Masama talaga yung kutob ko.
Parang may kung anong mangyayare.Tinitigan ko si mommy.
May kung ano talaga akong nararamdaman di ko mapaliwanag.
Tumayo na si mommy at inaya niya na din akong pumasok sa mansiyon ng magka hawak ang kamay.
"Ang lamig ng kamay ni mommy" bulong ng isip ko.
"liah baby" malambing na sambit nito.
"Bakit po mommy?"
"Pagod na si mommy anak" Sambit ni mommy habang patuloy pa din kameng naglalakad.
"Ganon po ba mommy? hahatid na po kita sa kuwarto niyo po" Ngiting tugon ko.
"Thank you baby" balik na ngiti niya sa akin.
Hinatid ko na si mommy sa kuwarto niya at inalalayan ko siya humiga sa kama niya.
"Mommy gusto mong kantahan kita? Katulad nung kinakanta mo saken nung bata pa po ako?"
"Sure baby para makapag pahinga na si mommy" na may kasamang malawak na ngiti.
"Anak, kapag dumating ka sa punto na walang wala ka na laging mong iisipin na merong kang mommy na hindi ka iiwan ok?" Naluluhang wika ni mommy.
Naguluhan man ako sa binabanggit ni mommy pero tumango na lang ako bilang tugon.
"Tatandaan ko po 'yan!"
Nagsimula na akong kumanta habang hinahaplos hapolos ko yung buhok ni mommy.
Nagsimula na ding pumikit si mommy.
"Ang ganda mo talaga mommy, Ang ganda pa ng kalooban mo. Sana maging ganiyan di ako kapag laki ko" mahina kong usal
Sinumulan ko na ding kumanta.
"Aking ina, Aking ina.
Yakap mo aking ina..
Yakap mo sa akin.
Hanap hanap ko.
Init ng pag ibig, kumot ng bunso.
Sa gitna nang pag kakahimbing yakap mo ang gigising."This song made my hearts cry i don't know kung dala lang 'to ng emosyon ko or sadyang ramdam ko lang sa bawat salita ng kanta yung pag mamahal ng anak sa kaniyang ina.
Sobrang nakakabagbag damdamin ng kanta na 'to na di ko namalayan na napaluha na pala ako.
Nung makita kong mahimbing na ang tulog ni mommy pinatay ko na yung ilaw at lumabas na din ng kwarto niya pero bago ako umalis humalik muna ako sa noo ni mommy.
"Goodnight mom, i love you so much that it kills me to see you suffered like that"
Pumasok na ako sa kwarto ko at dahan dahang umusal ng panalangin para sa kagalingan ng aking ina.
Pumikit na ako at ilang minuto lang ay dinapuan na ako ng antok.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil madami akong planong gawin para makipag bonding kay mommy.
Naisip kong gusto ko siyang dalhin sa amusement park para naman makapag libang libang siya.
Pero habang nagiisip ako ng mga plano kong gawin, gayon na lamang ang gulat ko nang may narinig ako na isang malakas na sigaw ng katulong.
Dali dali akong lumabas ng kwarto at pinuntahan ang lugar kung saan nanggagaling ang malakas na sigaw.
Nanggaling iyon sa kwarto ni mommy.
"Sa kwarto ni mommy" nanginging kong usal.
Sumilip ako sa nakaawang na pinto at ganon na lamang ang gulat ko nang makita si mommy na ..
Si mommy .. Si mommy ..
Nakalambitin sa kisame at wala nang buhay.
Nanginig ang tuhod ko at bigla na lang akong napaupo.
"No, this can't be" mahinang usal ko.
Nagkalat din ang sleeping pills sa sahig maging ang upuan na ginamit upang pagtungtungan niya.
Walang lumalabas na luha sa mata ko.
Nakatulala lang ako sa mga pangyarare.Hindi ko alam kung pano ipasok lahat sa utak ko ang mga nangyayare
Hindi ko alam kung pano ipoproseso ang lahat.
"Diba kagabe lang mag kausap pa kame ni mommy??" bulong ng isip ko.
Nagulat na lang ako ng may humatak sa braso ko.
Napa aray ako sa sobrang sakit nang pagkakahatak sa akin.
Tiningnan ko ito ng walang emosiyon.
"Dad" mahinang usal ko.
Galit na galit niya akong tiningnan.
"Kasalanan mo 'to kasalanan mo kung bakit ginawa yan ng mommy mo.
Kasalanan mo kung bakit niya ako iniwan kasalanan mo lahat ng ito."
umiiyak na sambit ni dad."Ako? Ako ang may kasalanan nito?" maluha luha kong sambit.
Ibinato niya sa akin ang isang puting sobre at binuksan ko iyon
Galing ito kay mommy dahil sulat kamay niya ito.
Binasa ko ang nakasulat at ganon na lang ang sakit na dulot nito sa akin.Ang sakit di ko maipaliwanag.
Kulang lahat ng salita para iexplain ko kung gano kasakit mawalan ng ina.
Hindi ko na alam durog na durog na ako."Anak, Alam ko sa mga oras na mababasa mo 'to ay wala na ako. Patawad anak hindi ko na kayang panindigan yung pangako ko sa'yo na di kita iiwan. Anak patawad kase mahina ang mommy mo. di ko na kase kaya anak sa araw araw na lumilipas lagi akong binabangungot ng nakaraan di ko makalimutan kung pano nila ako binaboy, Wala na akong natitirang pagmamahal sa sarili ko nakakadiring babae na ako. Liah baby, gusto nang magpahinga ni mommy maibibigay mo namab iyon saken diba? Ito lang yung gusto ko anak sana maintindihan mo. Lagi mong tatandaan na wala man ako diyan sa tabi mo lagi mong iisipin na nandiyan naman ako sa puso mo. Mahal na mahal kita liah. Magpakatatag ka sa lahat ng hamon ng buhay wag kang gumaya sa akin anak. Gamitin mo yung mga sakit na pinagdaanan mo para makabangon ka muli. I will always guide you anak. 'till we met again in paradise where no pain and suffering. I love you so much my baby. Be happy always!
With love Mommy,
BINABASA MO ANG
Daughter For A Cause [R-18]
Mystery / ThrillerMaliah Covidea Sandoval came from a rich family her father is a CEO of many big companies in the Philippines. She was well nurture and well loved by her family but not until that night. That night that changed everything. Her mother got raped by t...