7

136 16 0
                                    

"The truth hurts like a thorn at first; but in the end it blossoms like a rose." 

 Samuel ibn Naghrillah


Agad naman akong tumakbo papalayo sa kaniya. Habang maaga ay dapat ko na siyang iwasan. Tamang tama ay nasa labas na sila Ama, kinausap ko kaagad siya at sinabing masama ang aking pakiramdam kaya umuwi na kami. Nagtaka naman si Ama dahil kanina lamang daw ay masiglang masigla pa daw ako.

Nagsalita naman si Don Ignaldo at sinabing ipatingin daw ako kay Juan ang aking nararamdaman para malunasan. Nako kung siya lang wag na ayaw kong mamatay ng maaga ng dahil sa kaniya.

Tinanggihan ko nalang iyon at nagpalusot na gusto ko nang umuwi, wala na rin nagawa si Ama kaya umuwi na kami.

"Anak anong nangyayari? Hindi naman masama ang pakiramdam mo kanina" wika ni Ama. Wahhh anong sasabihin ko? Tumingin nalang ako kay Ama na parang nanghihina ako. Umiling nalang siya sa akin at nagsalita "Pasaway ka talagang bata ka" sabay ngiti sa akin.

Nandito na kami ngayon sa bahay at dumeretso ako sa aking kwarto para hindi mahalata na hindi talaga masama ang pakiramdam ko. Dinalhan naman ako ni Agnes ng lugaw para mawala daw kahit papaano ang sama ng aking pakiramdam.

Habang kumakain ako nasa tabi ko lang si Agnes, pinagmamasdan ko naman siya. Ang saya naman dito mabuhay maraming tao ang nagmamahal sa akin, andito na lahat ng kailangan ko, lahat ng hindi ko naranasan sa totoong buhay ko.

"Ayos lang po ba kayo Señora?" tanong ni Agnes. Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako sa kaniya. "Ahhh Oo ayos lang ako Agnes, salamat din pala dito sa lugaw ang sarap siguradong gagaling agad ako" wika ko sa kaniya. Natuwa naman siya at nginitian ako pabalik.

Malapit na maghapunan at nandito parin ako sa kwarto, nagsisi tuloy ako sa pagpanggap ko nakakaboring naman kasi sa loob ng kwarto. Dito na rin galing si Ina at Ate Eliana kahit papaano siguro nabawasan ang aking pagkaboring.

Napabangon ako nang may kumatok sa kwarto ng aking silid nagulat akong nakita kung sino yung papasok sa aking silid.

Agad naman akong natulog-tulugan, narinig ko na may dahan dahan na yapak na papalapit sa akin. Alam ko na hindi si Ama iyon, wala akong ideya kung sino man ang taong iyon, pero habang papalapit ay bumibilis ang tibok ng aking puso. Hanggang sa napatigil na ito sa paglakad at umupo sa upuan sa tabi ng aking higaan.

Ilang minuto din nanaig ang katahimikan hindi ko alam kung multo ba iyon parang bigla nalang nawala. Hindi na ako mapakali baka minumulto na ako ni Laura. Kausapin ko kaya? tanong ko sa aking sarili.

Napatikhim ako at humarap sa direksyon kung saan huminto ang yapak na narinig ko kanina. Habang dahan-dahan humarap ay nakapikit ako syempre ayoko sa mga ganitong sitwasyon baka kamuka niya si Sadako. Habang nakapikit pa rin ay nagsalita ako ng pabulong.

"Laura, huwag mo na akong multuhin ok? Hindi ko ginusto ito, ikaw kasi bakit nakipagharot ka pa sa other one? pwede akin nalang yung isa? Char nagbibiro lang so ok na stop scaring me na bessie"

Hanggang ngayon nakapikit pa rin ako pero feeling ko nakatitig talaga sa akin, di ko na talaga mapigilan kaya minulat ko na yung mata ko at laking gulat ko nang makilala ko kung sino ang taong iyon.

Juan?

Gosh ano na itong nangyayari sa akin ang lutang ko naman, narinig niya kaya lahat ng sinabi ko?

"Anong sadya mo rito?" pataray kong tanong. Tinawanan niya ako at sinabi "Ibig ko sana tignan ang iyong kalagayan at kamustahin ka, ngunit sa tingin ko ay maayos ka na."

"Diba bawal pumasok ang isang lalaki sa silid ng babae? Bakit ka narito? Alam ba ni Ama ito?" panic kong tanong sa kaniya. "Huwag kang mag-alala Binibini ang iyong Ama ang nag-utos sa akin, at binigyan niya ako nang permiso na pumasok sa iyong silid, at higit sa lahat hindi tayo nag-iisa rito" wika niya at nagturo sa direksyon ng pintuan. At nakita ko na nandoon si Agnes na tila kinikilig at kumaway pa sa akin.

Gosh ang malas talaga nang araw ko ngayon!

"Sige Binibini ika'y magpagaling" wika niya sabay ngiti sa akin na may halong pang-aasar. Pinagmamasdan ko siya habang naglalakad. Papalabas na siya pero bago siya lumabas sa pinto ay napahinto siya at pinasok ang kamay sa bulsa na parang may kinuha.

Agad naman siya lumingon sa direksyon ko at naglakad papalapit ulit sa akin at may inabot. "Nakita ko yan sa labas ng pagamutan" wika niya sabay naglakad papalayo.

Nang umalis na siya ay agad ko namang binuklad ang aking kamay upang tignan kung ano ang kaniyang iniabot sa akin.

Laking gulat ko nang makita kung ano iyon.Isang bracelet na violet at green ang kulay na gawa sa nylon, Hindi ito sa akin pero alam ko kung sino ang nagmamay-ari nito.

At alam ko na wala siya sa mundong ito...

#LitoNaAko

1825 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon