"Paanong?" Tanong ko.
Siya yung babae na nakita ko sa bus, bakit nandito din siya? Panaginip ko lang ba ito o namamalik mata ako na may kamukha lang siya?
Ano nanaman ba ito? Problema nanaman, bakit parang sinalo ko na ata lahat ng problema dito?
"Huwag mo muna yan isipin Vera dahil alam ko na marami kang iniisip ngayon, huwag mo muna ako idagdag sa mga iyon. Ok?" Sabi niya.
Teka? Paano niya na laman yun?
"Teka, Paano mo nalaman yun?" Tanong ko.
"Kahit kailan talaga ang kulit mo, Sabi ko nga na huwag mo muna akong intindihin Diba? Malalaman mo din lahat kapag naayos na natin lahat ng ito. Ok? Walang ng reklamo ha" Sabi niya.
"Ang kailangan natin ngayon ay maibalik ang lahat sa dati" Sabi niya.
"Pero paano naman?" Tanong ko.
"Kasalanan ko talaga ito, marami na tuloy nadamay dahil sa akin" Sabi ko.
"Wala kang kasalanan Vera, ako ang may kasalanan dito. Kaya Sana ay matulungan mo ako, para din naman ito sa iyo, sa Inyo" Sabi niya.
"Ahh ok, paano ba kita matulungan? At ano naman ang mangyayari kapag tinulungan kita?" Tanong ko.
"Si Adela siya ang kailangan natin, kapag nabawi ko sa kaniya yung diary ko babalik na lahat sa dati" Sabi niya.
"Diary? Anong diary naman iyon?" Tanong ko.
"Alam mo kanina ka pa tanong ng tanong naiinis na ako sa iyo, hindi ko muna pwedeng sabihin, basta diary yun" Sabi niya.
"Hoyy grabe ka naman makasagot sa akin, baka nakakalimutan mo na mas matanda ako sa iyo?" Sabi ko.
"Haay nako hindi ko ba alam kung bakit hanggang ngayon ay parang isip bata ka pa rin, dapat mature na ang pagiisip mo" Sabi niya.
"At isa papala, alam mo kung ako sa iyo maguumpisa na akong ayusin lahat ng problema ko, hindi yung iniipon mo tapos magdadrama ka diyan" Sabi niya.
"Hoyy aba, makapagsalita ka diyan ikaw nga yung problema mo kailangan mo pa ng tulong ko. Tsaka hindi mo alam kung anong nararamdaman at pinagdadaanan ko ngayon ako na nga siguro ang may pinakamabigat na problema dito" Sabi ko.
"Aba nahiya naman ako sa iyo, ang gaan lang naman ng problema mo kesa sa akin, alam mo kanina pa ako naiirita sa iyo masyado kang madaldal" Sabi niya.
"Grabe ka naman sa akin, ayos lang kahit madaldal cute naman" Sabi ko sabay tawa ng mahina.
"Pasalamat ka kamo sa akin" Sabi niya.
"Bakit naman sayo? Excuse me nagmana lang ako ng kacutan sa aking Daddy" Sabi ko.
"Oo na sige, Tama na ok?? Ang daldal mo pala talaga" Sabi niya.
Magsasalita pa Sana ako kaso dumating na si Agnes "Señora! Tignan mo po ang dami kong nabili na magagandang kasuotan" Sabi niya.
Napalingon naman sa amin si Agnes "Señora sino po iyan?" Sabi niya.
"Ahh hindi ko iyan kilala kanina pa nanlilimos yan, Tara na" palusot ko kay Agnes.
Nakita ko naman itong babae na parang nagtitimpi lang sa galit dahil sa sinabi ko, nakakatawa yung itsura niya..
"Mawalang galang na, pero Agnes huwag kang maniwala sa kaniyang sinabi hindi ako isang pulubi" Sabi niya.
"Ako si Girly" pagpapakilala niya.
Natawa naman ako sa sinabi niya, girly HAHAHA.
Napansin ko naman na nakatingin na sa akin ngayon si Agnes ng may pagtataka at itong si.. Girly naman ay parang sasabog na ang galit sa akin, kaya tumigil na ako sa pagtawa.
"Ano kaba Agnes, biro ko lang iyon hindi siya pulubi kaibigan ko siya hehe" palusot ko na lang.
Habang naglalakad kami papunta sa kalesa ay nagtataka pa rin ako kung bakit nandito pa rin siya "Girly, ano bang kailangan mo bakit sinusundan mo pa kami" tanong ko.
"Simple lang naman ang kailangan ko, syempre matitirhan" sagot niya.
"Aba teka lang, pangalawang beses pa nga lang tayo nagkita, inaway mo pa ako kanina tapos ngayon makikitira ka sa amin?" Sabi ko.
"Wag kang magalala hindi ka papagalitan ng magulang mo" Sabi niya.
"Paano mo nasabi iyan?" Tanong ko.
"Isipin mo sa tingin mo?" Pamimilosopo niyang tanong.
"Sasabihin ko na kapatid ko si Agnes, at pareho kaming tagapagsilbi mo" Sabi niya
Napatulala naman ako, hindi ba obvious yun?
"Hays, sa dami ba namang nagtatrabaho sa inyo mapapansin ba ako?" Sagot niya.
Teka? Bakit?
"Nagtataka ka ano? Kung bakit ko malalaman yung gusto mong sabihin?" Sabi niya.
"Sino ka ba talaga? Sabihin mo na kase" Sabi ko.
"Gusto mo talagang malaman? Sige sa isang kundisyon, kung papayag ka na tulungan ako maibalik ulit sa akin yung diary ko" Sabi niya.
"Sure ka bang sasabihin mo kapag tinulungan kita?" Tanong ko.
"Oo nga, huwag mo ng ulit-ulitan ha?" Sabi niya.
"Yes ma'am" Sabi ko sabay salute sa kaniya.
"Hoy, Vera gising" panimula ni Girly.
"Bakit? Anong oras palang o, tignan mo madilim pa. Matutulog pa ako ok" Sabi ko.
"Eto na yung tamang oras para kikilos na tayo" Sabi niya.
"Sige kung ayaw mo ako nalang, at kapag makakabalik na ako sa real world ay hindi kita isasama" Sabi niya.
Pagkarinig ko na sinabi niya na hindi ako isasama pabalik sa real world ay nagising talaga ako "Ano ka ba Girly, eto na sasama ako" Sabi ko.
Ang galing talaga nito ni Girly sa mga pagtakas-takas, wala man lang nakapansin sa amin noong umalis kami sa bahay.
"Teka Girly saan ba tayo papunta, parang ang creepy na ng atmosphere dito" Sabi ko.
"Hindi ko ba naaalala tong lugar na ito?" Tanong niya.
"Ahhh hindi?" Sagot ko.
"Hay nako Vera, kahit kailan talaga" Sabi niya.
"Ano bang problema mo sa akin?? Alam mo napapansin ko palaging kumukulo Dugo mo sa akin at hindi mo pa ako tinatawag na Ate" Sabi ko.
Hindi siya umimik sa akin
"Nandito na tayo, pwede bang kahit ngayon lang ay itikom mo muna yang bibig mo?" Sabi niya.
"Oo na sige na" sagot ko.
Tekaa! Pamilyar nga itong bahay na ito
"Girly bakit tayo nandito sa bahay nila Nanay Ading?" Pabulong Kong sabi.
"Basta" Sabi niya
"Halika sundan mo ako" Sabi niya.
At patago kaming pumunta sa likod ng bahay ni Nanay at maingat na sumilip sa bintana.
Anong ginagawa niya sa oras na ito? At bakit biglang naging nakakatakot yung bahay niya.
Mukbang bahay ng mangkukulam ang itsura ng bahay niya.
"Girly anong ginagawa niya? Bakit ganitong oras ay nagsusulat siya?" Pabulong ko na tanong.
"Ayan yung diary ko, sinusulatan nanaman niya. Malapit na matapos kaya dapat makuha ko na talaga yan. Kung hindi ay...
Hindi na maganda ang susunod pang mangyayari" Sabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/236826880-288-k789877.jpg)
BINABASA MO ANG
1825
Historical FictionPaano nalang kung nagising ka isang araw sa taong 1825, at may mga bagay ka pa pala na hindi nalalaman tungkol sa iyong pagkatao. Isang Misteryo, isang puzzle na kailangan mong mabuo kung bakit lahat ng iyon ay nangyayari sa iyo. Dito mo ba masusubo...