Ilang araw na ang nakalipas simula nung tumawag sa akin si tanda.
"Shit! kelan ba kase ako masasanay?" mapakla kong tanong sa sarili ko.
"Ito na yata talaga ang buhay ko hanggang sa pagtanda." mahinang bulong ko.
Lumaki ako na may masayang pamilya sabe nga nila perfect family daw kame.
Si Mom sikat siya sa larangan ng pag momodelo while si Dad halos hawak niya ang lahat ng malalaking kumpanya sa loob at labas ng bansa.
Nakukuha ko lahat ng gusto ko dahil binibigay iyon lahat sa akin ni mommy.
Hanggang sa isang gabe ang nakapag pabago ng lahat ng nakasanayan ko.
Nabago nito ang buhay namen, Mali nabago nito ang buhay ko.
"B-binago n-nito."
I clearly remember everything...
as in everything, every details of the past that still hunts me.Still kill the shit out of me.
*Flashback"
"Happy 10th Birthday baby!!" Nakangiting bati sa akin ni mom habang hawak hawak niya ang cake na binake niya para sa akin.
"Thank you, mommy!" masiglang tugon ko sa kaniya.
Sobrang ganda ni mommy Matangkad, matangos ang ilong, maputi at higit sa lahat sobrang buti ng kalooban niya.
Kaya nga binansagan siya ng mga magazine ng "Angel"
"Anong gusto mong gift baby?" Nakangiting tanong ni mom habang hawak ang pisngi ko.
Ramdam na ramdam ko talaga lagi yung pagmamahal sa akin ni mommy. kaya sinusuklian ko ito ng pag aaral ng mabuti.
"uhmm mommy may nakita po akong rubber shoes sa mall but daddy told me na its too expensive daw po"
"No baby, bibilin naten 'yon as long as it makes my baby happy. Happy na din si mommy okay?" Nakangiting tugon ni mom saken at pinat pa ang ulo ko.
Natutuwa talaga ako pag pina pat ni mommy yung ulo ko ang cute lang kase eh.
"Change your clothes baby let's go to the mall"
Kumulog ng malakas at napasigaw ako, tumingin ako sa bintana at nakita ko na sobrang lakas ng ulan Pero binaliwala ko 'yon sa kagustuhan kong bumili ng rubber shoes.
"let's go baby" sigaw ni mommy mula sa kabilang kwarto.
Lumabas na kame ng mansiyon at nagmamadaling pumasok na sa kotse.
Habang nagdadrive si mommy di ko mapigilang tumingin sa kaniya
Parang ang putla niya kase at sobra sobrang pawis ang lumalabas mula sa noo niya.
"Mommy are you okay po?" nag aalalang tanong ko.
Tumingin sakin si mommy at tipid na ngumiti sabay punas sa mga namumuong pawis sa noo niya.
Hinawakan bigla ni mommy ang kamay ko kaya napatingin ulit ako sa kaniya.
"Mommy why po?"
"Anak, always remember that mommy loves you so much" Naiiyak na sambit nito.
Magsasalita pa lang sana ako ng biglang may bumangga sa likod ng kotse na sinasakyan namin.
Takot na takot ako non.
Di ko alam yung gagawin. Nang may biglang may humampas ng bintana sa gilid ni mommy.
Kitang kita ko kung pano nagtalsikan yung bubog sa katawan niya iyak ako ng iyak hanggang sa hinablot nila si mommy palayo sa aken.
Iyak ako ng iyak hinabol ko sila.
Nakita ko na binitbit nila si mommy sa madilim na bakanteng lote.
Iyak ako ng iyak na kahit yung sariling boses ko di ko na marinig.
kitang kita ko na hinang hina si mommy.
Sinundan ko yung mga yabag nila hanggang sa nakita mismo ng mata ko na hiniga nila si mommy sa sahig.
Lakad at takbo akong lumapit sa kanila para pigilan sa tangka nilang gawin.
Pero bago pa 'ko makalapit kay mommy may humablot na sa buhok ko at binalibag ako na parang isa lang akong basura.
Nanakit ang buong katawan ko di ko mapaliwanag dumugo na din yung noo ko dahil nauntog ang ulo ko sa sahig.
Di ako makakakilos nananakit ang buong katawan ko.
"uhmm Mo .. Mom.. Mommy .." Nahihirapang sambit ko.
pinilit kong bumangon pero di na kinaya ng katawan ko.
Inangat ko ang ulo ko upang tingnan kung nasan si mommy pero bago ko pa yon nagawa nakarinig na ako ng isang malakas na sigaw.
"Tama na!! Maawa kayo saken!! Parang awa niyo na! Itigil niyo na to! Mga hayop kayo" umiiyak na sigaw ni mommy.
Inangat ko ang aking ulo at nakita ng dalawang kong mata ang kalagayan ni mommy.
"Si Mommy ginagahasa siya."
Nag unahang tumulo ang mga luha sa mga mata ko.Tumingin pa sa mga mata ko ang isang gumagahasa kay mommy tinitingnan niya ako na parang pinapahiwatig na wala akong magagawa kase bata lang ako.
Tangina oo nga pala bata lang ako.
Kitang kita ng dalawang mata ko kung gano siya nahihirapan sinubukan kong igalaw yung katawan ko pero di ko magawa.
Hinang hina ako nung mga oras na iyon.
Hanggang sa nilapitan ako ng isang lalake at tinurukan ng kung ano at paglipas ng ilang segundo nandilim ang paningin ko hanggang sa nanghina na ng tuluyan ang katawan ko.
Pag gising ko nasa isang puting kwarto na ako.
Luminga linga ako at nakita ang katulong namin na nagbabalat ng mansanas.
"Jusko! maayos na ba ang pakiramdam mo liah?" Natatarantang tanong nito na may pag aalala.
Tinitigan ko lang siya sa mata.
Wala akong maramdaman.Namamanhid ang buong pagkatao ko.
Hinawakan niya yung kamay ko para sana pakainin ako pero hinawi ko lang 'to ng malakas.
"Pagod ka pa ba? kumain kana hija kailangan mo mag palakas" umiiyak na sabe nito.
"Di ka ba makaintindi? Ayoko nga sabing kumain!" Pasigaw na sabi ko.
Wala akong gana, ayokong kumain. Ayokong makipag usap.
Ayokong makita nila ako. Baka saktan din nila ako kagaya ng ginawa nila kay mommy.
Punong puno ako ng takot.
Biglang bumukas ang pinto.
Iniluwa non si daddy lumapit siya saken ang akala ko ay ikocomfort niya ako dahil sa nangyare.
Pero nagkamali ako, nagkamali ako ..
Pagkalapit niya saken ay bigla niya akong sinampal.
Punong puno ng pwersa, Punong puno ng galit.
BINABASA MO ANG
Daughter For A Cause [R-18]
Mysterie / ThrillerMaliah Covidea Sandoval came from a rich family her father is a CEO of many big companies in the Philippines. She was well nurture and well loved by her family but not until that night. That night that changed everything. Her mother got raped by t...