19

88 16 0
                                    



"Ano ba talagang nangyayari?" Pabulong ko na tanong.

"Sabi ko sayo na tumahimik ka muna Diba?" Sabi niya.

"Hindi ako titigil dito kung hindi mo sasabihin kung anong nangyayari" Sabi ko.

Hindi umimik si Girly

"Sige sisigaw ako" Sabi ko.

"Edi sumigaw ka, alam ko naman deep inside ay natatakot ka ding mahuli tayo" Sabi niya.

Totoo nga ang sinabi niya, tinatakot ko lang talaga siya para sabihin niya kung ano ba talagang nangyayari.

Sino ba talaga itong bata na ito, parang sobra niya akong kilala kase sa sarili ko.

"Hoy! Huwag ka nga diyan tumulala" Sabi niya.

"Halika na umalis na si Ading" Sabi niya.

Hinila niya ako papunta sa loob ng bahay nila Nanay Ading, "Teka! Ano bang ginagawa natin dito?"

"Ang daldal mo talaga kahit kailan ano?" Sabi niya.

"Gusto ko nga kasi malaman kung ano ba meron Kay Nanay Ading" Sabi ko.

"Pagsinabi mo titigil na ako sa pagdadaldal, promise sure na talaga yun" pagpupumilit ko.

"Hay nako sige na nga, tutal malalaman mo din naman" Sabi niya.

"Pero bago kita sagutin sa tanong mo, pumasok na tayo sa loob dahil eto na yung chance natin para makuha yung diary ko" Sabi niya.

"Ok sige na ma'am" Sabi ko.

"Ano ba itsura non?" Tanong ko.

"Basta literal na diary na medyo Luma na" Sabi niya.

"O ikuwento mo na" Sabi ko.

"Sinabi ko naman kasi sayo na magiingat ka sa mga taong pagkakatiwalaan mo Diba?" Sabi niya.

"Maling pinagkatiwalaan mo si Ading" Sabi niya.

"Sabi ko nga sayo piliin mo yung taong pagkakatiwalaan mo, anong nangyari??" Sabi niya.

"Oo naa ako na Mali ok? Ikuwento mo na, iniiba mo pa yung usapan eh" sabi ko.

"Ok, alam ko na magugulat ka kapag ikinuwento ko ito, Pero sana sa atin atin muna ito, huwag mo munang sabihin kay Brea o kahit kanino" Sabi niya.

"Okk? Bakit parang grabe naman atang sekreto yan, ichismis mo na sa akin. Bago pa magbago yung isip mo" Sabi ko.

"Ganito, short explanation lang. Hindi siya yung sinasabi mong Nanay Ading, totoong pangalan niya ay si Malus. Una palang ay pinlano na niya lahat ng ito, Siya ang may dahilan kung bakit namatay ang Lola mo, siya din ang may dahilan kung bakit ka nakapunta dito, may kinalaman pa rin ang singsing na iyan" Sabi niya.

"Pero anong proweba mo? Na isa siyang masamang tao?" Tanong ko.

"Alam ko na may kutob ka na rin sa kaniya Una, isipin mo nalang sinadya niyang patayin ang Lola mo para nakapunta kayo sa mansion at ikaw ang isusunod niya na biktima. Pangalawa, binalaan ka lang niya tungkol sa sekretong kwarto sinadya niyang gawin yun dahil alam niya na paglalo ka niyang binabalaan ay mas gusto mo malaman kung anong meron doon. Pangatlo, sinadya niya ilagay yung singsing sa madali makita. Ang singsing na yan ang magsisilbing portal sa mundo na ito" Sabi niya

"Bakit hindi na lang siyang ang sumuot ng singsing at siya lang ang mag-isang pumunta dito? Bakit pa kailangan na idamay tayong mga nananahimik?" Tanong ko.

"Kayo lang, hindi gagana ang singsing sa kaniya dahil alam na niya ang lihim tungkol dito, kaya ikaw na walang alam tungkol doon ang ginamit niya para makabalik ulit dito at maghasik ng lagim" Sabi niya.

"Pero ako lang yung sumuot ng singsing, bakit napunta din dito si Malus, Ate Brea at Ikaw?" Tanong ko.

"Dahil nandoon din kami ng mga panahon na iyon, naaalala mo ba na bago mandilim ang paningin mo ay nakita mo si Malus at ako? Samantalang kaya napunta ang Ate Brea mo dito ay dahil tatawagin na sana kayo ni Malus para kumain" Sabi niya.

"Kung sino kasi ang makakakita sa taong magsusuot ng singsing na iyan ay makakasama sa mundong ito, para walang makakaalam ng kakayahan nito. Mananatili pa ring misteryoso ang singsing na iyan sa iba" dagdag niya.

"Bakit niya ginagawa ito?" Tanong ko.

"Hindi ko muna pwedeng sabihin" Sabi niya.

"Teka nakita mo na ba yung diary mo?" Tanong ko.

"Oo" Sabi niya sabay pakita sa akin.

"Tara na bago pa tayo makita ni Malus" Sabi ko.

Mayamaya lang ay nagulat kami ng Girly dahil may bumubukas na ng pinto galing sa labas.

"Andiyan na siya, bilisan na natin" Sabi ko.

Agad kaming lumabas ni Girly, "Bilisan mo Vera, magtago ka na" Sabi niya habang tumatakbo kami. "Paano ka?" Sabi ko. "Ako na bahala basta magtago ka, at dapat hindi malaman ni Malus na nagkita tayo o kaya malaman niya na alam mo na kung sino siya" Sabi niya.

"Pasensya ka na Vera" Sabi niya.

"Pangako magiging masaya ka at gagawin ko lahat ng makakaya ko para lang matapos ito" Sabi niya.

Tumakbo ako papalayo sa bahay ni Malus, sa sobrang kabado ko ay napabilis yung takbo ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko alam kung anong ng nangyayari kay Girly ngayon.

"L-Laura? Bakit ka nandito?"


1825 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon