HNH - 41

128 8 0
                                    

THE STARRY NIGHT.

Kung hindi lang naaninag ng mata kong may mag-asawang nakatayo sa kabilang side ng stage, hindi matitigil ang pagkakatitig ko sa kaniya na alam kong hindi niya nakita dahil sa sobrang abala sa ginagawa niya. Tumikhim ako at umiwas ng tingin.

Nakatingin sa akin ang mga magulang niya na hindi ko inaasahan na makikita ko sa ganitong klaseng party.

“Your mother and father-in-law are here?” Pa-simple akong nagtanong kay Kiara na kasalukuyang nakatingin sa controller na hawak ni Yohan, siguro nakikinood sa kung anong mahahagip ng camera mula sa ere. The fireworks are still blowing like it’s an endless pit of explosions in the air.

“Yep,” tumingin siya sa akin. “They’re here to support Siggy.” Tumaas-baba ang kilay niya nang panandalian niya akong pinasadahan ng tingin. Agad din namang bumalik ang tingin niya sa controller ni Yohan at nakipag-usap dito.

Tumikhim ulit ako at muling tumingin sa direksiyon ng mag-asawa. Mr. Lizares is holding a bottle of Red Horse. Mrs. Lizares is clasping her husband’s arms while talking to a woman of her age. Nakatingin lang siya sa kaniyang anak na sobrang seryoso pa rin ngayon sa kaniyang ginagawa, parang hindi niya alam na sobrang hype na ng mga taong tinutugtogan niya.

Bigla kong naalala ang family ni Krane. How are they? Nagkaayos kaya silang pamilya? Ano na ang nangyari sa kanila? I lost contact. And I think it’s better that way. Krane partially ruined my relationship with Siggy. Now that I knew that he’s clear and he did nothing in the past for me to disgust him, I can come back to him. Pero paano?

“Ate Sandi!”

May biglang umakbay sa akin sabay tawag sa pangalan ko. Nilingon ko ang kapatid ko at medyo nagulat sa biglaang pagsulpot niya.

“Hoov, what are you doing here? Pinayagan ka ni Mommy pumunta rito?”

Fifteen years old lang itong bunso namin at kahit lalaki ito, hindi raw basta-bastang pinapayagang makaalis ng bahay ito’t makagala kung saan-saan. Umakbay sa akin si Hoover at nagmukha akong mas bata sa kaniya dahil mas mataas na siya sa akin ngayon. And he’s clingy, palaging may hinihingi sa akin. Spoiled din kasi sa akin ‘to.

“Mm-Hmm, ang sabi ko sasama ako sa ‘yo.”

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Halatang galing nga siyang bahay dahil nakapambahay lang siya.

“You better be! You saw your Ate Hannah and Ate Dahlia on the way here?”

Pareho naming hinanap ni Hoover ang presensiya ng dalawa pa naming kapatid sa crowd. Hannah’s dancing with her friends now and parang tinamaan na ng alak. Sinenyasan ko tuloy si Chivas na bantayan si Hannah, in case kung mapaano. Naka-stand by naman silang dalawa ni Martin, handang magmatyag sa pagbabantay sa akin at sa mga utos ko.

Nang makitang okay naman si Hannah, si Dahlia naman ang hinanap namin sa pamamagitan lang ng pagtingin sa paligid mula sa kinatatayuan namin. Nang makita ko siya sa dating puwesto niya kanina, napangiwi ako sabay sabing… “Ew!” na sinabayan din pala ni Hoover. Napatingin tuloy kami sa isa’t-isa. “Ganiyan ba malasing si Ate Daling mo, Hoover?”

“Oo, Ate. Nagkakalat.”

Sa bawat pilantik ng baywang niya, napapangiwi ako. “I think she’s fine… for now. I do hope so hindi mauwi sa stripping off ang ginagawa niyang ‘yan.”

Sinenyasan ko na lang si Martin na i-look out si Dahlia. Nissa’s safe from her place which is the isolated part of the whole barricade. Sana pala pinasama ko na lang siya kay Alexa for awhile. Para naman may makasama siya.

Nagpatuloy ang party at habang mas lumalalim ang gabi, mas lalong lumalabas ang wild side ng mga tao. Sa whole duration na nandito ako, nakatayo sa stage na ito, ay naka pitong bote na ako ng San Mig Light with few shots from the hard drinks na inaabot sa akin ng iba’t-ibang klaseng group of friends.

Haplos ng Hangin (Yutang Bulahan Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon