Chapter 27

39 20 2
                                    

Nag ikot ikot muna ako dito sa loob ng mansiyon dahil wala akong magawa, wala na din naman akong phot shoot dahil nga sa kagagawan ni drake.

Naglakad na ako sa pasilyo ng 10th floor, oo ganon kalaki itong mansyon na ito.

Rinig ang ingay ng suot kong heels dahil sa sobrang katahimikan.

Ang sabe kase ng mga katulong ay wag daw pupunta dito dahil ipinagbababawal daw ni drake na pumunta ang sino man sa kanila.

Kaya nung malaman ko yon ay hindi ako mapakali gusto kong malalaman kung ano bang meron dito sa 10th floor.

Mukhang normal na floor lang naman ito kung titingnan.

Ngunit sa dulo ng pasilyo ay may isang baul ang pumukaw sa atensyon ko, kulay itim ito na may tatak na naman ng isang malaking ekis.

Naguguluhan man kung bubuksan ko ito o hindi ay nanguna pa rin ang kuryusidad ko sa bagay na iyon kaya dali dali ko itong nilapitan.

Ganon na lang ang gulat ko ng makita ang sandamakmak na picture ng ibat ibang tao.

May nakita akong mga sikat na business man at ang iba ay mga pulitiko meron din namang litrato ng mga sikat na modelo.

Napatakip ako sa bibig ko dahil lahat ng litrato na iyon ay may tatak na isang malaking ekis.

Inisa isa ko pa ang ilan sa mga litrato at ganon na lamang ang gulat ko ng makita ko ang litrato ko.

"Ako ito" nanginginig na sambit ko.

May nakasulat sa baba nito na "next" Na nakasulat gamit ang malalaking letra.

"Ano ito? anong ibig sabihin nito??" Natataranta kong saad napaiyak na lang ako sa lahat ng nasaksihan ko.

"So all this time pala may pinaplano siya na masama sa akin? ano ba talagang pagkatao ang meron ka drake?" saad ko habang napaluhang nakatingin sa litrato ko.

Nakarinig ako ng mga yabag ng paa kaya agad kong ibinalik ang mga litrato na ito sa baul at tinakpan ko nang muli.

"What are you doing here bitch?" Sigaw na wika ni Chandria.

"Uh bawal na ba akong mag ikot ikot sa bahay ng asawa ko?" Natatawa kong saad kay Chandria at binangga ko pa ito sa balikat at muli ng umalis sa doon.

"Wew! Muntik na ako doon tang ina!" Buntong hininga kong wika ng makababa ako ng hagdan.

Nang makarating ako sa dining ay umupo agad ako ng prente.

Padabog kong sinubo ang pagkain at marahas na inalis ang kutsara sa bibig ko.

Hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin, wala man lang siyang pake na nandito ako kingina.

Kanina pa ako nagpapapansin sa kaniya, you know maging clingy kasama yon sa mga plano.

"Eat fucking properly Maliah."

Halos masamid ako sa tono ng pananalita niya, bakit parang bagong gising? bakit parang nakaka akit??

"Hays! kanina pa ako nangungulit sayo baby drake, gusto ko lang naman pumunta sa park ano bang masama don? Promise wala akong masamang gagawin, i'll be gentle with chandria" malambing na suyo ko.

"i'll think about it" saad nito.

Natigilan naman ako sa susunod na sasabihin ko ng makarinig ako ng tunog ng door bell.

Tatayo na sana ako para lapitan yon pero agad agad namang pumunta ang mga katulong para tingnan kung sino iyon.

"Nice! may bisita, makakita man lang ng mga bagong mukha, kakaumay mga mukha ng tao dito" anang isip ko.

Daughter For A Cause [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon