"Ibinulong ko na lang sa mga bituin ang aking tanging pagtingin,
sa mga tala ko na lang isinigaw, na laman ng puso ko ay ikaw"—LNM
Naiwan akong magisa sa garden,
Bakit ako nasaktan ng ganun lang?
Bakit pagnakikita ko siya, imbes na magalit ako ay parang nabubuo ang araw ko?Oo aaminin ko nahihibang na kung nahihibang pero unti-unti na akong nahuhulog sa kaniya.
Pero paano kung buhay ko naman ang kapalit sa panandaliang kaligayahan ko...
Kinabukasan late na ako nagising, dahil hindi ako nakatulog kakaisip kay Juan. " Magandang Tanghali po Señora" panimula ni Agnes. "Magandang Umaga rin Agnes" matamlay ko na sagot.
"Ayos lang po ba kayo Señora, masama po ba ang inyong pakiramdam?" Pag-aalala niya. "Sigurado po ba kayo Señora?" Paniniguro niya.
"Oo Agnes ayos lang ako, gusto mo bang pumunta tayo sa pamilihan? Gusto kong bumili ng papel at pluma" Sabi ko. Natuwa naman siya sa sinabi ko.Habang naglilibot sa pamilihan ay nagsalita si Agnes "Ako'y natutuwa po para sayo Señora" sabi niya. "Natutuwa para saan?" Tanong ko. "Masaya po ako sapagkat malapit na po kayong ikasal" sabi niya
"Natutuwa rin po ako Señora sapagkat si Ginoong Juan ang inyong mapapangasawa" dagdag niya. "Bakit naman?" Tanong ko. "Alam niyo po ba na ang pamilya Ruiz ay isa sa mga mabubuting tao dito sa La Verde? Lalo na po si Ginoong Juan, marami na siyang natulungang mga mamamayan at pantay ang kaniyang tingin sa lahat, mayaman man o mahirap" sabi ni Agnes.
Nakokonsensiya pa rin ako sa inasal ko kahapon kay Juan, hindi dapat ganoon ang pakikitungo ko sa kaniya.
Nakakapagtaka naman dahil sa ikinuwento sa akin ni Nanay Ading ay si Juan pa ang dahilan kung bakit namatay si Laura At Anton.
Pero wala akong mahanap na dahilan para gawin niya ang bagay na iyon. Pero hindi pa ako nakakasigurado dahil hindi ko pa siya lubusang kilala.
Habang nakasakay sa kalesa ay nagulat nalang ako ng may nadaanan kaming isang batang lalaki na sa tingin ko ay nasa 10 taong gulang. Nakaupo siya sa gilid ng daanan at napansin kong wala kahit isa ang ibig siyang tulungan.
Kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na tulungan siya. Pagtigil ng kalesa ay agad akong bumaba upang tignan yung kalagayan ng bata.
"Bata! Anong nangyari sa iyo? Malalim ang saksak sa iyong tiyan" taranta kong sabi. Agad kong tinawag ang kutsero namin upang buhatin siya, kailangan madala na namin siya sa klinika habang maaga pa.
Habang nasa kalesa ay hindi mapakali si Agnes "Sino namang walang awa ang gagawa nito sa isang bata? Halos hindi mo na makilala itong batang ito sa dami ng kaniyang natamong sugat" sabi ni Agnes.
Buti nalang ay palagi akong nagdadala ng panyo, habang papunta palang kami sa klinika ay ginamit ko muna itong panyo ko pantapal sa saksak nitong bata, para mabawasan ang pagdurugo ng kaniyang saksak.
Pagdating sa klinika ay agad akong lumabas ng kalesa upang hanapin si ama ngunit hindi ko siya nakita, sa halip ay nakita ko ni Juan. Wala muna akong galit mode sa kaniya ngayon dahil mas mahalaga ang buhay nitong bata.
"Juan!" Sigaw ko. Lumingon naman siya sa akin "Ayos ka lang ba? Bakit puno ng dugo ang iyong kasuotan?" Tanong niya. "Mamaya ko na sasagutin ang mga tanong mo, tulungan mo muna itong batang ito" sabi ko sabay turo sa batang lalaki.
Agad naman siyang lumapit sa bata at laking gulat ko ng bigla siyang nagsalita "Emilio?"
At dali-dali na nilang dinala sa loob yung batang lalaki upang gamutin.

BINABASA MO ANG
1825
Historical FictionPaano nalang kung nagising ka isang araw sa taong 1825, at may mga bagay ka pa pala na hindi nalalaman tungkol sa iyong pagkatao. Isang Misteryo, isang puzzle na kailangan mong mabuo kung bakit lahat ng iyon ay nangyayari sa iyo. Dito mo ba masusubo...