"Silence doesn't always mean YES, sometimes they are afraid of what might happen if they say their true feelings."
—LNM
Kinabukasan ay maaga akong nagising, nakalimutan ko palang tanungin kung nasaan nakatira si Ate Brea, marami pa sana akong gustong itanong sa kaniya.
"Señora tawag po kayo ni Doña Leticia" sabi ni Agnes. "Sige papunta na" sagot ko.
Nasa kusina si Ina ngayon "Magandang Umaga po Ina" bati ko sabay yakap. "Pinapatawag niyo daw po ako?"tanong ko. "Oo anak, ayos lang ba sa iyo na ikaw ang utusan ko bumili ng mga sangkap ng pagkain para sa ating tanghalian ngayon? May sakit kasi ang ating tagabili" sabi niya.
"Sige po Ina wala din naman po akong gagawin ngayong araw" sabi ko.
"Salamat anak" sabi niya
Kasama ko ngayon si Agnes sa pamilihan "Grabe Agnes ang dami naman gulay itong pinabili ni Ina" sabi ko. Natatawa nalang ako sa kalagayan namin ngayon ni Agnes, hirap na hirap kami dalhin yung mga pinamili namin.
"Bakit ang dami namang pinabili sa atin ni Ina" reklamo ko. "Iilan lang naman tayo sa bahay bakit parang pang piesta ang iluluto niya" dagdag ko.
"Tulungan na kita diyan" sabi ng isang pamilyar na boses. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, Hindi ko pa siya keri harapin.
Tinapik naman ako ni Agnes at nagsalita "Señora, Ayos lang po ba kayo? Kinakausap po kayo ni Ginoong Juan" pangaasar na sabi niya sa akin.
"Ahhh andiyan ka pala Juan pasensiya na hindi kita narinig medyo maingay kasi" palusot ko. Napakamot lang siya sa kaniyang batok at nagsalita "Ako na dito" sabi niya sabay kuha ng bayong. "Ahhh Salamat" sabi ko.
Tumikhim naman si Agnes at nagsalita "Ayy Señora mauna na po pala kayo, may nakalimutan pala akong bilhin" sabi ni Agnes.
Alam ko na sinasadya talaga ng batang ito na iwan kaming dalawa ni Juan. Kala niya mauutakan niya ako "never" "no" "not me".
Paalis na sana siya ng bigla akong magsalita. "Ano pala ang nakalimutan mong bilhin Agnes?" Tanong ko. "Ahhh... Asuete.. po" sabi niya sabi ngiti at mabilis na naglakad paalis.
May word bang Asuete? Goshh Tao ba ako bakit hindi ko alam na may word na Asuete. Nautakan ako ngayon ni Agnes, hays.
Goshh kaming dalawa nalang dito, ang tahimik naman...
"May sasabihin pala ako" sabay naming sabi, napangiti naman kaming dalawa. "Jinx" sabi ko sabay nagflip hair. Nagtaka naman siya sa sinabi at ikinilos ko. "Jingks? Anong ibig sabihin nun?" Pagtataka niyang tanong.
Tumawa naman ako oo nga pala, hindi uso ang salitang iyon dito. "Wala lang sinasabi ko lang iyon kapag may kausap akong pareho at sabay ang sasabihin namin" paliwanag ko.
"May sasabihin ka diba?" Tanong ko. Tumingin naman siya sa akin "Sige ikaw na ang mauna" sabi niya. "Ikaw na" sabay nanaman naming sabi. "Sige lang ikaw na" sabay nanaman ulit naming sabi. "Ahhh Jingks?" Sabi niya sabay kamot sa ulo. Natawa naman ako sa ginawa niya.
"Sige na ikaw na ang mauna" sabi niya.
"Ahh sige na nga.. ahhh ano kase.. itatanong ko lang sana kung napipilitan ka lang din ba?" Tanong ko.
"Napipilitan saan?" Tanong niya.
"Alam mo na yung tungkol doon sa arranged marria-- ayy este sa pinagkasunduang kasal natin" sabi ko.
Tumahimik saglit ang kapaligiran namin, hindi niya sinagot ang tanong na iyon. Naiisip ko na siguro ay napipilitan lang siya.
Silence means yes...
Matapos ang ilang saglit na katahimikan ay tumikhim siya at nagsalita "Magaling ka palang mag burda" sabi niya. "Ano ka ba first time ko lang yun, ayy este unang beses palang ako nagburda. Sadyang magaling lang talaga ako sa larangan ng pagguhit" pagmamalaki ko.
"Matutuwa pala lalo sa iyo si Emilio, alam mo bang mahilig din siyang gumuhit kagaya mo" sabi niya. "Talaga? Nakakatuwa namang malaman na mahilig siyang gumuhit" sabi ko.
"Kung iyong nais ay maaari kang pumunta sa bahay upang turuan pa si Emilio sa pagguhit, tiyak akong matutuwa siya kapag nalaman niyang pumayag ka" sabi niya.
Habang nasa Kalagitnaan kami ng paguusap ni Juan ay biglang nahagilap ng mata ko si Nanay Ading, namimili siya ngayon sa pamilihan. Hindi pa niya kami nakikita.
Naisip ko na doon muna magtago sa isang maliit na eskinita. Siguradong lagot ako kay Nanay Ading kapag nakita niya kaming magkasama ni Juan.
Tamang tama naman na pagtapos na bumili si Nanay Ading at papaharap na siya sa direksyon namin ni Juan.
Kaya agad ko namang hinila si Juan papunta doon sa maliit na eskinita para magtago.
"Ano nagyayar--" hindi na natapos ni Juan ang kaniyang sasabihin dahil tinakpan ko ang kaniyang bibig.
Habang nasa eskinita ay pinagmamasdan ko si Nanay Ading. And guess what papunta siya ngayon sa direksyon namin! Wahhh help! Paano na? Ano naa gagawin koo!
"Juan, mauna ka na muna umuwi susunod nalang ako may nakalimutan kasi ako" taranta kong sabi. "Bakit naman? Ano bang nangyayari? Dito lang ako" sabi niya.
"Hays, kahit ngayon lang Juan please?. Sige na mauna ka na umuwi" sabi ko.
Naisip ko na maghiwalay muna kami ng pupuntan ni Juan dahil kapag nakita ako ni Nanay Ading na kasama siya ay siguradong lagot ako.
Lumabas na ako sa maliit na eskinita at tamang tama ay nasalubong ko si Nanay Ading , gulat naman siyang nakita ako "Ahhh ikaw po pala iyan Nanay Ading" sabi ko. "Bakit ka narito nang hindi kasama si Agnes?" Tanong niya. "Ahh may nakalimutan po kasi siya kaya pinauna na po niya ako" sagot ko.
"Bakit parang may tinatago ka ata sa akin?" Sabi niya.
BINABASA MO ANG
1825
Historical FictionPaano nalang kung nagising ka isang araw sa taong 1825, at may mga bagay ka pa pala na hindi nalalaman tungkol sa iyong pagkatao. Isang Misteryo, isang puzzle na kailangan mong mabuo kung bakit lahat ng iyon ay nangyayari sa iyo. Dito mo ba masusubo...