17

101 15 0
                                    

"Paano mo nasabi na si Nanay Ading ang may gawa nito?" Tanong ko kay Ate Brea.

"Kita mo ito lahat ng ito, siya ang may gawa nito sa akin" Sabi niya sabay turo sa mga sugat at pasa niya.

Ganito rin yung nakita ko kay Agnes..

"Bakit naman niya gagawin ito sayo Ate Brea?" Tanong ko.

"Nakita niya ako" Sabi niya.

"Anong nakita?" Tanong ko

"Nakita niya ako sa bahay nila" Sabi niya.

"Haa? Ano naman ginawa mo doon?" Tanong ko

"Naghahanap ako ng sagot at alam kong nasa kaniya lang iyon" Sabi niya.

"Kaso nakita niya ako at ikinulong sa bahay, pinapaamin din niya ako kung may nagutos ba sa akin na pumunta ako doon. Pero hindi ako nagsasalita dahil wala naman talagang nagutos sa akin. Sinasaktan niya ako para umamin" Sabi niya.

"Sige Ate Brea, gagawan ko ito ng paraan para makabalik na tayo at maging maayos na ang lahat" Sabi ko.

Nakabalik na na kami ngayon sa bahay, "Salamat pala sa pagsama sa akin Juan" Sabi ko.

"Walang anuman Laura, basta kapag may kailangan ka nandito ako upang lapitan" Sabi niya.

"Tara dito ka na maghapunan" Sabi ko.

"Maraming salamat ngunit kailangan ko ng umuwi" Sabi niya.

Pagkatapos namin kumain ay dumeretso na ako sa kwarto. Hays, ano nanaman ito? Puro sunod-sunod na problema na itoo. Grabeee naman ako na nahihirapan ehh, kasalanan ko rin ito lahat.

Kutob ko kasalanan talaga ito nung singsing dapat hindi ko na din pinakialam ito, tuloy eto ako ngayon taga salo ng problema.

Lesson learned hindi na ako makikialam ng mga gamit na hindi naman sa akin..

Kinabukasan maaga akong nagising "Señora pinapatawag po kayo ng inyong ama" Sabi ni Agnes.

"Haa? Bakit daw?" Tanong ko.

"Hindi ko din po alam Señora" Sabi niya sabay kamot ng ulo niya.

Hays ano nanaman itoo, sure ako problema nanaman ito...

"Ama pinapatawag niyo daw po ako?" Tanong ko.

"Oo anak, napagdesisyunan na namin ng iyong Ina at mga magulang ni Juan na ikasal na kayo sa susunod na Linggo. At maghahanda na kami ng imbitasyon para rito, siguro ay bukas ay maaari ng simulan ang pagdidisenyo rito.

"At maguumpisa na rin tayong iasikaso lahat ng kailangan para sa inyong kasal" masayang sabi ni Ama.

Haaaa? Sa susunod na Linggo na? Bakit ang bilis naman ata?

Hindi ako makapagsalita sa gulat, hindi naman sa ayaw ko kay Juan pero bakit parang ang bilis ata?

"Hindi ka ba masaya anak?" Tanong sa akin ni Ama.

"Ahhh ehh masaya po" Sabi ko.

"Sige po Ama, mauna na po ako may pupuntahan pa po ako" Sabi ko

Tumango naman siya sa akin at nagsalita "magiingat ka anak".

Sa totoo lang hindi ko din alam kung saan ako pupunta, palusot ko lang yun ayoko ng makarinig pa ng mga salitang makakadagdag sa problema ko.

Bumalik naman ako kaagad sa kwarto "Agnes, Kamusta ka?" mahinahon ko na tanong.

"Ayos lang po Señora" tugon niya sa akin.

"Sige, aalis tayo ngayon at ipamimili kita, ililibre kita" Sabi ko.

Ngayon ito nalang muna ang naiisip ko na gawin Kay Agnes para kahit papaano ay maging masaya naman siya, na kahit sandali ay makalimutan niya

Nandito na kami ni Agnes sa pamilihan "Wag kang mahihiya, kung ano yung mga gusto mo kunin mo lang ako na ang bahala" Sabi ko.

"Nako po Señora maraming salamat po, napakaswerte ko naman po sa Inyo" Sabi niya.

"Sige na bumili ka na doon lang ako sa dangwa" Sabi ko.

Balak ko sana bumili ng pink roses at ilagay iyon sa kwarto ko.

Habang pumipili ako ng bulaklak ay may kumalabit sa akin.

Paglingon ko laking gulat ko kung sino iyon.

"Teka, ikaw? Paano ka nakapunta dito?" Tanong ko.

"Sa wakas nakita na din kita Vera" Sabi niya.

Paanong?

"Siya ba ang isa sa mga susi upang masagot ang mga katanungang matagal nang gumugulo sa aking isipan?"

1825 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon