Simula nung araw na iyon di na ako lumalabas ng kuwarto dahil natatakot akong makita si daddy.
Kahit nung inilibing si mommy hindi niya na din ako pinasama kase malas lang daw ako sa buhay niya.
Pinapainit ko lang daw ang ulo niya dahil isa daw akong sumpa sa buhay nila ni mommy.
Baka daw masira pa yung libing ni mommy pag nandoon ako.
Pag nakikita niya ako lagi niya akong pinagbubuhatan ng kamay.
Kung hindi sampal, sabunot ang abot ko o di kaya'y pinapaluhod niya ako sa munggo o di kaya'y ibibilad niya ako sa initan.
Halos bugbog sarado na buong katawan ko.
Pero tinatakpan ko 'yon at nagsusuot ako ng mga long sleeves at lagi na din ako nakapantalon kahit nasa bahay lang.
Lagi kaseng may pumupuntang bisita sa bahay namin ayoko naman na ipakita ito sa kanila nangliliit lang ako sa sarili ko.
Di niya din ako pinapakain.
Kaya ang ginagawa ko kinakalkal ko yung basurahan sa kusina pantawid gutom man lang.Ginagawa ko 'yon pag alam kong tulog na silang lahat.
Lahat ng mga dati naming maids ay tinanggal ni dad at pinalitan ng mga bago kaya wala ni isa sa kanila ang nagtatangkang tulungan ako dahil takot na takot sila kay dad.
Ganon lang tumakbo yung buhay ko nang dalawang taon.
Sobrang hirap, sobrang sakit pero nakayanan ko kase una sa lahat wala naman na akong choice.
Ito na yung buhay ko, ito na yung nakalaan sa ken Wala na akong magagawa pa.
Hanggang sa tumungtong na ako ng 18yrs old. Akala ko magbabago na si dad.
Akala ko hindi niya na ako sasaktan kase nasa tamang taong gulang na ako.
Dumating na yung araw nang birthday ko.
Nagulat na lang ako na isecelebrate pala namin ito at Engrande pa ang debut ko kaya sobrang saya ko.
Wala akong mapagsidlan ng tuwa nung mga oras na iyon.
Akala ko okay na, sobrang daming bisita na parang nalulula na ako.
Mistulang fairy tale lahat sobrang perfect. di ko maiwasang hindi mapaluha.
Sinayaw ako ng mga kaklase ko at yung iba naman ay anak ng mga kaibigan ni dad.
Para akong lumulutang sa sobrang sayang nararamdaman ko.
Di ko maipaliwanag yung tuwa ko.Hanggang sa natapos na ang party di mawala wala sa mukha ko yung ngiti.
Ang sarap sa puso ng gantong pakiramdam.
Parang ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng ganito.Pumasok na ako sa loob ng mansiyon nang mapansin ko na nagliligpit na yung mga tauhan ni dad.
May narinig akong nag uusap mula sa may sala malapit sa kinatatayuan ko.
"Anong naisip mo at binigyan mo si maliah ng engrandeng party? diba galit na galit ka sa kaniya?" Takhang tanong ng babaeng kausap ni dad habang pinagmamasdan nito ang kuko niya.
"I'll use her para makabangon ang kumpanya ko. She has the looks and the body."
Ngiting tugon ni dad sabay inom sa kopita niya.And that's explain everything..
Front lang 'tong party ko para lang ipakita ni dad na kunyari ay isa siyang mabuting ama sa akin.
Tinitingala kase siya ng mga tao ang dami niya ding charities kaya ganon na lang ang pagpapahalaga niya sa image niya.
Tangina ano nga bang bago don?
Hanggang sa lahat na lang ng pinunpuntahan ni dad ay isinasama niya ako kase nga like Father like daughter daw kame.
Ginagamit niya ako para ingatan ang pangalan niya.
Pinilit niya din ako pumasok sa pag momodelo.
kahit ayaw ko ay ipinilit niya, sinubukan kong tumanggi pero sinaktan lang ako ni dad kaya wala akong nagawa kundi ang pumayag na lang.
Hindi ako sanay magsuot ng mga bikini pero sinanay ko ang sarili ko.
Hanggang sa tumagal ay nagustuhan ko na din dahil modelo din dati si mom noon.
Iniisip ko na lang na para lahat ito kay mom, ginagawa ko 'to para sa kaniya.
Dumating na din sa point na tinuruan niya akong magnakaw sa isang sikat na kompaniya dito sa pinas.
Pikit mata ko 'yong ginawa dahil masasaktan nnman ako ni dad pag di ko yon nagawa.
Hanggang sa nahulit ako at nakulong ng 3 araw takot na takot ako non.
Nagulat na lang ako ng dumating si dad at sinabeng laya na daw ako.
Akala ko may pakialam siya saken yun pala mali ako.
"Ayokong madumihan ang malinis na pangalan ko dahil lang sa basurang kagaya mo" diin na wika ni dad sabay alis.
Naging sunod sunuran na ako.
Ni hindi ko na kilala yung sarili ko. Nakakaya kong magnakaw at manakit ng ibang tao dahil lang sa kagustuhan ng tatay ko.
Naging isa akong asong ulol.
Nakakapagod nang maging ako.
Nakakapagong nang maging si Maliah.
Nakakapagod nang magpanggap na okay lang ako kahit hindi naman.
*End of Flasback*
Napapunas na lang ako sa mga luhang dumampi sa mga mata ko.
Akala ko okay na ako.Akala ko makakalimutan ko na lahat.
Akala ko magaling na lahat ng sugat sa puso ko.
Akala ko matatakpan ko lahat ng to sa pamamagitan ng pagtatapang tapangan.
"Kelan ba matatapos lahat ng paghihirap ko?" mahina kong usal.
"Tangina wala ka pa din talagang pagbabago hayop ka dati halimaw ka na ngayon" galit na bulong ng isip ko
Namalayan ko na lamang na ilang minuto na pala akong nakatulala sa hawak kong picture.
Family picture namen ito nila mommy nung panahong masaya pa kame.
Pinunasan ko ang frame nito at di ko namalayan na may pumatak na palang luha mula sa akin na bumagsak sa frame.
"I miss you so much mommy" mahina pero punong puno ng kalungkutan na bulong ko.
Nakarinig ako ng katok mula sa pinto ng aking kuwarto kaya itinago ko ng muli ang picture frame sa ilalim ng kama ko.
Inayos ko muna ang skirt na suot ko tsaka tuluyang lumapit sa pinto.
Bago ko binuksan ang pinto ibinalik ko muna sa bitchy mode ang mukha ko ayokong makita nila ang totoo kong pagkatao.
Isang matikas na lalake ang bumungad sa akin. Base sa suot nito mukhang body guard na naman ito ng gago na iyon.
Masiyadong madaming alalay napaka tamad.
"Ano bang kailangan niyo?" Asar na tanong ko at pinagkrus ko pa ang aking mga braso.
"Ipinapatawag po kayo ni master drake sa baba para po mag hapunan" nakayukong wika nito.
"Sabihin mo sa kaniya ayokong kumain" wika ko sabay talikod
"At isa pa sabihin mo na gago siya putangina niya" impit na tawa ko habang nakatalikod.
"Pero Miss" Nag aalalang wika nito.
Hinarap ko ulit ang guwardiya ni gago at nanlilisik ko siyang tinitigan.
"Di mo 'ko narinig? Ayokong kumain. Sabihin mo muna yung pinapasabe ko sa kaniya at kakain na ako" Naka ngiting kong saad.
"Masusunod po Miss."
BINABASA MO ANG
Daughter For A Cause [R-18]
Misterio / SuspensoMaliah Covidea Sandoval came from a rich family her father is a CEO of many big companies in the Philippines. She was well nurture and well loved by her family but not until that night. That night that changed everything. Her mother got raped by t...