"Your name is not just a word, It's a different feel."
― Anonymous
Natauhan naman ako nang nagsalita sa likod ko si Ate Eliana "Halika ka na Loreng baka inaantay na tayo nila Ama at Ina para sa tanghalian" sabi niya. "Ano daw? Loreng, Ano ba yan sa dinami-dami ng palayaw Loreng pa?". Napatingin naman ako sa lalaking kausap ko kanina, nakita ko siyang pilit pinipigilan ang kanyang ngiti. Nakakahiya naman ano ba to. Nahiya na ako kaya nauna na ako kay Ate Eliana papunta sa kalesa.
Habang nasa kalesa nakalimutan ko palang tanungin ang pangalan nang lalaki na yon bakit simula nung magkita kami ay palagi na siyang pumapasok sa isip ko, naalala ko tuloy kanina yung sinabi niya, "Matulog ka kase sa Tanghali para sa gayon ay tumangkad ka". Ang sarap din pakinggan ng boses niya ang lambing kasi.
Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako, habang nasa kalesa kami ay hindi pa rin mawala ang ngiti ni Ate Eliana na nakatingin sa akin. "Tila may ginoong napupusuan ang aking bunsong kapatid" sabi niya sabay ngiti na parang kinikilig.
"Huwag ka magalala aking mahal na kapatid, sapagkat nandito lang ako upang suportahan ka sa lahat ng gusto mo". Sabi ni Ate Eliana
"Maiba ako, kailan pa kayo nagkakikaka ng ginoong iyong kasama kanina? Unang kita ko pa lamang sa kaniya ang gusto ko na siya para sa iyo." Sabi ni Ate Eliana
"Po! Hala hindi ko po kilala ang ginoong iyon". Sagot ko
"Nako Laura walong taon lang ang tanda ko sa iyo, pero hindi mo ako madadaan sa mga dahilan mo, O sige hahayaan na kita hindi muna kita pipilitin" sabi niya
Kumakain kaming apat nila Ama, Ina at Ate Eliana ng tanghalian. "Bukas ay pupunta dito sila Don Diego Ruiz kasama ang kaniyang unico hijo" sabi ni Ama.
Kinabukasan maaga akong nagising dahil pupunta ngayon sila Don Diego Garza. Tapos na akong mag-ayos ng aking itsura bumaba naman ako upang tumulong sa kusina. Pagtapos ay pumunta ako sa hardin para magpahangin. Nagulat ako dahil may biglang lumitaw na kamay galing sa likuran at may hawak na Pulang Dalyang bulaklak. Napatingin naman ako Kung sino yun, isang matangkad na lalaki na maputi at sobrang itim ng mga buhok, brown ang mata at matangos ang ilong .
Ito kaya si Anton na kababata ni Laura? "Tila Naka kita ka ng multo nagulat ka ba sa aking pagbabalik?"tanong niya. "Ha?" yun nalang yung nasagot di ko alam kung anong sasabihin ko. "Ahh sige mauna na muna ako may nakalimutan pala ako salamat pala dito sabay taas ng bulaklak at kumaway sa kaniya." Palusot ko nalang sa kaniya
Nakaalis na sila Don Diego at Anton nandito ako ngayon sa kwarto at nagsusuklay, ginabi na rin nakauwi sila Don Diego dahil ang tagal nila magkausap ni Ama. Habang ako naman ay tinataguan si Anton, pagkatapos kasi kumain ay nagdahilan ako na masama ang aking pakiramdam ilang beses din kinatok ni Anton yung kwarto pero hindi ako lumabas hanggang sa umalis sila.
Kinabukasan maaga akong nagising para pumunta sa pamilihan bibili ako ng papel at pluma para makapagdrawing ako, hilig ko talaga ang pagdadrawing simula nung elementary ako palagi ang representative ng school namin sa drawing contest.
Tapos na ako magbihis at isasama ko sana si Ate Eliana kaso tulog pa ayoko naman siyang gisingin kaya bumaba na ako at nagulat naman ako dahil nandoon Nakaupo si Anton sa sala kausap si Ama.
"Gosh paano tohh hindi niya ako dapat makita ano namang sasabihin ko?" Pabalik na sana ako sa kwarto kaso biglang akong nakita ni Ama. "Oh Laura gising ka na pala, may pupuntahan ka ba?" tanong ni ama. "Ahh ibig ko po sanang pumunta sa pamilihan upang bumili ng papel at pluma." sagot ko. "Nandito pala si Anton ibig ka sana niyang kamustahin" wika ni Ama. "Sige maiwan ko muna kayo at may pupuntahan pa ako."dagdag ni ama.
"Alam kong hindi talaga masama ang iyong pakiramdam Laura, alam kung ako'y iyong tinataguan, bakit?" wika niya. Gosh brain cells need your help anong isasagot ko? "Alam kong masama pa rin ang iyong loob dahil hindi ako nagpaalam na pupunta ako sa Maynila pero alam ko namang naiintindihan mo iyon dahil sinabi mo sa akin na dapat nating makamit ang ating mga pangarap" wika niya. Ok at least may Alam na akong kaunting info tungkol sa kanila ni Laura. "Hindi naman masama yung loob ko Anton naiintindihan kita" sagot ko. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti "pero bakit mo ako tinataguan kahapon? tanong niya. "Ahh masama talaga yung pakiramdam ko kahapon" sabay ngiti sa kaniya.
Tumawa naman siya at tumingin sa akin "nagbago ka na talaga Laura" wika niya. Bigla naman akong kinabahan baka nahahalata niya na hindi ako si Laura? "Ahh Anton mauna na muna ako pupunta pa ako sa pamilihan" sabi ko. Paalis na sana ako nang bigla siyang nagsalita "Sasamahan na kita". Napatingin naman ako sa kaniya, why not naman diba? Ok na yun para makilala ko pa siya ng lubos.
Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon.Nasa kalesa kami ngayon naglalakbay nanaman ang aking isipan nakita ko na si Don Seferino, Doña Leticia, Ate Eliana, Don Diego at Anton. Pero si Juan hindi pa kailan ko kaya siya makikita? Natauhan nalang nagsalita si Anton"Narito na tayo". "Ang dami mo namang biniling papel at pluma Laura, para saan ba ito? tanong ni Anton. "May gagawin lang ako sa mga gamit na ito." sagot ko. Gulat naman akong napatingin sa kaniya dahil tumatawa siya sa akin "nagbago ka na talaga Laura naglilihim ka na ata sa akin" biro niya. "Ako na diyan" wika niya sabay kuha ng mga pinamili ko. "Salamat" wika ko.
Pabalik na sana kami ng Kalesa kaso may nakita akong Dangwa at puno ito ng mga makukulay na bulaklak. Pinauna ko na si Anton sa kalesa at sinabihan ko na may dadaan lang ako saglit at pumayag naman siya, aantayin nalang daw niya ako sa kalesa.
Una ko agad hinanap sa Dangwa ay ang paborito kong bulaklak which is Pink roses. Hindi rin ako nabigo dahil nakita ko ito. Pinagmamasdan ko ang ganda ng bulaklak na ito. Nagulat ako nang may nagsalita sa aking likuran "Tila nahuhumaling ka sa kagandahan ng mga bulaklak na iyan, huwag kang magalala balang araw ay may isang taong magbibigay niyan sa iyo ng walang sawa." Nagulat naman ako kung sino yung nagsalita, "ikaw?" wika ko, Nakita ko naman siya! ito ay pangatlong beses na. Nginitian lang niya ako. "Sinasabi ko nga ba sinusundan mo ako" biro ko.
Wala lang siyang imik na nakatingin sa bulaklak. "Hindi kita sinusundan Binibini marahil ang tadhana ang nagdala sa atin upang tayo'y muling magkita" wika niya na nakangiti sa bulaklak.Gosh parang may something sa kaniya alam ba niya na hindi ako taga-rito? Bakit parang natamaan ata ako sa mga sinabi niya?. Ang mysterious naman ng lalaki na ito. Naalala ko pala na hindi ko natanong kung ano ang pangalan niya.
"Ginoo ano pala ang iyong pangala-- hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil bigla akong hinila ni Anton"halika na Laura umuuwi na tayo baka hinahanap na nila tayo" wika niya.

BINABASA MO ANG
1825
Fiksi SejarahPaano nalang kung nagising ka isang araw sa taong 1825, at may mga bagay ka pa pala na hindi nalalaman tungkol sa iyong pagkatao. Isang Misteryo, isang puzzle na kailangan mong mabuo kung bakit lahat ng iyon ay nangyayari sa iyo. Dito mo ba masusubo...