HNH - 10

96 9 2
                                    

“Kapag ba sumisikat, literal talagang lumalaki ang ulo?”

THE MUSICAL.

Habang tumatagal ang pananatili ko sa masalimoot na mundong ito, unti-unti kong nari-realize kung gaano akong pinagkaitan ng lahat, ng sarili kong mga magulang. I’m slowly waking up to the realization that my parents don’t own me and they shouldn’t be holding my peace.

Sa ilang buwan kong nakasama ang iba’t-ibang klaseng tao ng Dulaang UP, doon ko rin na-realize na namulat na ako sa katotohanan. Ibang-iba pala talaga ang gusto ko sa buhay. I realized there’s more to life. There’s more that I want. With the few right people who helped me see things clearly, I became a rebel.

Hindi ko alam kung rebellion bang matatawag ‘yon? I’m just doing what I really want and there’s nothing wrong with that. It’s just that the first few lies I accidentally did, mas nadagdagan pa. Hindi ko nga alam kung lahat ba ng sinasabi ko sa mga magulang ko sa tuwing tinatanong nila ako ng updates ko sa buhay ko rito sa Manila ay totoo. Lahat yata ‘yon kasinungalingan na.

Kapag namulat na ang mata mo sa katotohanan, kasalanan na ang pumikit.

Gising na gising na ako sa katotohanan na dapat hindi ako hinahawakan sa leeg ng mga magulang ko. If they really love me, they’ll understand that I am different. I can’t be a doctor just like them. I want to be different. I want to make a name of my own away from their shadow of success. I’ve been supressing this secret of mine for too long, I think it’s time for them to know. Whatever it takes. Dito ko malalaman kung ano nga ba ang katayuan ko sa pamilyang ito.

“Ate, you did what?!”

Napapikit ako ng mata nang marinig ang malakas na sigaw ni Dahlia from the other line. I massaged my temple and exhaled.

“I said-”

“E, bakit ngayon mo lang sa ‘kin sinabi? Alam ba nina Mommy at Daddy ‘to? Ate, paniguradong lagot ka kapag nalaman nila ito!”

I exhaled again, harshly. Finding some exact words for her to understand what had happened.

The musical was a success! An historic success! Katatapos lang nito and the moment na makapunta ako sa backstage, agad kong hinanap ang phone ko para matawagan si Dahlia to finally broke my long time secret.

Sinabihan ko siya na sumali ako sa isang musical play quite expecting she’ll understand me. Pero ganito na nga ang naging reaction niya. Bad idea talaga yata ang sabihin sa kaniya ito.

“How come nakasali ka sa isang play? ‘Di ba walang gan’yan sa UP Manila? Did you join independently?”

“Sandi, pinapatawag ka ni Sir Mark. May gusto raw kumausap sa ‘yo!”

Naagaw ng isang excited kong kasamahan sa musical ang attention ko kaya hindi ko nasagot ang mga tanong ni Dahlia. Tumango ako sa kasamahan kong iyon.

“I’ll call you later when I get home, Dahl, ha? Bye, love you!” Agad kong binaba ang tawag at agad sumama sa kasamahan kong mababakas pa rin ang excitement sa kaniyang mukha.

“There you are… the star of the night!”

Kasama ni Sir Mark ang iilang respetadong bisita na dumalo sa musical play na ito to witness his rendition of Ang Huling El Bimbo. One of them is my super idol in OPM bands, Ely Buendia, the lead vocals of Eraserheads.

Ngumiti ako sa kanila at agad napayuko para bumati. Nakaka-overwhelm naman ito.

“Congrats, Ms. Sandi. You portrayed Ligaya very well.”

Haplos ng Hangin (Yutang Bulahan Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon