11

121 15 1
                                    

"Hindi ako naniniwala sa mga hiling,
Ngunit noong nakilala kita,
Hiling ko nawa'y manatili at
makasama kita hanggang sa huli."

—LNM








Maaga akong ginising ni Agnes ngayon, maganda din ang gising ko dahil nga sa nangyari kahapon. Pupunta daw ulit kami doon sa Tulay ng Kahilingan at sabay daw kaming hihiling. Wahhh ang aking heart.

"Ano pong meron Señora? Tila ang ganda ng inyong gising" pangaasar ni Agnes. "Ano kaba Agnes, palagi naman maganda ang gising ko" palusot ko. Tinignan naman niya ako ng tingin na parang sinanasabi niya na I smell something fishy.

"Agnes sa tingin mo anong pwede kong gawin ngayon?" Tanong ko. "Pumunta po tayo sa pamilihan Señora" sagot niya. "Haa? Kakagaling lang natin doon kahapon" sabi ko. "Hindi niyo po bibilhan ng regalo si Señora Eliana para sa kaniyang ika-dalawamput siyam na kaarawan, bukas?" Tanong niya.

Hala Birthday ni Ate Eliana bukas? September 10? Ano naman kaya ireregalo ko? Ayoko na magregalo ng clip kasi marami na din siyang collection nun.

Alam ko na kung ano ireregalo ko!

"Sige Agnes maliligo lang ako, pupunta tayo sa pamilihan" sabi ko.

Naisipan ko na regaluhan ng kumot si Ate Eliana, portrait niya yung ibuburdang design ko sa kumot.

Naghahanap ako ng puting tela at iba't-ibang kulay na mga sinulid.

Pabalik na kami ni Agnes sa kalesa, nabili ko na rin lahat ng mga materials na gagamitin ko.

Kinagabihan, malapit na akong matapos buhok nalang ang kulang. "Señora!" Mahinang sigaw ni Agnes sabay takbo sa loob t isinara ang pinto. "Bakit?" Gulat kong tanong. "Itago niyo po muna iyan papunta po dito si Señora Eliana" taranta niyang sabi. "Haa! Sige lumabas ka muna, harangan mo muna si Ate" sabi ko habang nililigpit yung ginagawa ko.

Tamang tama lang na kakatapos kong itago yung regalo ko kay Ate Eliana ng pumasok siya sa loob.

"Laura!" Masaya niyang sabi. "Pupunta ba dito si Anton bukas?" Kinikilig niyang tanong. "Haa? Ahh Ehh Opo, pupunta daw" sagot ko. Gosh wala akong alam sa mga pangyayari, hindi ko talaga nasabihan si Anton. Teka! Bakit niya tinatanong kung pupunta si Anton?

"Sige salamat Laura ahh" sabi niya sabay yakap sa akin. Papaalis na sana siya kaso bigla akong nagsalita. "Ate bakit niyo po tinatanong kung pupunta si Anton bukas?" Asar kong tanong.

Lumapit naman siya sa akin at nakangiti "Nakalimutan mo na ba na matagal na akong may pagtingin sa kaniya? Lihim lang natin, wala ring makakaalam na pumunta kayo ni Juan sa Tulay ng Kahilingan" sabi niya ng pangaasar.

Teka imbes na ako pala ang mangaasar sa kaniya ay bumalik din sa akin. "Ahhh Hehehehe syempre naman po Ate atin atin lang yung lihim mo, Pero yung sa akin walang ibang kahulugan iyon" sagot ko. Tinignan lang ako ni Ate ng may paghihinala. At lumabas na siya ng may pa twirl twirl pa.

At paglabas niya ay dali-dali ko ng nilabas lahat ng materials ko dahil kailangan ko itong matapos ngayong gabi.

"Yessss! Natapos na rin!" Sabi ko sabay stretch stretch ng nananakit kong katawan. Paglingon ko kay Agnes ay mahimbing na siyang natutulog sa gilid ng higaan ko.

Bilib din ako kay Agnes, naalala ko noong 13 years old ako ay palaging nasa kwarto lang ako nagkukulong puro libro at gadgets lang ang inaatupag ko. Tapos siya sa edad na iyan ay naninilbihan na at halos lahat ata ng gawain at kaya niya. Iba talaga ang mga kababaihan dati, bilib ako sa kanila.

Kinabukasan, nagising nalang ako sa boses ni Agnes "Señora Señora gising na po, Kailangan niyo na pong mag-ayos paparating na po ang mga bisita". "Mayamaya na, hindi naman ako yung may Birthday" sabi ko habang nakahiga.
"Señora! Andiyan na po si Ginoong Juan" Gulat na sabi niya. Pagkarinig ko ay agad akong bumangon at dalidali naligo, paglabas ko ng palikuran ay nagtataka naman akong nakatingin kay Agnes. Nakangiti lang siya sa akin, "Anong nangyayari sa iyo Agnes? Ayos ka lang ba? Bakit ka ngumingiti diyan mag-isa?" Tanong ko.

"Si Ginoong Juan lang po pala ang magpapagising sayo" pangaasar ni Agnes. Oo nga bakit noong sinabi niya iyon ay bigla akong napabangon. "Hoy ikaw Agnes ahh, kapag ako talaga nakahanap ng lalaking iaasar sayo" sagot ko.

"Tara Agnes baba na tayo" sabi ko. "Wala pa po talaga si Ginoong Juan Señora mamayang hapon pa po ata sila makakapunta" sabi ni Agnes. "Ano kaba Agnes, hindi naman siya ang hanap ko noh" palusot ko.

Bago kami bumaba ay kinuha ko sa cabinet yung binurda ko, hindi ko na ito binalot itinupi ko lang ito ng maayos.

Pagbaba namin sa hagdan ay nagulat ako sa sobrang dami ng tao. Agad ko namang hinanap si Ate Eliana, nilibot ko ang aking mata upang hanapin si Ate.

"Agnes nasaan si Ate Eliana?" Tanong ko habang hinahanap pa rin si Ate Eliana. "Ayon po Señora" sabi ni Agnes sabay may tinuturo siya. Sinundan ko naman kung saan siya nagtuturo pero hindi naman si Ate Eliana iyon.

Si Juan...

Paglingon ko sa kaniya ay nagulat ako dahil nakita ko na nakatingin din siya sa direksyon ko. Kaya inalis ko agad yung tingin ko sa kaniya at hinanap na ulit si Ate Eliana. "Agnes sabi mo wala pa si Juan?" Tanong ko. "Hinahanap niyo po talaga si Ginoong Juan" pangaasar niya. "Shhh wag ka maingay baka may makarinig sa atin at isipin na may gusto ako sa kaniya" sagot ko.
"Wala po ba talaga?" Pangaasar niya.

Hays...

"Ate Eliana!" Tawag ko. Agad naman siyang lumingon sa akin. "Lauara!" Sabi niya sabay yakap sa akin. "Maligayang Kaarawan Ate! Ito po pala yung regalo ko sana magustahan mo" sabi ko sabay abot ng kumot. Kinuha niya ito ay nilapat sa isang lamesa. "Napakaganda nito Laura!" Tuwa niyang sigaw. Agad lumapit sa kaniya ang mga bisita at namangha sa regalo ko. Nakita ko rin si Juan na sumilip kung saan nilagay ni Ate Eliana yung regalo na binigay ko.

Sobrang dami ng tao ngayon kaya naisip ko na maglibot libot muna sa labas ng bahay. Dumeretso ako sa garden, walang masyadong tao doon kaya naisip ko na doon nalang muna. Baka kasi may ibang nakakakilala doon kay Laura at hindi ko naman alam kung paano sila iaapproach.

Habang nakaupo sa damuhan sa garden ay may naririnig ako sumisitsit, kaya sinundan ko ito. Parang nagmumula siya doon sa dulo ng garden. Hindi ko na susundan yung sumisitsit na iyon. Hindi ko na papalawakin pa ang aking curiosity, baka mamaya isang masamang nilalang pala yung nandoon at mapatay pa ako.

Ilang minuto lang ang lumipas buti nalang ay nawala na yung pagsitsit na naririnig ko kanina.

"Vera!" bulong ng isang boses.

Agad akong lumingon kung sino iyon.

"A-Ate Brea?" Gulat kong sagot.

"Oo ako nga ito Vera"...

1825 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon