Morning Eater.
__________________Ang ganda ng aking gising. Pero nakakapag-taka kung bakit ang lagkit-lagkit ko.
Medyo malabo kase ang mata ko. Kinuha ko ang salamin ko sa tabi ng mga pinag dugtong-dugtong na mga jacket kung saan ako natulog.
Agad ko itong sinuot.
Ngunit..
Hindi ko inaasahan ang aking makikita.
"W-what?!." Halos sumikip ang aking puso ng makita ko kung bakit malagkit ako.
Saan galing...ang mga dugong ito?.
Kaninong dugo ito?.
Asan sila?.
Asan na ang mga kasama ko?.
Bakit wala sila rito?.
"Ember!!!." Napabalikwas ako at agad na tumayo. Narinig ko ang pangalan ko. May tumatawag saaking pangalan.
Ang lagkit..
Ang lagkit...
Di ko alam kung bakit naging ganito ang balat ko. Bakit ang dami-daming dugo?.
"E-Ember!!!." Napag tanto ko na kung saan ang punot dulo ng mga sigaw.
Sa may isang sulok. Madilim ang parteng iyon at kaunting liwanag lang ang pumapasok.
"Ember.." Muling alingawngaw. Hindi na ako nag dalawang isip. Kahit na malagkit ako ay pilit akong tumungo.
Humakbang..
Humakbang ako ng buong tapang, kahit nararamdaman ko ang takot ko na unti-unting nilalamon ang aking buong katawan.
Lumakad ako sa mabagal na paraan.
Bakit...?.
"Mommy!, Daddy...." Nakita ko si Mommy na nakahubad at ganoon rin si Daddy.
Napaka daming dugo ng kanilang tiyan.
Mga wala silang suot na damit.
"Guys?..." Di ko namalayan na nasa gilid pala sina Zex. Ngunit parang namumutla ang kanilang kulay.
Lumapit.
Lumapit sila kina Daddy and Mommy. Nakatingin lang ako sa kanila dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin.
Ngunit....!
Hindi...
Hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari.
"Guys..a-anong ginagawa n-nyo?." Hindi na ako maka pag salita ng maayos. Dahil sa kaba ng aking nararamdaman.
Hindi ko din alam kung bakit narito sina Mommy and Daddy ang alam ko ay nasa France silang dalawa.
"W-wag!." Hindi ako makakilos at diko maihaknang ang aking dalawang paa. Parang may pwersang pumipigil saakin para makagalaw ako.
YOU ARE READING
The one into billion
ActionHindi ko inaasahan na mag kakaroon ng isang napaka laking pag-kalat. Magiging madugo ang mga susunod dahil sa oras na ikaw ay makagat isa kana sa itinuturing na Zombie population