HNH - 30

112 7 0
                                    

THE PARENTS.

“Showbusiness. Wow. What you really want is what you really get, ano, Sandreanna?”

Bumaba ang tingin ko sa paanan ng aking paa nang marinig na magsalita si Mommy. Umigting ang aking panga para pigilan ang sariling kumalaban sa kanila. It’s full of sarcasm kahit na narinig ko siyang tumawa sa bandang huli.

“Isang taon. Isang taon mong tiniis na hindi umuwi sa atin. Isang taon kang hinintay ng mga kapatid mo. Tapos malalaman namin, nag-artista ka pa lang walang hiya ka?!”

Napaangat ako ng tingin nang marinig na magsalita si Daddy. He was looking at me intently at kung hindi yata nakahawak si Mommy sa balikat niya, baka kanina niya pa akong nilapitan at sinampal.

“I’ve been in this industry for months already, tapos bigla kayong magpapakita sa akin para ano? Para guluhin ang tahimik kong buhay?”

I saw how they got taken aback with what I said. Maski ako, nagulat din sa sariling sinabi. Holy mother of monkey, Sandreanna! You just talked back to your own fucking parents! Is that even an achievement? Fuck it, Sandreanna Millicent!

Seconds of silence and in depth internalization of what I just said, Mommy broke the silence. She cleared her throat and straightened her posture, just like what she always do.

“Aba’t-”

“Calm… down... Bernardo.”

Pinigilan ni Mommy si Daddy sa akmang paglapit sa akin. She remained calm, without breaking her stare at me. Kahit may distansiya mula sa akin, visible sa aking mata ang kumikibot-kibot niyang ugat sa noo, gumagalaw na panga, at mariing tingin sa akin.

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa puwesto ko. Mas lalong kumabog ang dibdib ko. The last time I saw her, nagulat ako sa inakto niya sa akin. Kalmadong tao si Mommy and never niya pa akong sinaktan. But she can be cruel sometimes, just like how she watched while Daddy’s hurting me. She may be calm outside but she’s the cruelest person I’ve ever met in my life inside. Titirahin ka niya sa mga salita.

Sinubukan kong pantayan ang tingin ni Mommy pero sa sobrang seryoso nito, para akong napapaso. Para bang may invisible laser from her eyes that’s why the longer I stare at her, the painful it gets.

She stopped midway and I don’t know if it gives my heart a time to breathe o mas lalo akong kakabahan sa mga salitang lalabas sa bibig niya.

“Is this an act? Is this part of your script? Or is this what that Freud Sigmund Lizares taught you?”

What?! How… did they know about him? Oh, fuck, yeah! Your parents aren’t cavemen, Sandreanna. Kumalat nga halos sa lahat and that’s way too impossible na hindi makarating sa kanila.

Matinding paglunok ang nagawa ko dahil sa naging tanong ni Mommy. Nagulat ako. Bakit nasali sa usapan na ito si Siggy? She’s talking about Siggy, right? Freud Sigmund Lizares… that’s my boyfriend’s name.

“Anong kinalaman ni Siggy dito?”

Mom chuckled and that became the cue Dad was able to advanced to me to give me a hard slap!

Fucking ouch! Holy mother of monkey! Damn it, ang sakit!

Napahawak ako sa pisnge kong nakatanggap sa malakas na sampal ni Dad. Hindi agad ako nakabawi ng gulat. Nanatili ang tingin ko sa side kung saan napalingon ang ulo ko nang sampalin ako. Fucking ouch!

“Sa lahat talaga ng ikakalantari mo, ang anak pa talaga ni Gabriel Lizares, ano?”

Gusto kong maluha dahil sa sakit pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Dahan-dahan akong lumingon at sinalubong ang matalim na tingin ni Daddy sa mismong harapan ko. Mas lalong umigting ang panga ko para lang pigilan ang sarili.

Haplos ng Hangin (Yutang Bulahan Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon