Sobrang abala ng mga tao sa mansiyon, Dahil nga aattend kame ni Drake sa isang Charity Event.
Ipinikit ko ang mga mata ko dahil nilalagyan ako ngayon ng eyeshadow ng make up artist na pinadala ni drake.
Ang totoo niyan kinakabahan ako, Hindi naman ito yung first time na aattend ako ng charity event, Halos buwan buwan ko na nga itong ginagawa.
Pero hindi ko talaga mawari kung bakit may kaba ngayon sa puso ko.
"Ma'am are you okay?" Nag aalalang tanong ng make up artist na nakapag padilat sa akin.
Naramdaman niya sigurong nanginginig yung talukap ng mata ko.
"Uhm yes, sorry may mga naiisip lang ako just continue" Nakangiting saad ko at muling pumikit.
Ipinagpatuloy niya na ang ginagawa niya at ilang minuto lamang ay sinabe niya nang tapos na ito.
Iminulat ko ang aking mga mata at halos lumuwa ang mata ko sa aking nakita, Napaka ganda ng pagkaka make up sa akin bumagay sa morena kong kutis.
Nagmukha akong simple lang pero ang lakas ng dating. Ganitong make up yung gusto ko.
Actually pang ilang make up na ito sa akin dahil hindi ko magustuhan ang ginawa nilang make up kaya pinapa bago ko.
I have my own style kaya yun dapat ang masunod.
Ilang minuto lamang ay inanyayahan na ako ng isa pang babae na sa tingin ko ay ito ang nagdesign ng isusuot ko.
Sumunod na lamang ako sa kaniya at iminuwestra niya ang tatlong gown na nakahilera.
Ang unang gown ay kulay blue na pa balloon it's pretty but i don't like it.
The second one is color white and i don't like it neither it looks like i'm fucking angel.
The third one caught my attention, its speaks pride, confidence, power and being fierce and that's ME.
Backless ito at may slit sa hita na nakapagpadagdag pa lalo sa dating ng damit na ito.
Itinuro ko ito at kinuha na ng isang katulong at pumunta na ako sa kwarto at nagsimula nang magbihis.
Tiningnan ko ang kabuuan ko sa isang malaking salamin dito sa kwarto ko.
Napangisi na lang ako sa itsura ko i look like a seductress.
Inilugay ko na lamang ang mahaba kong buhok at kumuha ng sling bag na ipinares ko sa suot ko at isang black 6 inch stilletos.
Nang makita kong ayos na ang lahat ay lumabas na ako at bumaba sa malaking stair case ng mansiyon.
Pagkababa ko pa lamang ay nakarinig na agad ako ng malalakas na pagsinghap na ikinatawa ko na lang.
Nakita kong nasa sala si drake at nakatalikod mukhang busy siya sa kausap niya sa phone dahil nakapamewang pa ito at medyo napapalakas pa ang boses.
Napailing na lang ako.
"Tangina aalis na kame't lahat busy pa din siya" naasar na bulong ng isip ko.Lumapit ako sa kaniya pero di gano sinigurado kong may space pa rin kame upang maipahiwatig ko lang sa kaniya na nandito na ako.
Tinapos niya na ang tawag at humarap sa akin na may seryosong mukha.
"Next time, Wag kang lalapit pag may kinakausap ako. Mind your own business." saad nito na ng madiin at umalis sa harap ko.
"Problema nong gago na iyon? Pogi sana panget lang ng ugali" usal ko sabay natawa.
Sinundan ko na siya at nakita kong sumakay na siya sa drivers seat kaya lumapit na ako at sumakay na din sa passenger seat.
Tahimik lamang kame habang nasa biyahe.
BINABASA MO ANG
Daughter For A Cause [R-18]
Mystery / ThrillerMaliah Covidea Sandoval came from a rich family her father is a CEO of many big companies in the Philippines. She was well nurture and well loved by her family but not until that night. That night that changed everything. Her mother got raped by t...