"Loved you yesterday, love you still, always have, always will."
– Elaine Davis
Kakatapos lang ng hapunan at agad na akong pumasok sa kwarto ko tulala pa rin ako at iniisip yung mga sinabi sa akin si Nanay Ading.
Kinuha ko sa bulsa ko yung singsing na nakuha ko kanina sa maliit na baul. Pinagmamasdan ko ng saglit napakaganda talaga ng singsing na ito parang bagong bili ang itsura.
Nakaramdam na ako ng antok kaya inilagay ko yung singsing sa maliit ko na box na puro picture at tinago sa ilalim ng kama.
Kinabukasan araw ng Sabado maaga akong nagising para magluto ng almusal nakakahiya na kasi kay Nanay Ading na palaging nalang kaming nakaasa sa kanya. Bago ako lumabas ay kinuha ko yung singsing sa box at inilagay ko sa bulsa ng aking shorts.
Pagtapos mag-almusal lumabas ako ng bahay para magpahangin may natanaw akong isang maliit pond na may tulay at naisip ko na doon muna tumambay.
Inilabas ko yung singsing na tinago ko sa aking bulsa at pinang masdan iyon. Napakaganda naman ng singsing na ito at sumagi sa aking isipan na "Hindi kaya ito yung tinutukoy na singsing ni Laura na naikwento ni Nanay Ading?
Hindi naman siguro sila magagalit kung kinuha ko ito hindi naman na nila malalaman diba? Tanong ko sa aking sarili. Baka multuhin naman nila ako? Hindi naman siguro.
Agad kong sinuot yung singsing sure akong bagay sa akin to. OMG!! nagkasya sa akin ang singsing. Habang pabalik na ako sa bahay ay pinagmamasdan ko parin yung singsing at aksidente akong napatid. Ang lakas ng pagkadapa ko at naramdaman kong tumama yung ulo ko sa bato at bago nagdilim ang paningin ko at tuluyan nang nandilim ang aking paningin.
Ang sakit pa rin ng ulo ko minulat ko yung mata ko at nasa kwarto na ako. Naalala ko lang bago magdilim ang paningin ko ay nakita ko si Nanay Ading na naglalakad papalapit sa akin at nakita ko rin itong batang babae sa bus, nagtatago siya sa gilid ng puno pero tanaw ko yung mukha na parang malungkot, Hays Ang lampa ko talaga kahit kailan.
Agad akong bumangon at tinawag si Ate Brea. Nakakapagtaka naman kung sinong nagdala sa akin dito, Hindi naman ako kayang buhatin ni Ate Brea dahil mas malaman ako sa kaniya at lalo naman si Nanay Ading. Naalala ko palang Sabado ngayon at pupunta pala ako ngayon sa kabilang Baranggay para kunin yung inorder ko sa Avon na payong.
Dali-dali naman akong bumangon para maligo at magbihis, kukuhanin ko na sana yung damit ko para makapagbihis "Ano nangyari? Bakit nag-iba ang ayos ng mga gamit ko dito? Teka asan na yung iba kong gamit?
Nagulat naman ako nang biglang bumukas ang pinto at may pumasok na babae.
"S-sino ka? Paano ka nakapasok sa bahay? Haunted mansion na ba ito? m-multo ka ba?"
"Señora may masakit po ba sa inyo? Señora ako po ito si Agnes ang inyong tagapagsilbi""Whaatt!?" Anong nangyayari kailan pa ako nagkaroon ng tagapagsilbi? Ano nangyayari? Ako Señora hahaha joke ba ito? Baka prank to? Oo nga prank ba to? tanong ko sa kanya.
"Magpahinga nalang po muna kayo dadalhan ko nalang po kayo ng pagkain" wika niya
"Ahhh sige Thank you?"sagot ko. Mukang nagtataka naman niya tingin sa akin "T-Tengkyu? Ano po ang ibig niyong sabihin Señora?" tanong niya.
"Ano ba ang nangyayari sa akin"? Kinuha na ba ako ng kaliwanagan? Huhu Hindi pa ako Ready".
Nilibot ko naman yung tingin ko kase ba niloloko lang ako nila ate Brea. Tinignan ko si Agnes mula ulo hanggang Paa at napansin ko na nakasuot siya ng sinaunang damit.
Bigla akong bumangon at tinignan ko din yung itsura ko sa salamin at naka baro't saya din ako! "Ano ba talaga ang nangyayari?"
"Ayos lang po ba kayo Señora?" tanong niya. "Syempre hindi, Ahhh Oo ayos lang ako, Agnes ilang taon ka na?" Tanong ko
"Labing tatlong taon po Señora". "Ayos lang po ba kayo Señora?" Tanong niya
"Oo ayos lang ako hehehe" sagot ko sa kanya. " Maiwan ko muna kayo Señora Laura magpahinga muna kayo" sabi ni Agnes. "Ahhh Salamat Agnes" sagot ko at sabay ngiti sa kanya.
"Bakit niya ako tinawag na Laura?" Lumapit ako sa salamin at tinignan ang aking sarili ako pa rin naman ito. "Hindi na magandang biro ito, huhu ayoko naaa"
Nagising nalang ako nang may narinig akong kumakatok sa pinto "Magandang gabi po Señora pinapatawag po kayo ni Don Seferino kakain na daw po ng hapunan"
"Haaaa! Don Seferino, diba daddy yun ni Laura? Ohh myy hindi ko na to ma handle naiistress na ako"
"Ahhh.. S-sige susunod nalang ako hehehe" sagot ko aalis na sana si Agnes. "S-sandali Agnes anong araw ngayon?" Tanong ko
"Ika Dalawampu't- apat ng Agosto po" sagot niya.
A-anong taon? "1825 po Señora" sagot niya.
"ANO!? Ibig sabihin bumalik ako sa nakaraan sa katauhan ni Laura? But How?"
Nasa hapag-kainan na ako ngayon kasama ko si Don Seferino na daddy ni Laura, At may isa pang babae na mommy ata niya na si Doña Leticia at may isa pang babae hindi ko sure kung si Eliana yun na ate ni Laura. At least May alam ako na kaunti tungkol sa background ng family nila buti nakinig ako kay Nanay Ading.
Ngayon ay nakatulala pa rin ako at inaalam kung paano ako nakapunta sa panahon na ito. At hindi ko namalayan na kinakausap na pala ako nung Don Seferino. "Laura mabuti na ba ang iyong pakiramdam?""I'm fine na po ahhh este maayos na po ang pakiramdam ko Don-- Ama". Tumingin siya sa akin na may bahid ng pagtataka.
"Tila nahihiligan mo talagang mag-aral anak at ngayon ay may natutunan ka nang bagong linguwahe"
"Eliana bakit hindi mo gayahin ang iyong bunsong kapatid, wala ka namang matututuhan sa mga palabas sa teatro gaya ng mga nahihiligan mo"
Pagtapos namin kumain ng hapunan ay dumeretso na ako sa aking kwarto itutulog ko nalang baka sakaling nananaginip lang ako.
Kinaumagahan maaga akong nagising dahil sa pagkatok ni Agnes " Magandang araw po Señora". Panaginip pa ba ito o talagang realidad? tanong ko sa sarili. Ok lang siguro na ie-enjoy ko nalang ito minsan lang ako maging Señora. Live life to the fullest, ngayon ko nalang ulit mararanasan ang magkaroon ng complete and happy family. Susulitin ko na to!
"Agnes pwede mo ba ako samahan mamaya? "
"Saan po tayo tutungo Señora?"
Sa Mall ahh este sa... ano tagalog ng mall?? Ahhh sa pamilihan oo sa pamilihan hehehehe.Pagtapos kong kumain ng breakfast ay agad akong pumunta ng kwarto para maligo excited na ako maglibot.
Pagbaba namin sa ay agad kong nakita si Eliana or should I say Ate Eliana na nagbuburda. Ate Eliana gusto mo bang sumama sa amin ni Agnes sa pamilihan?
"Kayo nalang tatapusin ko pa ang aking binuburda, sa susunod nalang ako sasama, babawi nalang ako sa susunod, mag-iingat kayo "wika ni Eliana.
"Bibilhan nalang kita ng pasalubong ate Eliana" wika ko. Nakita ko naman si Doña Leticia at Don Seferino sa sala umiinom sila ng Tsaa at syempre kailangan natin ng permission para hindi sila mag-alala kaya pinuntahan ko sila.
Maari po ba akong lumabas ngayon kasama si Agnes pupunta lang po kami sa pamilihan.
"Sige anak basta mag-iingat kayo, Eto pala dalhin mo iyan" wika ni Ama sabay abot sa akin. Kinuha ko naman at tinignan kung ano iyon, laking gulat ko dahil pera ang laman ng parang wallet na iniabot niya sa akin. "Salamat po" wika ko.
Isang oras din ang makalipas ay nakarating na kami ni Agnes sa pamilihan. Ang ganda pala dito maraming mga stalls na pagpipilian. Naisipan ko na pumunta sa tindahan ng mga accessories bibilhan ko si Ate Eliana at si Agnes.
Tumakbo ako papunta doon pero biglang may humak ng mahigpit sa aking kamay. Laking gulat ko kung sino iyon...
![](https://img.wattpad.com/cover/236826880-288-k789877.jpg)
BINABASA MO ANG
1825
Historical FictionPaano nalang kung nagising ka isang araw sa taong 1825, at may mga bagay ka pa pala na hindi nalalaman tungkol sa iyong pagkatao. Isang Misteryo, isang puzzle na kailangan mong mabuo kung bakit lahat ng iyon ay nangyayari sa iyo. Dito mo ba masusubo...