"This world is but a canvas to our imagination."
– Henry David Thoreau
Nakauwi na kami ni Anton sa bahay, nakalipas na rin ng ilang oras kakatapos lang namin maghapunan at dumeretso na ako sa aking kwarto. Hindi ako makatulog kaya naisip ko nang maglakad lakad muna sa hardin namin. Nagdala rin ako ng papel at pluma para mag-drawing.
Sobrang lamig ng hangin sa labas dahilan para maupo ako sa damuhan at mag-isip. Maraming mga katanungan ang pumapasok sa aking siip. Bakit sa dinami-dami ng tao bakit ako pa ang napunta rito? Ano ang dapat kung gawin para makaalis na ako dito?
Napahinga nalang ako ng malalim at pinagmasdan ang paligid. Siguro may dahilan naman kaya ako nandito. Wala namang bagay na nangyayari ng walang dahilan diba? tanong ko sa sarili ko. Kinuha ko ang papel at pluma para mag-drawing.
Parang lutang lang akong nag-dadrawing bigla ko namang naalala yung lalaki na pangatlong beses ko ng nakita, sa totoo lang simula nung nakita ko siya palagi na siya pumapasok sa isip ko pero hindi ko alam kung bakit. Sa totoo lang hindi ako maka-get over sa kagwapuhan niya. Iba yung feeling kapag nakikita ko siya.
"Teka mali mali, dapat iniisip ko ngayon ay paano makakalabas"
Napatingin ako sa papel na pinagguhitan ko nagulat din ako ng naidrawing ko siya, ganun na ba kalala yung isip ko pati ba naman sa pagdrawing siya pa rin.
#WagNgayonBigla akong nakaramdam ng kilabot sa aking katawan lumakas din ang hangin kaya naisip ko ng bumalik.
Pero paglingon ko ay nakita ko si Nanay Ading na nakatayo. Gosh ikaw ba yan Nanay Ading? Infairness bumata po kayo, sabi ko.
"Mag-iiba ang daloy ng mga pangyayari dahil ikaw na si Laura hindi ikaw si Vera sa mundong ito, kaya kung gusto mo pang mabuhay ay iwasan mo na lahat ng nakapagdadala sa iyo sa pahamak" sabi niya.
Marami akong katanungan na nais itanong kay Nanay Ading, alam ko na may alam siya sa mga nangyayari. "Nanay Ading" wika ko, "Ahh may itatanong lang po ako sa Inyo", bakit po ba ako nandito? Paano po ako makakaalis dito? tanong ko sa kaniya.
"Nandito ka para ayusin lahat ng pagkakamali, Hija hindi madaling makapasok at hindi rin madaling makalabas dito" panimula niya.
"Marami kang bagay na kailangan isakripisyo, kung susundin mo ako ay makakabalik ka ng ligtas sa hinaharap, mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Laura. At hindi na kailan pa mangyayari at maulit pa ito" sabi niya
"Gosh isang malaking problema ang pasan ko, Ano po ba kailangan kung gawin para matapos na po ito at makauwi na ako" sabi ko.
"Simple lang ang gagawin mo lagi ko na itong sinasabi, hindi ka dapat makilala ni Juan, hindi siya pwedeng magkagusto sa iyo hindi ka rin pwede magkagusto sa kanya" sabi niya.
Yun lang po pala Nanay Ading sisiw lang yan, sabi ko sabay tawa. Tumingin naman sa akin si Nanay Ading "Hija hindi ito madali lalo na kapag napamahal at napalapit ka na rito ganun din sa mga taong nakilala at nakasama mo" sabi niya
"May isa pa pala akong bilin sa mundong ito huwag mo akong tawaging Nanay Ading, Aling Remedios ang itawag mo sa akin". Sabay talikod at naglakad na papalayo.
"Wait Ano daw? Ang dami niyang sinabi, Aling Remedios, Pwede naman atang Lola nalang HAHAHA" sabi ko
Pero madali lang naman pala ang gagawin ko, tutal hindi ko pa naman nakikita si Juan at sisiguraduhin ko na hindi ako magkakagusto sa kaniya.
Kinabukasan maaga ako ginising ni Agnes "Señora mag-ayos daw po kayo sabi ni Don Seferino" wika niya. "Saan daw kami pupunta?" tanong ko. "Sa pagkakaalam ko po Señora ay isasama niya po kayo sa klinika" sagot niya. "Bakit sa klinika? Anong meron" kabado kong tanong. "Nakalimutan niyo po bang Doctor ang inyong ama?" Biro niya.
BINABASA MO ANG
1825
Ficción históricaPaano nalang kung nagising ka isang araw sa taong 1825, at may mga bagay ka pa pala na hindi nalalaman tungkol sa iyong pagkatao. Isang Misteryo, isang puzzle na kailangan mong mabuo kung bakit lahat ng iyon ay nangyayari sa iyo. Dito mo ba masusubo...