HNH - 43

118 7 0
                                    

THE BABY.

Mom wants to have an annulment with Daddy. It turns out that she’s not happy with her life with Daddy. Daddy didn’t say much, ayaw niyang pumayag. Kahit halata sa kanilang dalawa na hindi na sila masaya sa buhay mag-asawa nila. The annulment issue die-down after a few days since Mom decided it. Hindi natuloy pero hindi na rin sila nagpansinan pa mula noon. Mas itinutok na lang nila ang sarili nila sa trabaho. We’re cool with it. We’re big enough to understand naman what’s going on.

I went on with my life. Continue living as happy as I can be.

After that vacation in my hometown, back to normal sa akin ang lahat. Except that he’s by my side nang mag-back to normal ako. Bumalik kaming Manila to continue my pending projects. Naipagpatuloy din ni Siggy ang naudlot niyang dream movie. Sinimulan na rin ang construction ng rest house ko.

I am happy. I am contented. I am at peace. Everything’s going to their right places. Everything is in pieces.

Well, of course, except lang no’ng biglang magpaalam si Alexa sa team ko. Lalagay na kasi siya sa tahimik kasama ang boyfriend niya kaya nag-decide siyang mag-resign sa team ko. It was so sad, lalo na’t napalapit na rin sa akin si Alexa, pero that’s life. I can’t hold of them forever. Kaya may bago akong make-up artist ngayon.

Except that, after a few months, a terrifying and at the same time an heaven’s blessing came upon us…

“Sandi… is this yours?”

Pangisi-ngisi pa ako habang ka-text si Siggy nang biglang lumabas galing sa common comfort room ng buong bahay si Ms. Yang. Kauuwi lang namin galing sa taping. Dapat nasa kuwarto na ako ngayon at nagpapahinga pero masiyadong malalim ang pinag-uusapan namin ni Siggy sa text kaya napahinto ako’t umupo muna sa sofa ng living room.

“The what?” tanong ko nang hindi man lang nakatingin sa kaniya.

I am less interested with her question, anyways.

“This pregnancy test kit?”

“The what?!” this time, napatingin na talaga ako sa kaniya.

Pansamantala kong iniwan ang phone sa sofa at agad na nilapitan si Ms. Yang. May bitbit nga siyang pregnancy test kit at nang kunin ko ito, nakita kong may dalawang pulang linya na ito. Positive? The hell?

“Is that yours, Sandi?” mas firm na tanong ni Ms. Yang.

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko’t nagtataka na. “Of course not! Why will I use that?” Ibinalik ko sa kaniya ang kit dahil parang naamoy ko pa ang ihi mula rito. Ewy!

“To check if you’re pregnant or not? Sandi, I’m asking you straight, you should be answering me straight too. Sa ‘yo ba ‘to? Ginamit mo ba ‘to? Buntis ka ba?”

“No! I am not pregnant and just so you know me and Siggy are practicing safe sex.”

“Oh, so may nangyayari sa inyo?”

“Um, normal?” I say it like it’s a matter of fact. Normal lang naman ‘yon sa couple na nagmamahalan na dalawa. What’s wrong with that? Mabuti nga kaming dalawa napa-practice ng safe sex using condom, e.

“Whatever! Ang gusto ko lang i-point out is sa ‘yo ba-”

“Baka sa ‘yo? Puwede ka pa namang magbuntis, ‘di ba?”

“Sandi! This is not the right time to joke that around,” may panlilisik ng matang tingin niya sa akin.

Ngumisi ako. “Okay! Joke. Joke only. You’re so stressed out these past few days. Hindi kasalanan ang paminsan-minsang pagngiti.”

Haplos ng Hangin (Yutang Bulahan Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon