"Do you think the universe fights for souls to be together? Some things are too strange and strong to be coincidences."
― Emery Allen
Nakauwi na kami ni Agnes sa bahay at dumeretso agad ako sa aking kwarto at nagisip-isip. Paano napunta itong bracelet dito? Paano kung-- hindi ko na natapos ang aking sinasabi dahil biglang kumatok si Agnes. "Señora nasa baba po si Ginoong Juan, hinihintay na po nila kayo". Whaatt nila? Hayysss.
Tumayo na ako at binuksan ang pinto, pababa na ako at nagulat akong kumpleto sina Ama, Ina at Ate Eliana sa Lamesa nandito rin si Juan, Don Ignaldo at Isang pang babae na sa aking palagay ay Nanay niya. Umupo naman ako sa tabi ni Ate Eliana at nasa tapat ko naman si Juan tinignan niya ako at tumango. "Ate Eliana anong meron?" pabulong kong tanong sa kaniya.
"Ano! Huwag mong sabihin na hindi pa nabanggit ito sa iyo ni Ama" pabulong niyang sagot. "Anong hindi nabanggit sa akin ni Ama-- hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil tumikhim si Ama.
Nagkatinginan naman kami ni Ate Eliana at sa sobrang chismisan namin ay hindi ko namalayan na may bisita nga pala kami. Kaya napaayos kami ni Ate Eliana ng upo. Tinignan naman kaming dalawa ni Ama na parang sinasabi niya na wag niyo akong ipahiya sa bisita. "Tayo'y magsikain na" wika ni Ama.
Maraming pagkain ngayon sa hapag parang iilan lang kami, maaubos ba namin ito? tanong ko sa sarili. Nilibot ko ang aking mata sa mga pagkain sa lamesa merong Kaldereta, Tinola , meron ding Pritong Manok at ang aking paborito Sinigang at marami pang panghimagas.
Sinigang agad ang aking kinuha, tinikman ko agad ito. "Ang sarap ng Sinigang na ito, sinong nagluto nito?" tanong ko. Tumawa naman si Don Ignaldo "Nako hija ikaw lang ata ang pumuri sa Sinigang na iyan" sabi niya. "Bakit po? Totoo naman pong masarap ang Sinigang na ito" sabi ko.
Tumawa naman si Don Ignaldo at bumulong kay Ama at nagtawan silang dalawa. Anong meron sa dalawang ito para silang mga bata as in.
Tinignan ko naman si Ina at tumingin din siya pabalik sa akin nginitian lang niya ako at tumango sa akin. Tinignan ko naman si Ate Eliana abala lang siya sa pagkain at pagpapak ng mga panghimagas.
Binalik ko naman ang aking atensyon sa pagkain, ang saya naman na magkaroon ng masaya at kumpletong pamilya hanggang kailan pa kaya ako magtatagal dito?
"Anak ayos ka lang ba? tila iyong nagustuhan ng lubusan ang Sinigang na yan, Juan anong nilagay mo diyan na nakapagpangiti sa aking anak?" biro ni Ama.
Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako at nakatingin silang lahat sa akin. What! Si Juan ang nagluto nito? Bakit sa dami dami pa ng kakainin ko ay yung niluto pa pala niya, yung paborito ko pa Hayyss.
Tinignan ko naman si Juan mukang nahihiya na siya mamumula na rin ang kaniyang mukha. Napatikhim nanaman si Ama hindi ko na iyon pinansin dahil gutom ako dagdag pa na masarap talaga yung sinigang.
"Nandito na rin naman tayong lahat sasabihin na namin ng aking amigong si Ignaldo ang aming napagusapan alam naman naming batid niyo na kung ano ito ngunit ikinagagalak namin sabihin muli na balak naming ipakasal ang aking na si Laura kay Juan".
Nasamid naman ako nang marinig ko iyon, inabutan naman ako ng tubig ni Ate Eliana. "Laura Anak ayos ka lang ba?" wika ni Ina. "Ahh ayos lang po ako" kabadong kong sagot.
ANO DAW?! ikakasal Ako? Sa kaniya! Nako Mamatay talaga ako neto ng maaga. "Hindi ka ba masaya anak?" wika ni Ama. Wala naman akong masabi kaya ngumiti nalang ako.
Pagtapos naming kumain ay Pumunta si Ama at Don Ignaldo sa sala at nagkwentuhan, Naiwan naman kaming apat nila Ina, Ate Amanda at Si Doña Flabina na nanay ni Juan.
Sa totoo lang di pa ako ready, ayoko pa mamatay. Pero ano pa nga ba magagawa ko? Nangyari na, Kailangan ko na bang tanggapin ang guhit ng aking palad? Hayysss
"Hija simula sa mga susunod na araw ay tutruan na kitang magluto ng espesyal na putahe ng aming pamilya, para maipagluto mo si Juan kapag kayo ay ganap na mag-asawa na" wika ni Doña Flabina.
Wala akong masabi siguro dahil pa rin sa pagkabigla, kaya ngumiti nalang ako. Instead gagala ako ay magiging tagapagluto lang ako ng lalaki na yun, ayos ahh. "Maiwan ko po muna kayo" wika ko.
Gusto ko muna magpahangin at mapagisa, isang lugar lang ang naiisip kong puntahan at yun ang garden. Nakakarelax kase ang paligid kaya doon nalang ako tatambay.
Umupo ako sa damuhan at huminga ng malalim. Hayss gusto ko nang umalis dito pero hindi ko alam kung paano. Nakakainis naman ohh.
"Eto na nagyayari na, ano ba bang gagawin ko. Hindi ko alam kung may paraan pa" sabi ko
"Nangyari ang alin?" Tanong ng isang pamilyar na boses galing sa aking likuran. Kanina pa kaya siya nandiyan? Narinig kaya niya yung sinabi ko? Hindi ako lumingon kunwari wala akong naririnig.
"Ikaw ba'y hindi nakakarinig Binibining Laura?" tanong niya. Hindi pa rin ako nagresponse sa tanong niya, kaya nga ako pumunta dito for peace of mind tapos nandito siya para guluhin ako. "O sige binibini kung anuman ang iyong dahilan para magalit sa akin, Patawad na" wika niya. Hindi pa rin ako nagresponse pero feeling ko inaantay niya magiging reaction ko.
"Alam ko na nabigla ka sa mga pangyayari, ayos lang naman sa akin binibini kung ayaw mo. Maaari ko namang kausapin si ama na huwag muna sanang madaliin lahat". Sabi niya
Bumalot na ng katahimikan ang paligid sa pagitan namin, mayamaya lang ay narinig ko rin ang yapak niyang papalayo sa akin.
Hindi alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, bakit parang nasaktan ako ng umalis siya? Hindi ko alam kung bakit parang gusto ng aking mga paa na sundan siya?
Kanina lang ay galit ang nararamdaman ko pero bakit ngayon ay lungkot na?
Juan ano bang meron sayo...
BINABASA MO ANG
1825
Ficção HistóricaPaano nalang kung nagising ka isang araw sa taong 1825, at may mga bagay ka pa pala na hindi nalalaman tungkol sa iyong pagkatao. Isang Misteryo, isang puzzle na kailangan mong mabuo kung bakit lahat ng iyon ay nangyayari sa iyo. Dito mo ba masusubo...