HNH - 24

86 7 0
                                    

“Ako lang ‘yong naging mahirap na maganda pa rin, mukha pa ring mayaman.”

THE NEW YEAR.


I hugged Yara the whole night while crying myself to sleep.

I never thought my little sister misses me that much. Sa dami ng iniisip ko, sa galit ko sa mga magulang ko, hindi ko c-in-onsider ang mararamdaman ng mga kapatid ko. Nang panahon kasing iyon, mas gusto kong ilayo ang sarili ko sa sakit na matagal ko nang nararamdaman under our parents.

Before I slept that night, I left Dahlia a selfie of me and Yara and a short message saying:

Ako:
Daling! Ate’s fine. Don’t worry about me. Merry Christmas and I miss you too. Love you. Yara’s here with me na. Thanks for this.

Pero kinabukasan no’n, niratratan ako ng messages ni Dahlia. She even added me on my Facebook account, kung saan ko siya na-message.

Hindi na ako masiyadong nakipag-communicate sa kaniya. Knowing Dahlia, hindi talaga siya mahilig humawak ng phone kaya kung mag-reply man ako sa mga messages niya, paniguradong hindi rin niya agad mababasa. Mabuti na ‘yong alam niyang okay ako at alam kong okay din sila. They’re doing good… without me.

Matapos ang Pasko, inabala ko na lang ang sarili ko sa part-time ko sa coffee shop ni Nigel, the classmate and friend I’m talking about who owned the coffee shop nearby na nag-offer sa akin ng part-time.

Everyday akong naka-duty dito starting no’ng Christmas vacation. Parang hindi na nga part-time sa akin ‘to, e. Parang full-time na kasi eight hours a day, sometimes nag-o-overtime pa, ang duty ko.

“Ano, Sand, pupunta ka mamaya sa gig ng Mikaneko? Kulit nang kulit sa akin si Nesto, punta ka raw.”

Naglilinis ako ng cashier counter nang lumapit si Nigel sa akin, the owner of the shop. Panandalian ko siyang tiningnan at napailing na lang dahil sa naging tanong niya.

I sighed and looked up to Nigel.

“Sige na, sumama ka na. Manunood kami nina Dina mamaya,” dagdag pa na sabi niya.

“Bakit ba gustong-gusto makita ni Nesto ang presensiya ko sa gig nila? Kahit naman hindi ako manood, nakasuporta naman ako sa banda nila,” dinaan ko pa sa birong sabi ko. Napatigil na rin sa ginagawang pagpupunas ng counter.

“Duh, ‘di ba mag-bestfriend kayo ni Mikan? At saka, ‘wag ka, alam kong hindi ka pa nakakapanood ng gig nila. Kung hindi pa yata sila nag-perform no’ng lantern parade, baka hindi mo pa makita, ano? Tama ‘di ba?”

“Duh rin, nakapanood kaya ako. Online. Youtube.”

“Iba naman kasi kapag personal at online ‘no. Nood ka na kasi. Mag-i-early closing ako mamaya para makapunta tayo.”

“Fine. Pupunta naman talaga ako. Mabuti pupunta rin kayo para may kasama ako.”

“Nice!”

Nakipag-apir si Nigel sa akin at agad din namang umalis sa harapan ko para puntahan naman ang kitchen.

Lumipas ang ilang oras, maagang nagsara ang coffee shop ni Nigel. Wala na rin naman masiyadong customers dahil nga bisperas ng bagong taon ngayon, obviously, busy ang lahat.

Umuwi muna ako ng penthouse to change some clothes at nagkasundo lang ni Nigel na sa coffee shop niya na lang ako maghihintay since makiki-hitch ako sa kaniya papunta sa venue no’ng New Year Countdown Celebration ng isang sikat na network.

Haplos ng Hangin (Yutang Bulahan Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon