The Gang.
Narito ako ngayon sa cafeteria. Kasama ko si Nick, isa sa pinaka bago kong kaibigan.
Kagaya ko ay baguhan din siya dahil kakatrasferee lang din pala niya.
Mga ilang araw na rin na hindi na ako kinakausap ni Zex.
Nakita ko siya dito sa Cafeteria, kasama nanaman niya si Trixie. Hindi ko alam kung bakit ako nag kakandaugaga na pansinin sila.
Hindi siguro nag iisip ang isip ko.
"Uh-hm..gusto mo..ng sandwich?." Nawala ako sa pag iisip ng bigla nag salita si Nick.
Nanginginig pa ang kamay niya noong inabot niya saakin ang sandwich.
"Yeah....thank you Nick." Agad kong kinagat ang sandwich kahit hindi ko pa alam ang flavor nito.
Mustard pala ang sarap at may lettuce pa.
"Your wel-come-
*Boshhh*
Hindi na naituloy ni Nick ang sasabihin ng bilang may kung sino ang tumulak sa kanya.
"Nick!!." Halos manginig ako. Nakita ko ang kanyang katawan na naka handusay. At ang kanyang ulo naman ay bumubulwak ang dugo.
"Inaano ba namin ka-yo?." Napaka daming lalake ang nakaharap at may hawak ng mga baseball bat at ang iba naman ay...mahahabang tubo.
"Drop your name....lady?." Ang lalakeng nasa harapan ko ay kakaiba. Napaka laki ng katawan nito at malalaki ang braso.
Mukha siyang halimaw.
"I'm Ember!."
"Si Ember ang panghimagas natin!." Hindi ko magawang makagalaw dahil binuhat niya ako at pinasan.
"No!."
Hindi ko magawang umalis. Ang nagagawa ko nalang ay umiyak at humingi ng tulong.
"HAHAHA."
"Mukhang masarap yan!."
Kahit napaka daming studyante rito ay wala silang magawa. At si Madam Olivia naman ay nakatingin lang saakin at humahagik-gik sa kakatawa.
Natigil ang kanilang paglalakad....
Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko makita ang nasa harap dahil naka pasan lang ako sa balikat ng malaking lalaking ito.
"Get her off." Isang boses ng lalake. Pero parang narinig ko na ang boses na yun.
YOU ARE READING
The one into billion
ActionHindi ko inaasahan na mag kakaroon ng isang napaka laking pag-kalat. Magiging madugo ang mga susunod dahil sa oras na ikaw ay makagat isa kana sa itinuturing na Zombie population