HNH - 18

82 10 0
                                    

“Ang magkaibigan, nagtutulungan.”

THE BACK HUG.

Ilang minuto akong natulala habang sini-sink in sa utak ko kung ano ang mga sinabi ni Siggy. Hindi ko talaga matatanggap ang ganito ka-laking lugar. Paniguradong mahal ito at paniguradong hindi ko kaya kung magri-rent ako.

I stared at the wide glass wall and endulged myself a little bit of this aesthetic view in front of me. I then sighed after realizing everything.

“Sayang naman kasi kung walang titira rito for the mean time. Dito ka muna pansamantala habang naghahanap ka ng trabaho at matitirhan.”

Napatingin ulit ako kay Siggy.

“Bakit mo ba ako tinutulungan nang ganito, Siggy?”

Sumeryoso ang naging tingin niya sa akin, nawala ang maliit na multo ng ngiti na nakita ko kanina habang nagsasalita siya. Nakipagtitigan siya sa akin, siguro tinatantiya kung anong magiging reaksiyon ko. Hindi ko alam. Ewan.

“I have the resources and the means to help you. Why not, Sandi?”

“Ang laki na ng utang ko sa ‘yo. Ang daming tulong na ang naitulong mo sa akin. We barely knew each other at first. Hindi ko nga alam na magkababayan tayo. Tapos, ganitong tulong ang ibinibigay mo sa akin?” kalmado ang paraan ng aking pagkakatanong sa kaniya.

Hindi naman ako galit. I am more than gratitude to every help he lend me. Malaki ang pagpapasalamat ko sa lahat nang ginawa niya sa akin but do you think sobra-sobra na ito? Para sa akin kasi sobra-sobra na.

“Bestfriend ka ni Kiara. Kiara is my sister-in-law now. Lahat ng kaibigan ng pamilya namin, nagiging kaibigan na rin namin. Automatically, tinutulungan namin ang mga kaibigan namin. Magkaibigan tayo ‘di ba? At ang magkaibigan, nagtutulungan.”

Well, point taken. Magkaibigan nga kaming dalawa. Kailangan ko ang tulong niya. Sakto namang may maitutulong siya, why not nga ‘di ba na hindi ko tanggapin? Ang tulong na nga ang lumalapit sa akin, aayawan ko pa?

“Pero… sigurado ka bang patitirahin mo ako sa ganito ka-laking kuwarto? I mean, this is really too much.”

“Gusto mo samahan kita? Puwede rin naman akong tumira rito instead sa mansion. ‘Yon ay kung gusto mo lang naman.”

“Ha? Hindi na. Sige, tatanggapin ko na. Sayang din naman. Basta sabi mo, libre ha?”

“Huh? Sinabi ko bang libre?”

Namilog ang mata at bibig ko dahil sa sinabi niya. Holy mother of monkey!

“H-Ha? Akala ko… akala ko… hindi ba?”

“Kidding. Siyempre naman libre. Kaya nga ito ‘yong s-in-uggest kong puwede mong tirhan kasi binabayaran pa rin namin ang electricity at water bills every month. Sayang naman kung walang titira.”

“Basta… ang sabi mo libre ha? Okay na ‘to. ‘Yong pamasahe at allowance ko na lang papuntang school ang iisipin ko.”

“I can be your chauffeur if you want to.”

“Hoy, grabe. ‘Wag na. Mas lalong dadami ‘yong utang ko sa ‘yo. Baka mabaon ako nito, hindi kita mabayaran.”

“Edi mabuti.”

“Anong mabuti ro’n? Kapag malaki ang utang ko sa ‘yo, mas matatagalan bago kita mababayaran.”

“Edi mas mabuti. May rason ako para habulin ka.”

Nakatayo sa gitna ng kuwartong ito, pinagmasdan ko siya. May ngiti sa kaniyang makapal na labi pero alam mo sa kaniyang mga mata na seryoso ang kaniyang pagkakasabi. Tinitigan ko ang kaniyang mga mata na animo’y alagad ng hangin.

Haplos ng Hangin (Yutang Bulahan Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon