14

120 16 0
                                    

"You meet thousands of people and none of them really touch you. And then you meet one person and your life is changed forever." 

— Jamie Randall


"Wala naman po akong tinatago sa inyo" sagot ko.

"Siguraduhin mo lang hija, dapat hindi ka naglilihim sa akin. Ako lang ang kakampi mo dito, at ako ang gagawa ng paraan para tulungan kang makalabas. Kaya kapag may nalalaman ka ay sabihin mo sa akin" sabi niya. Sabay hawak ng mahigpit sa kamay ko.

"Masakit na po Nanay Ading" Sabi ko habang pumipiglas.

"Maliwanag ba?" Tanong niya habang lalo pa niyang hinihigpitan ang hawak niya sa kamay ko.

"Ahh Opo Nanay Ading" sagot ko habang pumipiglas pa rin.

Nakita ako ni Juan at mukhang nagtataka rin siya sa ginagawa ni Nanay Ading sa akin. At ngayong naglalakad siya papunta sa direksyon namin.

Goshh hindi siya pwedeng makita dito ni Nanay Ading. At hindi rin pwedeng malaman ni Nanay Ading na magkakilala na kami.

Papalapit palang si Juan ay sinenyasan ko na siya na umalis. Pero hindi niya ata nagets, kung ano-ano nang mga hand signs ang sinenyas ko pero tuloy pa rin siya at ngayon ay tumatakbo na!

Kaya agad akong nakaiwas at nagkabanggaan sila ngayon ni Nanay Ading.

"Nako! pasensya na po" sabi ni Juan.

Alam kung galit na si Nanay Ading pero nagtitimpi lang siya bigla siyang tumayo at nagpagpag. "Hindi, ayos lang hijo" sabi niya.

"Ahh sige po mauna na ako" sabi ko sabay lakad ng mabilis papunta doon sa tindahan ng mga prutas.

Habang nandoon sa prutasan ay hindi pa rin naaalis yung paningin ko kay Juan, baka kung anong gawin sa kaniya ni Nanay Ading.

Tamang tama naman habang nililibot ko yung paningin ko ay nakita ko yung paborito ko na prutas.

Bibili na sana ako... wala pala akong pera dito hehehe nandoon pala sa bayong. At yung bayong ay dala ni Juan.

Hayysss...

"Sayang ang ganda pa naman ng pagkahinog ng mangga na ito" sabi ko. "Bibili ka ba Hija?" Tanong nung tindera. "Opo bibili po siya" sabi ng isang boses, Lumingon ako at si Juan ito.

Pabalik na kami ngayon ni Juan sa kalesa, "Laura, kilala mo ba yung babae na yun?" Tanong niya. "Ahhh hindi, ngayon ko lang din nakita yun hehe" sabi ko. "Pero kung hindi mo siya kakilala, bakit ganoon nalang ang pakikitungo niya sa iyo?" Sabi niya.

"Hindi ko rin alam" sagot ko. "Nakita ko kanina na nasasaktan ka sa paghawak niya sa iyong kamay, hindi ba niya kilala kung sino ang sinasaktan niya?" Sabi niya. "Gusto mo bang ipapaalam ko ito sa iyong Ama? Hindi mo dapat hinahayaan lang na saktan ka ng iba" sabi niya.

"Ayos lang ako Juan, Salamat sa concern" sabi ko. "Pwede ba akong humingi ng pabor?" Sabi ko. "Alam ko na ang iyong nais" sabi niya. "Hihingi ka ng pabor sa akin na tayo lamang ang makakaalam ng nangyari kanina sa pamilihan, hindi ba?" Sabi niya.

Nagulat naman ako dahil yun yung gusto kong sabihin sa kaniya. "Paano mo nahulaan na yun yung gusto kong sabihin sayo?" Tanong ko.

"Yan ang kadalasang naririnig ko na sinasabi ng aking kapatid sa akin" sabi niya.

"Si Emilio?" Tanong ko.

Hindi naman siya umimik.

"Nako ayos din pala yung bata na iyong, siguradong magkakasundo kami" sabi ko.

1825 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon