HNH - 22

89 5 0
                                    

“Ang sobrang understanding mo naman, Sandreanna.”


THE CONVERSATION OVER SAN MIG LIGHT.


“Naaawa talaga ako kay Mommy Felicity at Daddy Gab sa kinakaharap ng family nila ngayon. Pati nga ako na-s-stress talaga.”

Inilapag ko ang kubyertos na hawak ko at ibinigay sa kaniya ang hundred percent attention ko.

“Why? What happened?”

“May dinner kasi kami tomorrow with the Osmeñas. Kailangan kompleto ang pamilya. But Siggy’s persistent na hindi um-attend bilang nasa Manila raw siya ngayon. E, ‘yon, pinuntahan ni Kuya Decart at Einny sa Manila para mapauwi since ilang buwan na rin na hindi umuuwi ‘yon after ng kanilang fight with his parents. Sana nga mapauwi nina Einny. Magpa-pasko pa naman.”

Teka, ano?

“Nag-away si Siggy at ang parents niya?”

Tuluyan na talaga akong naging curious sa usaping ito. Hindi naman talaga ako interesado sa mga chismis ni Kiara pero it involves Siggy that’s why I’m this curious na kulang na lang at pumasok ako mismo sa screen at harapin siya ng personal.

“Yeah. It started kasi few months after my wedding. Mga July yata or June? Something in between. Bigla kasing nag-declare si Siggy na magta-transfer daw siya sa DLSU. E, siyempre nagulat ang parents niya kasi stable naman ang status niya sa USLS kaya bakit magta-transfer nang biglaan? So, hindi nag-agree si Mommy at Daddy. Pero pinagpilitan niya kasi ‘yong gusto niya kaya ayon, nag-away sila. Ilang buwan nang hindi umuuwi rito sa Negros. Ang sabi nasa mansion lang daw ng mga Lizares sa Manila. Pero sa pagkakaalala ko, pati ‘yong ka-a-acquire lang na penthouse nina Mom and Dad for Darry ay hiniram niya pansamantala. Siguro ginawang studio or something. Hindi na rin naman nila inalam, e.”

Napa-iwas ako ng tingin sa screen at napaisip sa sinabi ni Kiara.

Nag-away sila ng mga magulang niya? Bakit hindi man lang niya sinabi sa akin? Bakit hindi man lang niya naikuwento sa akin? At saka, hindi alam ng pamilya niya na may tumitira sa penthouse na pag-aari ng bunso nilang kapatid? Ha, teka, naguguluhan ako.

“N-Nand’yan ba si Siggy, Ki?”

Napatingin si Kiara sa wrist watch niya at may tiningnan din sa malayo.

“Hmm, ang sabi ni Einny, pauwi na raw sila from the airport. Siguro later dadating na rin sila.”

Bumagsak ang balikat ko at napaiwas ulit ng tingin. Umuwi siya ng Negros nang hindi man lang ako inabisohan.

“Oh, they’re here na pala.” Naibalik ko ang tingin ko kay Kiara nang magsalita ulit siya. Tumayo siya sa kaniyang pagkakaupo kanina habang dala-dala pa rin ang phone niya. Naglakad siya somewhere pero wala na sa screen ang tingin niya. “Hi, hon.”

Nakita ko sa screen na niyakap niya ang asawa niya. Masiyadong magulo ang other line kaya hindi ko maaninag kung ano exactly ang nangyayari. Basta ang alam ko lang, binati ni Kiara ang asawa niya.

“Sinong kausap mo?”

“Oh, it’s Sandi.”

Biglang pumasok si Einny sa screen. Ngumiti siya sa akin at kumaway na rin.

“Hi, Sandi. Ikaw pala ‘yan.”

“H-Hi.”

Hindi kami personally magkakilala ni Einny. Hindi pa nga kami nagka-bonding or whatever, e. Pero nang dahil kay Kiara ay nakilala ko siya. At saka nagkakilala lang kami no’ng mismong kasal na nila.

Haplos ng Hangin (Yutang Bulahan Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon