HNH - 16

92 8 0
                                    

“I know you needed someone to lean on to. I’m here to be your friend, Sandi.”

THE GOOD NIGHT.

Isang tawag ang nakapagpatigil sa aking pagkakatulala. Kanina pang natuyo ang mga luhang lumabas sa aking mga mata. Nakatulala na lang ako’t walang inisip. Mas piniling gawing blanko ang isipan para hindi ulit maiyak.

Pagod kong kinuha ang phone at tiningnan kung sino ang tumawag.

Nang makita ang pangalan ni Siggy, dahan-dahan akong bumangon at napabuntonghininga. But I accepted the call anyway.

“Hey, how’s it been?”

I silently exhaled the breath I’m quite holding in after I accepted his call. It’s just that when I heard his round and doomed voice with carefulness inside of it, I felt relaxed after minutes of being pressured with my own feelings.

“I don’t think I can repay you, Sig,” naging sagot ko sa tinanong niya.

I don’t have money anymore. ‘Yong card ko na lang na iyon ang inaasahan kong magsasalba sa akin sa paglayo ko sa puder ko from my parents. They have it now so I think running away from them is the baddest idea I’ve ever had in my life.

“Are you fine? Nasa apartment mo na ba ikaw? I texted you but I got no response so I got worried. Are you safe?”

I bit my lower lip and prepared myself for the words I’m about to say. Sobrang kapal ng mukha ko na matapos ang lahat ng tulong na hiningi at tinanggap ko sa kaniya, ang ending pala ng lahat ng ito ay babalik din ako sa mga taong tinatakbuhan ko.

“S-Sig… Thank you for all the help you’ve given me. Promise, babayaran ko talaga ang lahat ng utang ko sa ‘yo. It’s just that, I decided to come back to my parents.”

“What?! Why? Payag ka na magpapakasal ka kay Krane?”

Mariin akong napapikit dahil sa tumaas na boses ni Siggy from the other line. Medyo inilayo ko rin ang phone ko from my ears. Ang laki naman ng boses ng isang ‘to. And why do he said that? Pareho sila ng thought no’ng sinabi ni Mikan. Bakit ba si Krane lang ang inaalala nila?

“Teka nga, sandali. Bakit ba iniisip mong once na umuwi ako sa mga magulang ko, agad na magpapakasal ako kay Krane?”

“That’s what you said. They’re insisting you to stay with them and to get married with the one that’s obviously not your type.”

“How can you be so sure that Krane’s not my type?”

“Why? Is he your type?”

Teka, sandali… sa phone ko kausap si Siggy ‘di ba? Bakit feeling ko naririnig ko ng personal ang boses niya? Guni-guni ko ba ‘to? O baka gutom lang talaga? Imahinasyon? Ilusyon? Panloloko? Ewan. Baka nga all of the above.

I shaked that thought away and swallowed hard to answer his question. Siyempre, hindi. Paano ko magiging type ang isang ‘yon, e, tinakbuhan ko nga no’ng isang araw, ‘di ba?

“Is he your type, Sandi?”

Parang naririnig ko talaga ang boses niya sa malapitan, e. It’s not on the phone anymore. I think he’s around and personally talking to me. Pero imposible naman ‘yon. He’s in Negros kaya. Ano namang gagawin niya rito, if ever?

Mariin akong pumikit at pilit iwinawaglit ang thought na naririnig ko ng personal ang boses niya kahit na alam naman nating lahat na imposible iyon at sa phone ko lang siya kausap ngayon.

“Teka, bakit ba siya ang pinag-uusapan natin ngayon?” Pag-iiba ko na lang sa usapan.

“I’m asking you Sandi… Is Krane your type?”

Haplos ng Hangin (Yutang Bulahan Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon