THE FIGHTING SPIRIT.
“Bitaw na, Mila!”
“Hindi ako bibitaw! Kahit kailan, hinding-hindi ako bibitaw! Mahal kita! Gagawin ko ang lahat para makuha ka. Kahit mapiga ako sa kahuli-hulihang dugong mayroon ako, hindi ako titigil, hindi ako susuko, Chris. Ipaglalaban kita hanggang nakatayo ako!”
Alvie draw his gun towards us and before he could shoot Chris, I blocked the way.
And then I heard gunshots and felt the pain lingering my whole body, my whole system.
“Cut! Good take!”
Umayos ako ng tayo at pinahiran ang luhang nailabas ko sa eksenang ito. I cheered with everyone. Sinalubong ko ang direktor namin. Tinapik ko ang balikat ni Coco bago namin sabay na hinarap si Direk.
She gives us a round of applause. Just like the usual. And then everyone went back to normal. We have our breaks. Preparing fot the next scene.
It’s a prank, a big fat ass prank. What I said last time was all a prank. Do you really think Sandi Hinolan will retreat just like that? Never. Not in a million years. Nililigawan pa lang naman. May iba nga r’yan na ikinasal na, natibag pa. ‘Yan pa kayang nililigawan pa lang? Weak. I can’t just lose him like that. Hindi sa ganoong paraan matatalo ang isang Sandi Hinolan, ang isang katulad ko. At saka, ipaglalaban ko siya hanggang sa nakatayo ako. Kahit maubos ang dugo ko, hindi ako titigil, hindi ako susuko.
I’m just gaining energy. Nagpapa-cool down sa mga nangyari at mangyayari, kung mayroon man. At saka, naging busy na rin ako. Offers in different shapes and sizes came like flash floods. The three biggest TV network in the country offered me an exclusive contract with them. Producers offered projects. Local products offered to represent their products for a commercial or an endorsements, again. Halos sumabog and utak at ang notification ni Ms. Yang dahil sa queries and offers. But in the end, I did not choose one. I don’t have to. Don’t get me wrong, their offers were so good, halos mapa-oo nga ako. But… my international brand commitments were enough to me for now.
Pero hindi ibig sabihin na d-in-ecline ko ang mga offers ng TV networks na iyon ay hindi na ako open for partnership with them. Tinanggap ko naman ang iba’t-ibang guestings nila, production numbers sa mga musical variety shows na mayroon sila. I accepted some interviews and other appearances.
Actually ngayon, I made a cameo role in a teleserye sa dati kong network na Broadcasting Network Station. Since I’m a freelancer artist now, after nito, jump na naman ako sa kabilang station for an exclusive interview sa Tonight With Boy Abunda. Medyo kinakabahan nga ako since before pa akong naging sikat internationally, pangarap ko na talagang ma-interview ni Tito Boy, lalo na ‘yong fast talk segment niya. Gusto kong ma-experience ‘yon. And I’m gonna do it later! Yay! Exciting!
“It’s really an honor to be with you in this episode, Ms. Sandi. It’s an honor to work with you. Personal kong na-experience kung gaano ka kagaling sa ganitong larangan.”
Nire-retouch ako ng glam team ko, lead by Alexa, nang lumapit si Coco. Nasa kabilang tent siya kasi ako lang mag-isa rito sa tent na pr-in-ovide sa akin and my team. Kaya nagulat ako nang bigla siyang makapasok sa loob. Hindi ba nagbabantay si Chivas at Martin?
Ngumiti ako sa kaniya. Natuwa rin sa sinabi niya.
“Ikaw din kaya. I’ve watched your past projects, ang galing mo. No wonder talaga na ikaw ang binansagan nilang Action King.”
“Hindi naman…” pa-humble pa na sabi niya.
“Looking forward for the coming days of this project, Coco,” pagtatapos ko sa usapan. Ngumiti siya sa akin at tinawag na rin siya ng entourage niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/215219462-288-k565024.jpg)
BINABASA MO ANG
Haplos ng Hangin (Yutang Bulahan Series #3)
Ficción GeneralSandi Hinolan is loved and adored by all. Will the man of her life be able to love and adore her?