Guards armory.
Kita ko sa mga ni Nick ang pag kabalisa. Mukhang hindi pa rin niya matanggap ang kaninang nangyari kay...Athena.
Kanina pa ito iyak ng iyak. Kahit ako ay nasasaktan rin sa mga nangyayari ay ayoko ng ipakita pa na mahina ako.
Bakit ba nangyayari ang lahat ng 'to?."
Nandito kami ngayon sa Rest room.
Ang plinano ni Nick ay maganda at yun ang binabalak naming isagawa.
"So dramatic." Narinig kong saad ni Diana.
Alam kong narinig din yun ni Nick.
Tumayo si Nick. Kahit na tumutulo pa ang mata nito ay masama ang tingin niya kay Diana. "What did you..say!."
Nanginginig na tugon ni Nick kay Diana. Akmang susugurin ni Nick si Diana ngunit pumagitna si Zex.
Pinigilan rin namin ni Trixie si Nick. Hindi ko pa nakikitang magalit ng ganito si Nick.
Ang dating Nick ay babakla-bakla...ngunit marahil sa sakit na sinapit ng minamahal niya ay tumigas na rin ang emosyon nito.
"Please....Nick...tama na." Awat ko sa kanyang katawan. Ayaw mag paawat ni Nick at gusto na niyang sugurin si Diana.
Si Diana naman ay nakangiti lang.
At noong nakawala na si Nick sa pag awat namin ni Trixie sa kanya ay mga ilang hakbang na lang ang layo ay biglang ..kwinelyohan ni Zex si Nick.
"Nick...the death is a part of life..." Nakatingin ang mga mata ni Zex sa umiiyak na mata ni Nick.
"You...can't changed it anymore." Dugtong pa ni Zex. Bigla naman huminahon si Nick.
Binitawan na ni Zex ang pag kakwelyo kay Nick.
Mga kaunting minuto lang ang lumipas ay humupa na ang alitan sa pagitan nina Diana at Nick.
"Malapit..lapit na rin dito ang detention hall..kailangan na nating mag-madali." Saad ko.
Nakasaad sa plano ni Nick na mag tungo raw kami sa detention room. Before leaving the school.
Hindi kagaya sa ibang mga school ay ang detention room sa FTR school ay kakaiba. Marami ditong ibat-ibang Klase ng baril na maaari naming ipanlaban.
Lumabas na kami sa Rest room na pansamantala naming pinag taguan.
"Hell...be Ready!!." Saad ni Zex. Hindi namin inaasahan na may sasambulat sa aming mga infected zombies.
Ang kanilang mga ngipin ay hayok na hayok.
Sunod....sunod
Mga labing lima ang tumatakbo. Humanda na kami.
Agad ko namang hinanda ang mga palaso ko. Tunira ko ang mga nakita ko sa ulo.
"Ckkkk." Sa bawat pag-hampas ni Nick sa baseball bat na hawak niya ay sabog ang mga bungo.
Kagaya ni Zex ay mukhang kakaiba na rin ang lakas ni Nick sa pag kaakataon ito. Hindi na siya yung dating mahina.
Malaki ang pinag bago niya simula ng mamatay ang babaeng mahal niya.
Totoo pala na..The pain really makes you stronger.
Si Trixie naman ay humuhusay na sa pag hawak ng katana. Mukhang kaya na niyang maka tapat si Diana sa isang Sword combat.
Nakakamangha sila. Si Zex at Nick ay malalakas dahil sa suntok at Palo ay sabog na ulo ang kapalit.
Si Trixie at Diana naman ay magagaling rin. Sa bawat sungay nila sa kanilang mga katana at samurai...humihiwalay ang ulo sa katawan ng mga zombie na sumusugod sa kanila.
Di kagaya ko na umaasa sa pana at palaso.
Magaling naman akong umasinta at palagi namang nakaka head strike ako pero malapit na rin maubos ang pana ko.
"Move out...."
Utos sa amin ni Zex. Nag madali na kaming mag tungo sa Detention hall. Kailangan naming mag madali at baka ma tunugan kami ng mga infected Zombies.
Tumakbo na kami. Bawat iskinita na aming dinadaanan ay sinisigurado namin na walang zombie.
Mga ilang mga hakbang na lang ay bubungad na saamin ang pinto.
Sa pag aakala na walang Zombie dito ay may lumabas na zombie kung sa kung saan. Mga pito ito at puro payat.
Marahil ay gutom na gutom na ang mga ito. Tumutulo na ang kanilang mga laway sa amin. Kahit na malayo pa kami ay kitang kita namin ang kanilang bibig na nag ngingit-ngit sa amin.
Ang mga mata nito ay namumuti na at nabubulok na rin.
"I can handle this." Hindi ko inaakala na mag mumula ang salita sa kaibigan ko.
Tinanggal na niya ang salamin nito. At mukhang kumpyansa siya na kaya niyang gawin ang sinasabi niya.
"Good luck." Saad ni Zex na parang alam na niya ang mangyayari.
Pipigilan ko pa sana siya ngunit tumakbo na siya papalapit sa mga payat na zombie sa harap ng pinto ng detention room.
"Nice..." Puri ni Zex.
Kahit ako ay nagulat din. Hampas at palo.
"I want to kill all of this shit!." Sa bawat palo ni Nick sa baseball bat na hawak niya ay unti-unti na akong natatakot sa kanya.
Puro at saktong sakto ang palo niya. Halos hindi na makalapit ang nga zombie sa kanya dahil sa bilis nitong kumilos.
Hanggang sa naubos na niya ang lahat ng pasakit sa harap ng pinto.
"Nice move...Nick!." Papuri ni Diana.
"Thanks.." Saad niya.
Si Trixie na ang nag bukas ng pinto.
At laking gulat ng may tumambad sa harap naming tao.
Buhay pa siya?."
YOU ARE READING
The one into billion
ActionHindi ko inaasahan na mag kakaroon ng isang napaka laking pag-kalat. Magiging madugo ang mga susunod dahil sa oras na ikaw ay makagat isa kana sa itinuturing na Zombie population