Chapter 19

55 33 0
                                    

Nasa garden ako ngayon upang lumanghap ng sariwang hangin, nakakapagod naman kase kung puro higa na lang ako diba

Baka mamaya sa kama na ako tumanda.

Pinili ko muna na dito ako manatili kase gusto ko muna mag isip isip.

Masiyado na kaseng madami ang gumugulo sa isip ko parang ang hirap ipasok lahat non sa utak ko.

Pakiramdam ko parang may mali.

Sa akin, sa paligid ko. Sa mga taong nakapa libot sa akin lalong lalo na kay drake.

Ilang araw na akong binabagabag ng mga palaisipan kong ito.

Napabuntong hininga na lang ako at tumingala sa kalangitan.

"The weather seems so nice, makapag lakad lakad nga muna" nakangiting wika ko. habang nakatingala pa din.

"Arf Arf" rinig kong tahol ng aso at tiningnan ko ito.

Nakita ko na dinidilaan niya yung paa ko. imbis na mandiri ay natuwa na lamang ako sa inasta nito.

Binuhat ko ito at nilagay sa hita ko.
Sabay hinaplos haplos ang ulo nito.

"Sobrang cute mo naman" saad ko habang hinahaplos ko din ang ulo nito.

"Ay teka san ka ba galing? nasan yung amo mo? Pano ka nakapasok dito??" Takhang tanong ko sa aso.

Tahol lang naman ang isinagot nito sa akin na ikinatawa ko. Ang cute kase niya sobra!

"First kasama ko siya, Second Ako ang amo niya, Third kase pumasok kame sa pinto" Natatawang saad ng isang boses ng lalake.

Nilingon ko ito at nakita na nakangiti pa rin ito sa akin.

"Who are you? Anong ginagawa mo dito?" Takhang tanong ko.

"First, My Name is Randal Wilson" sabay ngiti nito ng matamis.

Nakakaakit yung ngiti niya shet!

"K fine!" sagot ko sabay abot sa kaniya ng aso niya.

"Akala ko ba gusto mong maglakad lakad? Tara na!" Nakangiti pa din nitong wika.

"Hoy tangina mo ka, Chismoso ka ha! Stalker ka no? Sorry di kita type" irap na wika ko sa kaniya.

"Gago, narinig ko lang kanina nung hinahanap ko si caleigh" natatawang wika nito habang nagkakamot ng batok.

Nagulat ako nung nagmura siya, Kung titingnan mo kase parang karespe respeto siya eh.
Yung mga tipong tinitingala talaga.

"Sino ba kaseng hinahanap mo? Alam mo mawawala ka lang dito sa putanginang bahay na 'to kaya kung sino man yang hinahanap mo wag mo na lang ituloy mapapagod ka lang" saad ko sabay lapit sa mga halaman.

"HAHAHAHAHAAHAHAHHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHHAAHHAHAAHASo totoo nga pala talaga yung balita" Natatawa pa ding wika nito habang nakahawak na sa tiyan na dahil sa sobrang tawa.

Nilingon ko siya "Oh chill, baka mamatay ka niyan kakatawa, ako pa sisihin nila" Naka taas na kilay na saad ko.

Tinaas naman nito ang dalawang kamay niya na itsurang parang sumusuko.

Hinarap ko na ulit yung mga halaman at tiningnan isa isa yung mga bulaklak.

"Mahilig ka pala sa mga bulaklak? Di halata sayo." Natatawang wika na naman nito.

Asar na asar na ako sa presensiya netong gunggong na ito. Kung hindi tawa ng tawa kung ano ano naman itatanong, Mang aasar pa.

Dahil sa inis ko sa kaniya tinapakan ko nga yung paa niya bwisit eh!

Daughter For A Cause [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon