ALEXIS’ POINT OF VIEW
“Goodluck with your game, Alexis.”
Henry cheered, I just nodded at him. It feels so weird rin because I don’t feel any kilig or sparks between us anymore. Parang hindi na tulad ng dati.“Thank you.”
I said, napansin ko na parang nakaakbay siya sa’kin kaya medyo naging awkward na rin because I heard screaming.
“A—ahm... Henry”
Tinanggal ko yung kamay niya sa balikat ko at lumayo ng kaunti, it feels so awkward na talaga with him. And napapansin ko din that he’s been sticking around me kaya nagkakaroon na tuloy kami ng rumors.
Pinagsabihan na rin naman ako nila Chloe and Ranzi na I should avoid him. But yeah, I can’t because siya tong lumalapit sa’kin. And isa pa, iba na nakikita ko kay Henry.
Although he’s still a nice guy, now I can see what Chloe and Ranzi are seeing about him. Marami na rin ako na-found out na mga bagay about him. Dahil don nag-iba na yung image niya sa’kin.
A few minutes after ng pag-uusap namin ni Henry, I kept myself busy by warming up. I also checked the crowd para tignan si Ash na nakatingin rin pala sa’kin.
Napansin ko na parang iba yung tingin niya dahil magkasalubong yung kilay niya. Tumingin ako kay Chloe na nasa tabi niya na para bang may sinisenyas sa’kin.
Nagtaka ako when Chloe teased me, parang sinasabi niya na lagot raw ako kay Ash. I stared at her with a confusion habang patuloy yung pang-aasar niya.
“Look, nandito yung crush mo Gab.”
I heard someone kaya napatingin ako sa pwesto nila. They are not too far from me kaya nakita ko agad sila.
“The Student Council President ng Wetherton.”
“I should give my best now. Para if ever manalo tayo, I’ll ask her out.”
Sabi nung girl na nakasuot ng Jersey number na 02 with the surname of Jimenez.
“Well, kung matalo mo yung Golden Trio nila.” Sagot ng kateammate nila.
“Lalo na yang si Smith.”
“Ehem, for sure lalampasuhin yan ni Gab.”
Natatawang sagot nung may jersey number na 34. Pinaguusapan nila ako without knowing na naririnig ko sila.
Habang patuloy sila nag-uusap kung paano nila kami, lalo na ako, napansin ng isa sa kanila na nakatingin ako sa pwesto nila kaya sinabihan niya agad yung mga kasama niya.
Tumingin sila sa’kin kaya nakipagtitigan din ako sakanila. If they think na kaya nila kaming talunin, then let’s see. I’ll make sure na makikilala nila kung sino yung kinakalaban nila.
Minutes later, the game was about to start kaya nagplan na si Coach ng gagawin namin. Unang magseset si Steph kaya kailangan namin maging alert sa bawat galaw ng isa’t isa.
![](https://img.wattpad.com/cover/234885951-288-k108360.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Masungit Na President (UNDER REVISION)
Romance"We come to love not by finding a perfect person, but by learning to see an imperfect person perfectly." - Sam Keen More frequently than not, two people are attracted to each other in the opposite way. Alexis, a top volleyball player, had a major cr...