"Oh my god hindi kaya buntis ako?" Natataranta kong tanong sa sarili ko sabay hawak sa tiyan ko.
Niyakap ko ang hubad kong katawan sabay may naalala at napa tawa na lang.
"Ay gaga virgin pa pala ako" Natatawang sambit ko.
Kingina nahahawa na ako sa mga kaweirdohan nang bahay na ito.
"Malala na ata ako tsk tsk" mahinang usal ko.
Ipinag patuloy ko na ang pagligo at umupo muna ako sa batuhan dito sa may banyo,
Ewan ko din kung anong trip non ni drake bat siya nagpalagay ng ganito kalaking bato dito.
Pero infairness ang ganda ng batong 'to pwede kang humiga at umupo nakaka relax din kase may shower pag tingala mo.
Napasarap ang pagligo ko na inabot ako ng dalawang oras.
Napadilat na lang ako nang may marinig akong tumutunog sa gilid ng kinauupuan kong bato.
Tiningnan ko ito ng maigi at napamura.
"Door bell lang pala, pato ba naman sa banyo konektado 'to? bahala kayo diyan mapagod mga kingina niyo!" inis na usal ko.
Di pa din napapagod yung nag dodoor bell kaya napilitan na akong bumangon sa kinauupuan kong bato.
Naglagay ako ng tapis sa katawan ko at nilagyan ko na din ng towel ang buhok ko.
Nung makita kong maayos na dali dali akong lumabas ng banyo at binuksan ang pinto.
Pagkabukas ko ay nakita ko ang limang gwardiya ni drake na mukhang alalang alala.
"Ano bang problema niyo?" inis na usal ko.
lahat sila ay hindi sumasagot at nakayuko lamang.
lahat sila ay namumula ang mukha na hindi ko malaman kung bakitNakarinig ako ng yabag na palapit sa akin.
"WHAT THE FUCK WHAT ARE YOU DOING THERE? TATAYO NA LANG BA KAYO GET LOST MOTHER FUCKERS!!" Sigaw ni drake ng madatnan ang mga gwardiya niya na nakayuko.
Hinarap ako ni drake na punong puno ng galit.
"AND YOU YOUNG LADY ARE YOU NUTS??? LALABAS KA NG KWARTO MO NA GANYAN LANG ANG SUOT?? PANO KUNG HINAWAKAN KA NILA??" Asar na sigaw saken ni drake.
Napairap ako at natawa na lang sa inakto ni drake.
Nilapitan ko siya at kumapit ng mahigpit sa braso niya sabay bumulong.
"Makikita lang nila 'to pero di nila makukuha bulong ko"
pag katapos ay inilayo ko ang mukha ko sa tenga niya sabay kindat ko.
Namula naman si drake sa inakto ko pero suot niya pa rin ang poker face na mukha niya.
Duhh wala nang bago don.
"Magbihis ka na baka kung ano pa magawa ko sa 'yo." baritonong boses ni drake.
Kinabahan ako at biglang namula sa sinabe niya.
Kaya dali dali akong pumunta sa kama ko at kinuha ang mga damit na inilapag ko kanina.
Bumalik ako ng cr upang magbihis nang matapos na ako ay lumabas na ako.
Akala ko maaabutan ko pa siya paglabas ko.
"Pero oo nga pala bat niya naman ako hahantayin?" namumulang tanong ko sa sarili ko.
"Maglibot libot muna kaya ako dito sa bahay para naman kahit papano alam ko na yung pasikot sikot dito."
Lumabas na ako ng kuwarto at dumire diretso sa paglalakad medyo alam ko na yung papuntang dining pero di don ang punta ko.
Lumiko ako pa kaliwa at dinire diretso ko 'yon.
Hanggang sa may isang pinto na nakapukaw ng atensyon ko.
Kulay ginto kase ang kulay ng pinto na iyon. May nakasulat pa na X na malaki sa gitna non.
Dahil masunurin ako pinasok ko pa rin, paki ko sa mga rules na iya.
Hinawakan ko ang door knob at ganon na nga lang ang gulat ko nang hindi ito naka lock
"Akala ko ba bawal pumasok dito eh bakit hindi naka lock?" takhang tanong ko.
Pagbukas ko ng pinto ay sobrang dilim wala akong makita.
Kinapa kapa ko ang pader para tingnan kung may pindutan ng ilaw.
Pero ganon na lamang ang gulat ko nang biglang may tumusok sa hinlalaki ko.
Nagulat ako nang biglang umilaw ang paligid nagkaroon ng mga pulang linya.
"Anong nangyayare?" natatarantang tanong ko.
"Drake natatakot na ako" takot na takot na usal ko.
Kahit di niya naman ako maririnig dahil wala siya dito
Nagulat ako nang nawala ang mga pulang linya na iyon at biglang bumalik sa normal.
Nagkaron na ng normal na ilaw at naglakad na ako papunta sa isa pang malaking pinto na may nakasulat ulit na X
"Ano ba kase talagang meron dito?" Takhang bulong ko.
Pagkapasok ko sa pinto na iyon ay sinalubong ako ng isang babae na naka forma attire.
Nginitian niya ako at sinabihang pumasok na sa loob.
Naguguluhan man ay pumasok na ako at sumunod sa kaniya.
"I see, ikaw pala yung asawa ni Mr. Drake? Pleasure to meet you madame." Ngiting wika niya sabay yumuko pa.
"Ha?? Pinagsasabe mo?" Naguguluhan kong tanong.
Natawa ito sa inakto ko kaya inirapan ko siya.
"Mukhang hindi mo pa alam, Yung kaninang tumusok sayo hindi aksidente 'yon madame." Nakangiting wika niya.
"Pwede bang bilisan mo na yung pagkukwento pasuspense ka masiyado" inis na turan ko.
"I'm sorry madame, so ayon nga po kinuhaan po kayo ng dugo ng system namin it means member na po kayo ng organization namin and basically kasal na po kayo ni Mr. drake"
"Ano iyon kinuhaan lang ako ng dugo kinasal na agad ako??" Mangha kong tanong sa kaniya.
Oh well okay na din 'to.
Atleast diba mapapabilis lahat ng plano ni tanda at makakalaya na din ako."Para din po maging certified Mrs. Drake Wilson Salazar na kayo, kailangan niyo pong magpa tattoo" Nakangiting wika nito.
"Tattoo lang pala eh oh asan na yung magtatattoo saken napaka bagal naman" asar kong wika.
umupo muna ako sa couch at ipinatong ko pa ang paa ko sa center table.
Bat ako mahihiya asawa ko na si drake lahat na ng gusto ko pwede ko nang gawin.
May lumapit sa aking lalaki at tumayo siya sa harap ko pero naka yuko siya.
"Bat ba ang hilig nilang yukuan ako? ayaw ba nilang makita yung maganda kong mukha kingina nila" asar na wika ko sa isip ko.
"Madama ako po ang naatasang mag tattoo sa inyo." Nakayukong wika nito.
"K" matabang na sagot ko.
BINABASA MO ANG
Daughter For A Cause [R-18]
Mystery / ThrillerMaliah Covidea Sandoval came from a rich family her father is a CEO of many big companies in the Philippines. She was well nurture and well loved by her family but not until that night. That night that changed everything. Her mother got raped by t...