"Traveling – it leaves you speechless, then turns you into a storyteller."
— Ibn Battuta
"Vera! Bilisan mo iiwanan kita jan" nagmamadaling sabi ng pinsan kong si Ate Brea. "Wait lang pababa naaa!!" Papunta kami ngayon ni Ate Brea sa La Verde dahil doon ang bahay ng aming namayapang Lola na si Lola Gracia na nanay ng Daddy ko at Mama ni Ate Brea. Wala nang naninirahan doon at sa amin din ito ipinamana ng Lola.
Ako nga pala si Vera Quintani, isang waitress sa isang fastfood chain. Hindi ito ang pinangarap kong buhay. Noong bata pa lamang ako ay gusto ko talagang maging isang Doctor, Hindi naman sa pagmamayabang pero noong nabubuhay pa ang Daddy ko ay maganda ang pamumuhay namin. Lahat ng luho ko ay naibibigay nila sa akin. Pero dahil sa isang masalimuot na pangyayari lahat ng pagmamay-ari namin ay nawala na lang parang bula.
15 years old palang ako ng namatay si Daddy dahil may nanloob sa amin at nanlaban si Daddy kaya... nasaksak siya. Limang taon na ang nakakalipas pero sariwa pa para sa akin ang mga pangyayaring iyon. Dahil sa pagkawala ni Daddy ay nalulong ang Mommy ko sa paglalaro sa Casino, ito daw ang paraan niya para makapag-move on.
Minsan pang naalala ko na pag-uwi ko galing school ay hinahakot ang ibang mamahaling furniture namin sa bahay, Nag-umpisa na kaming mabaon sa utang. Kaya Simula noon ay nagbago na ang takbo ng aking kapalaran.
"Kamusta na pala si Tita Jannet?" tanong ni Ate Brea. "Ayon parang nakalimutan niya ata na may anak siya" sagot ko.
Isang taon nang hindi kami nagkita ng mommy ko dahil naglayas ako sa amin sa kadahilanang hindi ko matanggap na kaya pa niya ipagpalit ang Daddy ko sa sugalerong kinasakasama niya ngayon.
Palagi ko dating kinakamusta si Mommy through chat pero kahit isang reply ay wala akong natanggap mula sa kanya. Alam kong mali ito pero sa totoo lang yun din ang isa sa mga dahilan kaya lalong sumama ang loob ko sa kaniya. Alam ko na wala akong karapatan para magtanim ng sama ng loob sa kaniya pero ang sakit talaga para sa isang anak na tulad ko.
Kaya simula naglayas ako, doon ako tumira sa inuupahang bahay ni Ate Brea. Hindi na niya kaya pang bayaran ang inuupahan na bahay dahil hindi sapat ang sweldo niya bilang Tagahugas sa isang Karinderya. Dagdag pa dahil siya rin ang gumagastos sa Tubig, Kuryente at Pagkain namin. Gusto ko rin sanang tumulong kaso hindi din tinatanggap ni Ate Brea ang binibigay ko, Ang sabi niya nalang ay ipunin ko nalang ang pera ko.
Kaya nakapagdesisyon kami na doon nalang sa bahay ni Lola Gracia sa probinsya kami tumira para kahit papaano hindi na kami magbabayad sa upa. At ipinamana naman niya sa amin ang bahay na iyon kaya ayos lang.
Habang nakasakay sa bus papuntang La Verde ay napansin ko itong isang babae na medyo chubby, maputi, singkit at brown na mga mata, mahahabang pilik mata, makapal na kilay, matangos na ilong at manipis na labi naka eye glasses, naka long sleeves na light pink at dress jumper na dark red at itim na buhok hanggang balikat.
Na tantiya ko ay nasa edad Fifteen years old siguro. Nakatayo lang siya sa bus dahil puno na ito. Kanina pa siya nakatingin at nakangiti sa akin, baliw ba ito? Hindi naman familiar yung mukha niya sa akin pero napapansin ko sa tingin at kilos niya na parang kilala niya ako.
Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko, gusto sanang kausapin yung bata o kahit tanungin ang pangalan niya. Feeling ko kasing may something sa kaniya.
Huminto na yung bus at nag-umpisa na magsibabaan ang mga pasahero. Nandoon pa rin yung bata nakatayo at nakatingin sa akin. Naglakad at lumapit siya ngayon sa akin at bumulong "Sa mundong ito ay kailangan mong pairalin ang iyong Isip at Puso, huwag ka agad magpapalinlang sa sinasabi ng ibang tao. Piliin mo ang taong pagkakatiwalaan mo. Palagi mo itong tatandaan, Mag-iingat ka sa iyong paglalakbay Vera". Pagtapos ay tumalikod na siya at sumabay sa pagbaba ng mga pasahero.
BINABASA MO ANG
1825
Historical FictionPaano nalang kung nagising ka isang araw sa taong 1825, at may mga bagay ka pa pala na hindi nalalaman tungkol sa iyong pagkatao. Isang Misteryo, isang puzzle na kailangan mong mabuo kung bakit lahat ng iyon ay nangyayari sa iyo. Dito mo ba masusubo...