HNH - 27

92 8 0
                                    

“Do I really know Siggy that much?”

THE JAMMING.

Akala ko kasama si Siggy sa dumating na Lizares brothers. But he wasn’t with them, instead, iba ang nakita ko.

“Happy birthday Mikaelo Angelito Osmeña!”

Halos mapasapo ako sa sarili kong noo dahil sa malakas na sigaw niya.

The same old Kiara Montinola. Walang kupas, walang kabago-bago.

“Good thing you came, Kiara!”

“Happy birthday, Mikan!”

“Happy birthday, Mikoy.”

“Superstar, happy birthday!”

“Kuya Deck, Einny, Ton, salamat. Salamat din sa pagpunta. Si Siggy? Balita ko nandito siya sa Manila, ah? I invited him, though.”

“Oh, my God! Sandreanna!!”

Hindi ko na alam kung anong isinagot ng Lizares brothers tungkol sa whereabouts ni Siggy. Naagaw kasi agad nito ng sigaw ni Kiara ang lahat kaya ewan ko kung may naisagot sila o katulad ko ay napatingin na lang kay Kiara.

Malawak akong ngumiti sa kaniya at hindi pinahalatang interesado ako sa naging tanong ni Mikan tungkol kay Siggy.

“Kiki! Akala ko hindi mo na ako papansinin!”

Mahigpit naming niyakap ang isa’t-isa at tuluyang nakalimutan ang kuryusidad ko tungkol kay Siggy. Kiara and I catched up and she also introduced me to her brother-in-laws. They’re nice naman and I think ganoon talaga ka-sekreto ang relasyon naming dalawa ni Siggy that even his brothers didn’t know about me, except that I am Kiara and Mikan’s bestfriend, and I am the oldest daughter of Dr. and Dra. Hinolan.

But Tonton Lizares smiles differently. He wasn’t a creep. May kutob lang talaga ako na iba ang paraan ng pagtingin niya sa akin. Naabutan ko pa nga siyang titig na titig sa akin pero nang makita niya akong nakatingin na rin sa kaniya, bigla siyang ngingiti, kasing lawak pa ‘yan ng plaza ang ngiti niya tapos iiwas din naman ng tingin. I don’t want to assume but does he know about me? Hindi naman kasi parang may gusto siya sa akin ang tingin na ipinukol niya sa akin kanina. So, does he have an idea about my existence to the life of his brother?

Ano ba, Sandreanna, kung anu-ano ‘yang iniisip mo. Praning ka lang.

I didn’t make a fuss about it anymore. Agad din naman akong na-distract sa presensiya ni Kiara and others. Usapan dito, usapan doon. Napuno kami ng usapan ni Kiara dahil sa aksiyon niyang mga kuwento at kung anu-ano pa. Nakihalubilo na rin kami sa iba pang pinsan at bisita ni Mikan. Nakatutuwang makita na pati ang kaniyang mga magulang, iilang Tito at Tita, at mismong Lolo at Lola sa both sides ay nandito at animo’y mga teenagers lang na naki-party sa kanilang mga apo at kung sinu-sino pa.

Pero maya-maya lang din ay nagsimula ulit na tumugtog ang Mikaneko. Ang sabi part two raw ng Inuman Session nila pero nahulog naman na parang naging videoke machine ang banda dahil hindi lang naman si Mikan ang kumanta, pati ang mga pinsan niya ay kaniya-kaniya ring kanta tapos mayroon pa nga na kumanta ‘yong Lolo Mado niya. Ngayon, alam na namin kung saan nagmana sa ganda ng boses si Mikan. Mana pala kay Senyor Mado, e.

The night was full of jamming, laughters, songs, and enjoyment. Nakikisabay kami sa kantahan na nagaganap at minsan namang nakikipag-usap pa rin kay Kiara. Wala ako masiyadong makuhang lesson sa mga sinasabi niya. Ang alam ko lang, panay ang kuwento niya sa kaniyang bagong pamilya. Basically, how her whole year went by.

Haplos ng Hangin (Yutang Bulahan Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon