“Kinakabahan ako, ang galing niya!”
THE START OF SOMETHING NEW.
Madaling araw na akong nakauwi sa penthouse. Hindi ako nasamahan ni Siggy dahil kinaladkad na siya ng mga kapatid niya pauwi sa mansion nila. Dahil siguro sa pagod kaya binalewala ko na lang.
Mabuti na lang talaga at maaga akong nagising. May oras ako para maghanda sa pupuntahan namin ni Mr. Hector. T-in-ext na niya ako kaninang mga alas-cinco ng umaga kaya paniguradong wala talaga akong kawala sa pupuntahan naming shooting. Pero hanggang ngayon, wala talaga akong idea kung anong shooting ang pupuntahan namin o kung sinu-sinong artista ang makikita ko pagkarating doon. Maybe I’ll surprise myself na lang?
I just sent Siggy a message about my errands for today and didn’t expect him to reply back. Hindi na nga rin kami nakapag-usap tungkol sa mga nangyari kagabi pero I’m sure kapag magkikita kami, mapag-uusapan din naman namin ‘yon.
Gaya nang napag-usapan, dumaan muna ako sa Addicting Nook para personal na magpaalam kay Nigel sa lalakarin ko ngayong araw. Pero nang pagdating ko sa coffee shop, wala si Nigel. ‘Yong mga empleyado lang niya ‘yong nandoon kaya sinabihan ko na lang sila at nag-iwan na rin ako ng voice message kay Nigel. Paniguradong tulog pa ‘yon. Lasing na lasing ‘yon kagabi sa party ni Mikan, e. From Inuman Session to the after party na tagayan ba naman.
I ordered a tea na lang while waiting for Mr. Hector. Nag-text na rin naman siya na he’s coming.
Maya-maya lang din ay nakita ko na si Mr. Hector na papasok sa Addicting Nook. Mabuti at ubos na ang tea na in-order ko. I’m good to go.
Mr. Hector wore a shades and when he entered the coffee shop, ma-drama niya itong tinanggal at malawak na ngumiti sa akin. Napatayo na rin ako para salubungin siya.
“As usual, kahit underdress ka, you’re still spectacular as ever.”
“T-Thank you po. Good morning po, Mr. Hector.”
“Mm-Hmm… From now on, you will call me Mama Hector!”
“Po?”
“Mama Hector! ‘Yan ang tawag ng mga inaalagaan ko sa akin. At since simula sa araw na ito iha-handle na kita kaya dapat lang na Mama Hector ang tawag mo sa akin. Contrata na lang talaga ang kulang at official na magiging one of the stars ka na.”
I pursed my lips and pressed a small smile, still in awe with whatever’s happening with my life right now.
Hindi na ako nakasagot. Agad din namang nag-aya si Mr. Hector- or rather, Mama Hector na pumunta na kami sa dapat naming puntahan.
Ang ingay ni Mama Hector habang nasa loob kami ng sasakyan. Kuwento lang siya nang kuwento sa akin. ‘Yong iba hindi ko na maintindihan. He has also a secretary na kasama inside the car. Nasa likuran lang namin since magkatabi kami rito sa passenger’s seat.
“Hay naku, kahit talaga wala naman akong papel sa movie’ng iyon, ako ‘yong na-stress nang biglang umatras ang second lead ng story, e.”
“Mr- Mama Hector, bakit ako ‘yong nilapitan n’yo to offer this kind of role?”
Umayos siya sa kaniyang pagkakaupo at itinigil ang pagpapaypay na ginagawa niya at marahan akong tiningnan.
“Alam mo, sayang na sayang ako no’ng bigla mong tinanggihan ang offer ko sa ‘yo rati. One step na lang at magiging ganap na artista ka na sana pero reasonable enough naman na pagtotoonan mo ng pansin ang pag-aaral mo. Bumabawi lang ako ngayon sa ‘yo. Just try this one. I can see potential pa naman sa ‘yo.”
![](https://img.wattpad.com/cover/215219462-288-k565024.jpg)
BINABASA MO ANG
Haplos ng Hangin (Yutang Bulahan Series #3)
Ficción GeneralSandi Hinolan is loved and adored by all. Will the man of her life be able to love and adore her?