8

141 16 0
                                    

"We live someone else's life without trying to understand and become what we are really designed to be."

― Sunday Adelaja


Ako ang gumawa ng bracelet na ito, ibinigay ko ito sa nag-iisang tao na sandalan at karamay ko sa lahat. At alam kong hindi ako nagkakamali si Ate Brea ang nagmamay-ari nito.

At alam kong hindi uso dito ang ganitong style. Paano nakarating ito dito alam kong wala naman akong nadala na kahit ano mula sa totoong mundo ko maliban nalang dito sa singsing na ito.

Kailangan kong makita si Nanay Ading, kailangan ko ng tulong niya. Pero paano at saan ko siya makikita? tanong ko sa sarili.

Agad-agad naman akong pumunta sa hardin kung saan nagpakita sa akin si Nanay Ading. "Nanay Ading?Nasaan po kayo kailangan ko po kayo ngayon, kailangan ko po ng tulong niyo" wika ko.

Nakakailang ulit na rin akong nagsasalita at hinahanap siya pero walang response. Kailangan kong mag-isip ng plan B, Kung hindi siya magpapakita dito sa hardin kailangan ko talagang pumunta sa unang lugar kung saan niya ako nakita.

Pabalik na ako sa bahay at tinawag ko si Agnes upang samahan ako papunta sa pamilihan. Tanghaling tapat habang nandito kami sa pamilihan. "Agnes mag-antay ka lang dito may pupuntahan lang ako saglit" wika ko. Ngunit Señora wala po kayong kasama paano nalang po-- hindi na niya natapos ang kanyang sinabi dahil tumakbo na ako papunta sa spot kung saan kami nagkita ni Nanay Ading. Ilang minuto din akong naghanap sa kaniya ngunit hindi ko talaga siya makita.

Bumalik na ako sa kalesa at nakita si Agnes na nandoon pa rin at inaantay ako. "Señora, nakita niyo na po ba ang inyong hinahanap?" wika ni Agnes sa akin. "Hindi pa Agnes" malungkot kong sabi. "Ano po ba ang kanyang itsura, maari ko naman po kayong tulungan sa paghahanap" wika niya. Oo nga ano bakit hindi ko naisip na pwede siyang tumulong, Hayss brain cells ko di na nagwowork. "Ahh sige maraming salamat Agnes" wika ko.

"Basta babae siya nasa mga 40 ang edad medyo chubby ahhh este medyo maganda ang pangangatawan, tama lang din ang taas at mahaba at maitim ang buhok" sabi ko

Napaisip naman si Agnes at nagtanong
"Maari ko po bang malaman ang pangalan ng babae na inyo pong hinahanap? Parang pamilyar po kase ang inyong inilalarawan". "Aling Remedios ang kaniyang ngalan" sagot ko.

Nagulat naman ako sa reaksyon ni Agnes ng narinig niya kung sino ang tinutukoy ko. "Bakit Agnes may problema ba? Kilala mo ba kung sino yun?" tanong ko sa kaniya. "Ano po bang kailangan niyo sa kaniya?" tanong ni Agnes. "May importanteng itatanong lang sana ako sa kaniya" wika ko.

At parang nakahinga naman ng malalim si Agnes. "Kilala mo ba kung sino ang aking tinutukoy Agnes?" tanong ko. "Opo Señora Laura kilala ko po, siya po ang aking Ina" sagot niya.

Anoooo?!.. may Anak si Nanay Ading grabe halos hindi ko ata maimagine yun.
Pero ayos naman at least alam ko na kung saan ko siya makikita kung kailangan ko ng tulong niya.

"Agnes pwede mo ba akong dalhin sa iyong Ina nais ko sanang makausap siya" wika ko. "Sige po Señora" sagot niya. Habang nasa kalesa kami ni Agnes ay kinuwento niya sa akin ang mga katangian ng kaniyang Ina.

Mabait, mapagmahal at masipag daw na Ina si Nanay Ading, naikuwento din ni Agnes na bata palang siya ay namatay na ang kaniyang Ama kaya si Nanay Ading ang tumayong Ama at Ina. Tatlo daw silang magkakapatid at si Agnes lang ang babae at siya ang bunso. Ang kaniyang mga kuya ay pareho nang may sariling pamilya at naiwan nalang sila ni Nanay Ading.

"Señora paano niyo po nakilala ang aking Ina?" tanong ni Agnes. Brain cells gumana ka please di ko alam kung ano isasagot ko. "Ahhh kase ano noong isang araw kase tinulungan ako ni Aling Remedios." nagaalinlangan ko na sagot.
"Narito na po tayo Señora wika niya".

Nauna akong bumaba ng kalesa at sumunod si Agnes. "Ina narito na po ako!" masayang wika ni Agnes. Agad namang lumabas sa bahay si Nanay Ading at niyakap ng mahigpit si Agnes.

Habang ako ay nasa likod at pinagmamasdan sila. Nagulat naman ako dahil bigla akong tinignan ni Nanay Ading, at binitawan ang pagkakayakap kay Agnes. "Magandang Tanghali po Señora Laura" mahinahong bati niya sa akin. "Mawalang galang na po Señora ngunit ano po ang inyong sadya rito" tanong ni Nanay Ading.

"Ahh Kase Nanay Adi-- Ahh este Aling Remedios may itatanong lang po sa ako sa inyo." sagot ko. Tumango naman siya sa akin at nagsalita "Sige Agnes anak pumasok ka na muna at magpahinga sa bahay." sabi niya. Pagpasok ni Agnes sa loob at hinila ako ni Nanay Ading papalayo sa kanilang bahay. "Ano sadya mo rito hija?" tanong niya sa akin. "May iba pa po bang tao ang napasok rito maliban po sa atin?" tanong ko. "Bakit?" tanong niya.

"Nakita ko po kase yung bracelet ni Ate Brea dito, wala naman po akong nadalang gamit maliban dito sa singing" sabi ko. Nanlaki naman ang mga mata ni Nanay Ading ng marinig niya ang mga sinabi ko. "Hindi pwede!" galit niyang sabi.

Nanginginig siyang humarap at hinawakan ang aking kamay, dahan dahan ko nararamdaman ang paghigpit ng hawak sa akin ni Nanay Ading. "Ouch! bitiwan mo po ako nakakasakit ka na!" galit kong tugon. "Umalis ka na rito" sabi niya. "P-Pero‐‐" hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil biglang dumating si Agnes. "Ano pong nangyayari?" tanong ni Agnes.

Hindi pa nasasagot ni Nanay Ading ang tanong ko. Pinapaalis pa niya ako, ano bang nangyayari? tanong ko sa sarili.

Isa lang ang naiisip ko ngayong paraan, kung hindi niya ako tutulungan ako mismo ang tutuklas nito.

#BahalaNa

1825 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon