Chapter 23

11 1 0
                                    

Chubby Rapist.

Nagising ako. Nakita ko ang mga kasama kong nakahiga sa bakal. Gising na silang lahat at kung susumahin ay kita namin ang aming sariling nakahiga.

Nasaan si Agatha?.

Nandito sina Diana, Nick, Trixie at ako. Ngunit nasaan si Agatha.

Nakahiga ako sa malamig na bakal at kaunting liwanag lang ang aming nakikita.

May naamoy akong kung anong kemikal. Napaka tapang nito at hindi ko mabatid kung saang banda nanggagaling ang napaka bahong amoy na ito.

Tatayo pa sana ako ngunit di ko namalayan na nakatali pala ang aking kamay at paa ng kadena.

Hindi ako...makatayo.

Luminga-linga ako sa buong paligid upang sana mag baka sakali na makita ko si Agatha.

Ngunit hindi ko siya makita.

Sigurado akong malulungkot ang papa ni Agatha kung may mangyaring di maganda sa anak nito.

Ang mga kasama ko ay may takip ang bibig at ang bibig ko lang ang wala. Nakatingin lang saakin si Nick, alam kong may gusto siyang sabihin ngunit di niya magawa dahil may takip ang bibig nito.

Kita ko sa mata ni Nick ang takot na pwede sa aming mangyari.

Lumipas ang mga minuto na nanatili lang kaming nakahiga. Hindi ko alam kung nasaan kami at kung anong lugar ito. Ngunit isa lang ang kailangan naming gawin...at yun ang makatakas sa nag hihintay sa aming peligro.

Hindi ako pwedeng...tumunganga.

Nag-lakas loob akong kumawala sa kadenang pumipigil sa akin na naging dahilan ng malakas na ingay.

"Hwahwahwa..well gising kana pala." Nagulat ako ng biglang lumabas ang isang matabang lalake. Nakita ko siya bago ako mawalan ng malay.

"Ikaw dapat ang uunahin ko, kaso Napa sarap ang tulog mo."

Anong ibig niyang sabihin.

Anong uunahin ba ang sinasabi niya?.

Hindi ko makakalimutan ang matabang katawan niya.

"S-sino ka!." Kahit kinakabahan ako ay pilit ko paring ipinakita na matapang ako at di ako natatakot sa kanya.

Hindi ko hahayaan  na pangunahan ako ng takot.

Alam kong nakatingin sina Nick saakin ngunit hindi ko na yun ininda.

"Hindi na...importante..Haha." Pinaikot niya ang mga daliri niya sa isa pa niyang palad.

Bakit may dugo ang daliri niya?!.

Napasinghap ako ng maalala si Agatha.

The one into billionWhere stories live. Discover now