4

187 22 7
                                    

"The best way to find out if you can trust somebody is to trust them."

― Ernest Hemingway



"Nanay A-Ading?"...

"Binalaan na kita diba? Alam mo bang maaari kang mapahamak sa ginagawa mo?" Panimula niya

"Makinig ka kasi sa mga sinasabi ko, baka sa susunod ay hindi lang ito ay kahihinatnan mo" dagdag niya

"Basta't tandaan mo kahit anong mangyari hindi ka dapat makilala ni Juan. Hindi mo alam ang mangyayari sa iyo, dahil sa panahong ito ikaw si Laura at kung maaari ay ingatan mo ang iyong sarili." sabi niya habang inilagay ang kaniyang mga kamay sa aking balikat.

"Hija binalaan na kita, nangyari na ang mga nangyari kaya wala nang dapat pagsisihan pa" dagdag niya.

Paalis na sana si Nanay Ading pero tinawag ko siya. "Wait lang po" sigaw ko, pero hindi na siya lumingon.

Napatulala nalang ako ang dami namang sinabi ni Nanay Ading loading pa yung utak ko.

Natauhan nalang ako nang tinatapik ako ni Agnes "Señora ayos lang po ba kayo?" "Ayos lang ako Agnes, halika na at ituloy na natin ang pamamasyal." Sabi ko

Habang naglilibot kami ni Agnes ay hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Bakit nandito si Nanay Ading? May kinalaman ba siya sa mga nangyayari?

Abala sa pagpili ng iba't-ibang design ng clip sa buhok si Agnes habang ako naman ay para ewan na nakatulala habang iniisip parin ang mga sinasabi ni Nanay Ading. Nagulat nalang ako nang biglang may bumangga sa akin dahilan para mabitawan ko at kumalat ang mga pinamili namin ni Agnes.

Maraming tao ngayon sa pamilihan, nilingon ko yung bumangga sa akin at tuloy-tuloy ang paglalakad niya na parang wala lang nangyari.

Aba't ni hindi man lang nagsorry ito. Dali-dali naman akong tumakbo at sinundan yung nakabangga sa akin, pero nahirapan ako dahil medyo maraming tao at yung iba nabangga ko na. Nawala sa paningin ko yung lalaki na yun, Lumingon ako sa kanan at nakita ko na siya.

"HOY!" galit kong sabi. Lumingon naman siya sa akin at hindi ko maitatanggi na may kagwapuhan siya. Matangkad, Dark Brown na mga buhok, makapal na kilay, mahabang pilik mata, katamtamang laki ng mga mata, matangos na ilong, at manipis na labi.

Pero kahit may itsura siya ay hindi ko pwedeng palampasin ang ginawa niya. Siya ba yun nakabangga sa akin parang ang amo naman ng muka niya ngayon na parang walang nagawang kasalanan.

Lumingon siya sa paligid at tumingin ulit sa akin. "Oo ikaw nga" sabi ko. "Anong kailangan mo binibini?" tanong niya. "Patanong tanong ka pa jan wag ka nga magmaangmaangan hindi ka ba mag-sosorry?" Sabi ko

"Pasensya na Binibini ngunit kailangan ko nang umalis" nagmamadali niya tugon.

Paalis na sana siya pero hinarangan ko siya "Hep hep hep saan ka pupunta tatakasan mo ba ako?" tanong ko sa kanya. Tinignan lang niya ako sabay diretso ng lakad.

"Hoy sandali ang tapang naman nito siya na nga nakabangga tapos hindi pa nagsorry hindi niya ba kilala ang nababangga niya?" Humanda saken yung lalaki na yun pag nakita ko ulit yun.

"Señora! señora!" sigaw ni Agnes "Señora ayos lang po ba kayo? May ginawa po ba sa inyo ang ginoong iyon? sunod sunod na tanong ni Agnes.

"Ano ka ba Agnes ayos lang ako salamat sa concern" sagot ko. Tumingin naman siya sa akin ng may pagtataka. Pero nginitian ko nalang siya.

Nakauwi na kami ni Agnes at nandito ako ngayon sa kwarto at nilabas lahat ng pinamili namin kanina. Kinuha ko yung clip na kulay rose gold na may mga nakapalibot na perlas at diamonds hindi ko alam kung real or fake yun at lumabas ng kwarto para ibigay iyon kay Ate Eliana.

1825 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon