20

115 16 1
                                    

"Laura? Bakit ka nandito?" hinihingal pang tanong niya.

"A-Anton?" Kabado ko na tanong.

Paanong nandito siya ng ganitong oras? Anong ginagawa niya dito?

May iba na akong nararamdaman, kinakabahan ako na natatakot.

"A-Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa iyo niyan?" Sagot niya sabay tawa na para bang naiinis na siya sa akin.

"Anong nangyari Laura?" Mahinahon niyang tanong sa akin.

"Haa? Anong Ibig mong sabihin?" Kabado ko na tanong"

"Huwag ka ng magmaangmaangan Laura!" Galit niyang sabi.

"Akala ko ba ako yung mahal mo? Ako yung papakasalan mo? Bakit Laura?" Galit niyang sabi.

"Pasensya na hindi ko sinabi sa iyo, dahil hindi ko rin gusto na masaktan ka. Pasensya na din Anton hindi talaga ikaw yung Ginoo na gusto ko" Sabi ko habang naiiyak na sa Kaba.

"Matapos lahat ng pagsasakripisyo ko sayo?" Sabi niya.

Hinawakan niya ako ng mahigpit sa kamay at hinila.

"Teka! Bitiwan mo ako" Sabi ko habang pumipiglas.

"Itatakas na kita dito Laura, maninirahan tayo sa isang tahimik at payapang lugar ng tayong dalawa lang" Sabi niya.

"Bitiwan mo nga ako sabi, ayokong sumama sayo" Pagpupumiglas ko na sabi.

"Bitiwan mo nga ako! Ililinaw ko lang sayo, Kahit kailan hindi ako nagkagusto sa iyo kahit kaunti, naiintindihan mo ba?" Sabi ko.

"Kaya pakiusap tigil-tigilan mo na ako sa mga imahinasyon mo!" Sabi ko.

Matapos niyang marinig lahat ng sinabi ko sa kaniya ay biglang nagiba ang timpla ng mukha niya.

"Pasensya na pero hindi yan ang nais ko na kwento para sa ating dalawa" Sabi niya sabay suntok sa tiyan ko.

Bigla ako nanghina sa lakas ng pagka-suntok niya, bago pa ako mawalan ng malay ay naalala ko na may itinakip siya sa ilong ko.

"Teka! Nasaan ako!?" Tanong ko.

Nag-echo lang yung boses ko

Chloroform ba yung ginamit ni Anton sa akin? Pero paanong, saan naman siya makakakuha nun?

Hindi kaya?...

Hays ano batong iniisip ko? Imposible naman ata mangyari Yun?

Mayamaya pa ay narinig akong footsteps, "Laura gising ka na pala? Anong ang Ibig mong kainin?" Sabi niya.

Teka? Umaacting ba siya na para bang walang nangyari?

Hindi ko siya pinansin, kunwari ay wala akong naririnig.

"Kung ganon, bibilhan na lamang kita ng pagkain" Sabi niya.

Nilibot ko naman yung paningin ko sa paligid at napansin ko na may kakaiba..

Paanong Naka duct tape ako? Walang naman sigurong ganito sa taong 1825? At ginamitan din ko ni Anton ng Chloroform.

Lahat ng iyon ay makikita lang sa panahon at mundo ko, hindi kaya.. kilala din ni Malus si Anton? O kaya magkakuntiyaba sila?

Nilibot ko pa yung paningin ko dahil alam ko na may tinatago din itong si Anton.

Gusto ko kumawala mula sa pagkakatali ko pero sobrang higpit, umikot ako papunta sa kabilang side.

1825 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon