Chapter 31

31 13 4
                                    

"Madame!" anas ng katulong na hingal na hingal sa harap ko.

Napakunot naman ang noo ko sa inasta nito.

"Bakit manang?" tanong ko habang nagsusuklay sa harap ng tokador.

"A-ah e-eh" utal na saad nito habang tumutulo ang mga pawis sa mukha nito.

Hinampas ko sa tokador ang suklay na hawak ko at naka cross arms na humarap dito.

"Magsasalita ka ba oh hahatakin ko iyang dila mo?" mataray na tanong ko sa katulong.

"M-madame" utal na wika nito.

Sa inis ko ay pinanlakihan ko siya ng mata na nagdulot ng pagkaputla nito.

Pa suspense pa kase di na lang sabihin, daming alam kingina!

"N-nasa b-baba p-po y-yung d-daddy niyo Hinahanap po kayo" nauutal na wika nito.

"W-wha w-what????" Kinakabahang tanong ko.

Tangina anong ginagawa niya dito? Pinagpawisan ako ng malagkit, shet ano bang ginagawa niya dito? Tangina ano na namang ang kailangan niya sa akin?

Tinignan ko muli ang katulong at sinabeng susuno na lang ako dahil magbibihis muna ako.

Pero di ko alam kung susunod ba talaga ako, natatakot ako. Natatakot akong harapin si tanda. Pano kung saktan niya na naman ako? Pano kung idamay niya pa pati si drake?

Andami kong tanong sa isip ko di ko namalayan na nakarating na pala ako sa banyo at nakabukas na yung shower kahit naasuot pa rin ako ng damit.

"Shit!" saad ko at dali daling pinatay yung shower.

"Putangina ka talagang matanda ka dahil sayo nagkaka ganito ako, sinisira mo yung buhay ko" sigaw ko at biglang napaupo sa tiles ng banyo.

Kinakain na ako ng takot, kinakain na ako ng mga naiisip ko. Ayokong magpakita sa kaniya alam kong pagagawain niya na naman ako ng labag sa kagustuhan ko.

Marahan akong kumilos at naglinis ng katawan.

Kailangan kong maging kalmado hindi ko dapat ipaalam sa kaniya na natatakot ako a kaniya, alam kong gagamitin niya iyon bilang laban sa akin.

Matapos kong magshower ay lumabas na ako at nagbihis na nang maisusuot. Pumili lang ako ng isang simpleng summer dress at tinernuhan naman ng isang stilletos na paborito ko.

Naglagay na din ako ng light make up at marahang nagsuklay ng bagsak na bagsak kong buhok.

Bago ako umalis ng kwarto ko ay humarap muna ako sa salamin at sapilitang ngumiti.

Pababa pa lamang ako ng hagdan ay rinig ko na ang mga tawanan nila mula sa malawak na dining table.

"So kelan niyo naman balak bigyan ako ng mga apo, Mr. Salazar?" natatawang tanong ni tanda.

Nagpatuloy naman ako sa paglalakad hanggang sa makalapit na ako sa kanila ay tumabi agad ako sa upuan ni drake.

"Oh my dear daughter wala man lang ba akong matatanggap na isang matamis na yakap diyan?" wika nito na may suot na mapag panggap na ngiti.

Napangiwi na lamang ako sa tinuran nito ngunit itinago ko na lamang iyon.

"Of course, dad" wika ko at lumapit na sa kaniya at yumakap na ako ng sapilitan

"Nice game" bulong nito sa akin habang yumakap din ito pabalik.

Nagulat ako kaya kumalas din ako bigla at bumalik na sa pwesto ko sa tabi ni drake.

Pagkaupo ko ay kumapit agad ako sa braso ni drake dahil natatakot talaga ako sa tingin ni tanda, para bang may pinaplano na naman siyang masama sa akin.

Daughter For A Cause [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon