebel. Hindi naman ako nagri-rebelde. Hindi ko naman sinusuway ang lahat ng utos ng mga magulang ko, in fact, sinusunod ko pa nga ito without any complains. As in lahat na gusto nila sinusunod ko. Mga magulang ko sila, e, and the bible said obey your parents.

May program kasi sa school kaya ni-request kami ng subject teacher namin sa TLE na mag-perform for an intermission number. Duo kasi kami nitong si Mikan, bestfriend ko, sa mga ganitong klaseng talent. Siya kasi 'yong guitarist, ako naman 'yong singer.

Hindi naman sa nagba-brag ako, ha, pero marunong akong kumanta. Maraming nagsasabing pasado na raw ang boses ko sa mga singing competition sa bansa, lalo na ang national singing competition like 'yong makikita sa TV pero binabalewala ko lang at nagpapasalamat na lang sa compliment na sinasabi nila tungkol sa talent ko.

Haplos ng Hangin (Yutang Bulahan Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon