15

125 15 0
                                    

"To send a letter is a good way to go somewhere without moving anything but your heart."  

—Phyllis Theroux


Pagtapos kong basahin yung letter hindi ko alam kung kikiligin, matutuwa o malulungkot ako.

Hindi ko alam kung sino yung tinutukoy niya sa sulat niya, Initial L lang ang nakalagay. Pero umaasa ako na sana ako yun.

Dali-dali ko namang tinago yung sulat sa bulsa ng palda ko, narinig ko na hinahanap na nila ako.
Bigla namang bumukas yung pinto kung saan ako, kaya agad akong nagtago sa ilalim ng lamesa.

"Wala siya dito Kuya" sabi ni Emilio.

Gosh ako nalang pala ang hinahanap..

Mga ilang minuto din ang lumipas, hindi ko na sila naririnig na naguusap.

Dahan-dahan kong binuksan yung pinto at Bago lumabas ay sumilip ako, wala silang dalawa. Kaya lumabas na ako ng kwarto, timing naman na pagkababa ko ng hagdanan ay nakita ako ni Emilio.

Agad naman siyang lumapit sa akin "Magtago ka na Ate Laura, Hindi ko sasabihin na nakita na kita" Sabi niya habang nakangiti.

"Sige, doon nalang ako magtatago sa Hardin" sabi ko.

Magkakasundo talaga kami ni Emilio, maloko rin pala itong batang ito.

Agad na akong tumakbo papunta sa Hardin nila at doon nagtago.

Habang magtatago ako ay may nakita akong babae na naglalakad papunta dito sa Hardin Teka, siya yung babaeng nakita ko na kasama ni Juan noong birthday ni Ate Eliana.

Habang papalapit siya ay unti-unti ko siyang nakikita na parang ang tamlay niya, pahinto hinto naman siya sa paglalakad.

Hindi ko na mapigilan yung sarili ko na lapitan siya, "Ayos ka lang ba binibini?" Sabi ko. Sumasagot naman siya sa akin kaso ang Hina at hindi ko maintindihan yung sanasabi niya.

Hinawakan ko na yung kamay niya, nawawalan na siya ng balanse, mayamaya lamang ay bigla nalang siyang nahimatay.

Dahan-dahan ko siyang ihiniga sa damuhan, hindi alam yung gagawin ko napapraning ako.

Agad naman akong tumakbo sa loob at hinanap si Juan at Emilio. "Juan! Emilio!" Nagpapanic kong sigaw.

Agad naman nila akong nakita "Ayos ka lang ba Laura?" Tanong ni Juan. "Yung babae sa Hardin" napapraning Kong sabi.

Bigla namang nagkatinginan si Juan at Emilio. Agad silang tumakbo papunta sa Hardin. "Lucena!" Sigaw ni Juan.

Gusto ko rin sanang samahan sila pumunta sa klinika pero sinabi ni Juan na umuwi nalang muna ako at sila na ang bahala kay Lucena.

Sino naman kaya si Lucena? Kaano ano nila siya?

Teka! Lucena, Nag-umpisa din sa Letter L. Hindi kaya siya yung tinutukoy ni Juan sa sulat niya?

Ang dami ko nang iniisip ngayon, kailangan ko pa mahanap ulit si Ate Brea. Gusto ko ng bumalik lahat sa dati..

Kinabukasan maaga akong nagising, gusto kong hanapin kung nasan si Ate Brea.

"Señora may bisita po kayo sa baba" Sabi ni Agnes.

Dali-dali naman ako nag-ayos "Señora, hindi po si Ginoong Juan ang inyong bisita" natatawa niyang sabi.

"Nako nag-uumpisa ka nanaman Agnes sa mga kalokohan mo" biro Kong sabi sa kaniya.

"Hindi ba pwedeng nag-ayos lang ako para mukang disente sa mga bisita?" Sabi ko.

1825 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon