HNH - 25

91 7 0
                                    

“The heart speaks for itself.”

THE LOVE.

I went home past three AM. Gusto pa sana ni Mikan na ihatid ako sa kung saan ako nakatira pero I insisted na hindi na. Alam kong busy siyang tao kaya hindi na dapat niyang ginagawa ang dati’y ginagawa niya patungkol sa akin. Since kay Nigel ako sumabay, sa kaniya na ako nagpahatid sa Taguig. Wala rin namang pakialam ‘yon kung bakit sa coffee shop niya lang ako palaging bumababa sa tuwing nagpapahatid ako sa kaniya.

Nakangiti akong naglalakad palapit sa building ng penthouse. Nabati ko pa nga ng maligayang bagong taon ang sekyu ng building nang papasukin niya ako, e. Ganoon ako kasaya.

Sa sobrang saya ko rin, halos mapasayaw nga ako nang marinig ko ang music na galing yata sa stereo sa nadaanan kong unit.

Hanggang sa buksan ko na ang pinto ng penthouse, nakangiti pa rin ako.

Ewan ko ba, ang gaan lang kasi sa pakiramdam na at last ay nagkapansinan na kami ni Mikan at na-clear na namin kung ano man ‘yong hindi namin pagkakaunawaan no’ng nakaraan. Parang nabunutan ako ng tinik sa puso, e.

But when I saw the lights inside the penthouse were on… that’s when my energy died-down. My heart’s into race, as if someone is chasing me. Bigla akong kinabahan. Napasukan ba ako ng magnanakaw? Bakit bukas ang ilaw? May tao ba? Magnanakaw ba talaga?

Dahan-dahan akong naglakad at since makikita rin naman agad ang kabuuan ng penthouse pagkapasok pa lang, agad din akong kumalma.

Oo, may magnanakaw… magnanakaw ng puso.

“Freud Sigmund Lizares!”

Sumigaw ako’t agad na tumakbo palapit sa kaniya. Nang makita ko siya, nakatalikod siya sa akin at mukhang nagmumuni-muni sa may glass wall kaya dinambahan ko siya ng yakap mula sa likod. Para tuloy akong naka-piggy back ride sa kaniya.

“You’re here!” muling sigaw ko. This time, nakasampa na talaga sa likuran niya at inaamoy na ang mabango niyang leeg na ilang linggo ko ring hindi inamoy. His manly scent that always sway my life everytime it invades my sense of smell. “Kailan ka pa bumalik? Kanina ka pa? Ba’t hindi mo man lang ako tinawagan?” dagdag na tanong ko habang nasa ganoon pa ring posisyon.

He remained stiff, not moving an inch.

I pouted and went down from my position para maharap siya. Salubong ang kilay ko’t mahaba na ang aking nguso dahil sa pagtataka pero mas salubong pala ang kilay niya nang tuluyan kaming magkaharapan na dalawa.

Mariin siyang nakatingin sa akin. Animo’y parang may apoy ang kaniyang tingin.

“Bagong taon na bagong taon, ang bugnutin ng mukha mo. Smile ka nga, pangga.”

“I called you… many times,” matigas na sabi niya.

Muling nagsalubong ang kilay ko’t kinuha ko ang phone sa dala kong chain bag.

“Hindi kaya- Ah! Hehe, dead batt pala.” Hilaw akong natawa nang pagkuha ko sa phone ko, hindi ko na ma-open ito. For sure dead batt nga.

Ipinasok ko ulit ang phone sa chain bag at tuluyan itong inalis sa katawan ko para ilagay sa kung saan. Hinarap ko siya’t ngumiti nang napakatamis. I wrapped my hands around his neck and hugged him even tighter. I really miss this innocent face that I was only able to see through screen these past weeks.

With inches left from the distance of our face, I took a peck on his lips, slowly. Agad ko rin namang ibinalik ang tingin sa kaniyang mata.

“I miss you,” I said, almost whispering.

Haplos ng Hangin (Yutang Bulahan Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon