Chapter 34

17 6 6
                                    

Lumabas ako ng mansyon habang may hawak hawak na tsaa sa kamay ko, naka suot lamang ako ng bath robe at tumungo na sa garden.

Naabutan kong nagdidilig ng halaman si chandria na ikinapagtaka ko.

Nangunot ang noo ko sa sobrang pagtataka.

Lumapit ako agad sa kaniya upang asarin siya sa ginagawa niya.

Ngunit pag kalapit ko ay nakarinig ako ng hikbi mula sa kaniya.

Tinapik ko kaagad ang braso nito upang kunin ang atensyon niya.

Agad itong lumingon sa akin at yumuko agad at nagpunas ng luha.

Ibang iba siya sa chandria na kilala ko, yung chandria na kilala ko hindi nagpapatalo at umiiyak na lang ng basta basta.

Parang ibang chandria yung nasa harap ko, maging ang pananamit niya ay iba dahil nakasuot lamang ito ng faded jeans at simpleng tshirt na hindi naman nito sinusuot date.

"Ba-bakit ka nandito?" tanong nito sa akin at ibinaba ang pandilig ng halaman.

"What the hell is wrong with you? Kelan ka pa natutong magdilig? As far as i know ikaw yung gustong gustong madiligan." pang aasar ko sabay inom sa tsaa ko.

"Napaka bastos ng bunganga mo!" sigaw nito sa akin.

tumawa na lang ako at kinindatan siya sabay alis.

"Haaaayyyy!! Another morning, Another adventure" anas ko sa isip ko.

Tumungo ako sa isang bench malapit sa pool at humiga doon.

Kagabi pa ako nagiisip kung ano ba ang plano ko ngayong araw na 'to.

Nag iisip ako ng paraan kung paano ko ba makukuha ang buong atensyon ni drake ng walang chandria na nakikielam.

Naputol ang mahabang pag iisip ko ng pumunta sa harap ko ang isang katulong.

"Madame, si sir drake po nasa kabilang linya" saad nito sabay abot sa akin ng telepono.

Tinitigan ko lamang ang katulong at tinaasan siya ng kilay.

"Ah eh sorry ho madame" saad nito at niloudspeaker ang telepono na hawak.

"Maliah, stop acting like you're a kid cause you're not." saad nito bago ako magsalita.

Napairap na lang ako sa narinig.

"So ano nga? Go straight to the point, i'm relaxing here" saad ko na may naiirita nang boses.

"I want you to find chandria" saad nito sa kabilang linya.

"Wha-what the hell? Kelan mo pa ako naging utusan drake ha??" sigaw ko sabay agaw sa katulong ng telepono.

"When you found chandria i'll gave you 50 billion" saad nito sa mahinahong boses.

Biglang sumikip ang dibdib ko.

Ba-bakit ako??

Bakit ako pa ang maghahanap?

Ganon ba kahalaga si chandria sa kaniya? at nagawa niyang makiusap sa aken?

Ilang minuto akong natahimik at nagsalita siya bigla.

"Find her for me please" saad nito sa parang nahihirapan na boses.

Nagulat na lamang ako ng may mainit na likido ang pumatak mula sa mata ko.

Ngumiti na lamang ako kahit alam ko naman na hindi niya yon nakikita.

"O-okay, i will find her" saad ko kahit na hirap na hirap akong magsalita.

Daughter For A Cause [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon