Life is really full of unexpected things. Akalain mong kaklase ko si Sofie sa halos kalahati ng mga subjects ko sa semester na 'to? Dalawang linggo na magmula ng magsimula ang pasukan at medyo nakaka adjust na rin ako.
Itinigil ko muna ang pagtatrabaho sa Convenience Store dahil alam kong hindi ko kakayanin ang sobrang pagod. Napansin din ni Sofie ang unti unti kong pagpayat at paglalim ng aking mga mata. Ganun siguro talaga ang epekto ng pagtatrabaho ko buong bakasyon.
"Tara na, Bree. Sa court daw tayo ngayong PE natin."
"Sige, Sof. Susunod na lang ako. Pinapatawag pa raw ako ni Ma'am Reyes sa faculty. Baka 'yon na yung application ko sa student assistant."
"Ewan ko sayo! I told you na magtrabaho ka nalang as my friend diba? Samahan mo lang ako magshopping, gumala, magbar at suswelduhan kita!" sambit niya habang kumikislap pa ang kaniyang singkit na mga mata.
"Alam mo na ang sagot ko riyan, Sofie."
Ngumuso siya nang maliwanagan sa sinabi ko. Bahagya niyang hinawi ang kaniyang umaalon na mahabang buhok.
"Okay. Whatever. Bahala ka sa buhay mo!" irap niya sabay walk out.
I chucked a bit. This girl really wants me to be with her 24/7. Kung hindi ko lang alam kung gaano to kahumaling sa isang kpop idol ay iisipin kong may gusto sakin to.
Kidding aside, I know she treasures me a lot because she literally has no one except me. Her parents are always busy and she's an only child. Ako na lang din talaga ang nagttyaga sa babaeng 'to.
I silently laughed with that thought and grabbed my bagpack. Napatitig ako sa hawak hawak ko ng bigla kong maalala ang nangyari noong nakaraang dalawang linggo.
"She's not a girl toy, you fucker. I told you she's my girlfriend."
What the hell?
"Ah excuse me lang, kuya. Hindi po kita kilala at bigla mo lang akong hinila para tulungan ka. Sabi mo babayaran mo 'ko pero hindi na po yun kailangan. I don't need your payment and I need to go home."
Hindi ko na siya tinignan at pinulot ko na lang ang bag pack na nabitawan ko dahil sa pagkakahila sa akin ng babae kanina. Nag angat ako ng tingin nang makita kong nandito na rin ang grupo nilang magkakaibigan. I sighed at basta na lang akong umalis. I heard that some of them are calling me but I didn't look back.
Nakakainis lang na idinamay pa nila ako sa gulo nila at hindi man lang ako naisipang ihatid o ipahatid kahit sa sakayan man lang ng jeep? Rude.
What kind of monster is he? Ni hindi niya alam ang pangalan ng babaeng itinataboy niya? Psh. Travis? Ang pangit ng pangalan. Nakakainis talaga!
I tried to calm myself so I just decided to wear my earphones and play whatever it is on my playlist. Bilib talaga ako sa epekto sa 'kin ng musika. Kusa akong kumakalma.
Para sa akin kasi ay bawat tono ng isang kanta ay mistulang mga pangyayari sa aking buhay. Minsan mataas, minsan mababa at minsan ay hindi naaayon sa kanta.
Napahinto ako sa paglalakad ng makaramdam ako ng kaunting hilo. Umiling ako nang makita kong malapit ng lumitaw ang araw dahilan para maalala kong mag uumaga na nga pala.
"Hey."
Napabalik ako sa ulirat ng marinig ko ang tawag ng isang lalaki na nakasuot ng pang basketball na jersey at mukhang kasing edad ko lang ito. Clean cut ang kaniyang buhok at bakas sa mukha niya ang pawis na marahil dahil sa paglalaro. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Tune of Life
RomanceBritain likes music. Naniniwala kasi siyang ang buhay ay parang tono ng kanta. Minsan maganda, minsan pangit. Minsan tama, minsan mali. She believes that every negative thing in life has a good thing in equivalent. Tulad sa kanta, naniniwala siyang...