HNH - 20

93 7 0
                                    

“I can’t imagine what will happen if it’s not me.”

THE YES.

“The kiss.”

Yeah, shit! ‘Yong may hinalikan akong hindi ko kilala!

Lumingon ako sa kaniya at mas lalong nagtaka.

“Bakit mo alam ang tungkol do’n?”

“That was me.”

“That was you? Ha?”

“Ako ‘yong hinalikan mo no’ng gabing iyon.”

Kruu kruu kruu… What? Holy mother of monkey! What?!

“Ikaw ‘yong first kiss ko?!” Nanlaki ang mga mata ko pati bibig. Hindi makapaniwala sa sinabi niya. Nagda-doubt na rin ako. Imposibleng siya ‘yon!

“So… that was your first kiss then? Ang suwerte ko pala.”

“Weh? ‘Di nga? Hindi ako naniniwala.”

“I have proof that I was that guy.”

“Sige nga. Sa’n na ‘yong proof na sinasabi mo,” panghahamon ko pa sa kaniya.

Imposibleng siya ‘yon. Kung siya ‘yon, edi sana nakilala ko na siya.

Kinuha niya ‘yong phone niya somewhere from his pocket and he manipulated something on it. I waited for seconds until his face lit into a smile.

Nandidilim paningin ko. Parang hindi ko gusto ang paraan ng kaniyang pagngiti. Pigilan niyo ako.

Hanggang ngayon, hindi niya pa rin ipinapakita sa akin ang dapat na ipakita niya. Patuloy pa rin siya sa simpleng pagngiti niya na halos umabot na sa pagtawa habang nakatingin sa kaniyang phone pero mag-aangat naman ng tingin sa akin. Parang palipat-lipat lang ang tingin niya sa phone at sa akin.

“Sige na, sa’n na ‘yong proof na sinasabi mo. Mukhang wala naman, e. Hindi yata ikaw ‘yon.” Umiwas na lang ako ng tingin at inatupag ang sarili sa pagsalin ng iced tea.

“Heto na, heto na.”

Habang umiinom ako ng iced tea, inabot ko ang ibinigay niyang phone. The glass on my left hand, the phone on the right.

Holy mother of monkey!

Legit na naibuga ko ang iniinom kong iced tea nang makita kung anong picture ang nag-appear ngayon sa screen ng phone niya.

“Hey, Sandi!”

Wala na akong pakialam kung nabasa ako sa iced tea na naibuga ko at sa naging reaction ni Siggy sa nangyari. Mas concern ako sa nakikita ko ngayon.

Holy mother of monkey, Sandreanna! Anong klaseng kagagahan ‘yang ginawa mo?!

Mas idinutdut ko pa ang phone sa mukha ko at sinipat talaga ito ng tingin. Bawat angulo ng mukha ko, bawat maliit na detalye ng mukha ko, hindi ko pinalampas, hindi pinalampas ng mala-CCTV kong mata.

Holy mother of monkey talaga, Sandreanna! Para kang tanga sa picture!

“After you kissed me, you asked me if I have a phone because you said you left your phone in your hotel room. I said yes, then you insisted that we should have a photo op. I said no but you still insisted it and gave the phone to the bartender. So… that’s why we have a photo like that.”

Photo… photong ina!

“Hep, hep, hep! Sshh! Sigurado kang ako ‘to?”

“Bakit? It doesn’t look like you ba?”

Haplos ng Hangin (Yutang Bulahan Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon