Hindi ako mapakali nang makapasok na kami sa SUV. Parehas kaming sa likod nakaupo dahil may kasama naman siyang driver. Umayos ako ng upo habang dinig na dinig ko naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng sasakyan ng mahagip ng aking mata ang kaniyang driver.
Mukhang pamilyar.
Tinitigan ko itong mabuti at nanlaki ang aking mga mata ng mapagtanto kong ito ang lalaking tumulong sa akin nung Summer na nagtatrabaho pa ako sa Convenience Store.
"T-teka. Matagal mo na bang kakilala si Manong?" mahina kong bulong kay England sabay turo sa kaniyang driver.
I heard him hissed and then he chuckled as if he did something.
"What do you think?" kumunot ang noo ko sa sagot niya na di nagtagal ay napalitan ng pagkagulat.
Napagtanto kong kakilala nga niya si Manong at naisip kong maaaring pakana niya ang pag-awat nito noon sa binatilyong lasing.
"Seryoso ka ba, England?"
"When did I ever joke, Britain?"
Napatingin ako kay Manong at napansin kong nakatitig lang siya sa kalsada. Gusto ko pa sanang magtanong but I prevented myself from doing it.
I shook my head and turned on the other side of the window. Nakita kong unti unting pumatak ang ambon.
Napatingin ako sa akong wrist watch at napagtantong alas' kuwatro na pala ng hapon.
Nabibingi ako sa sobrang katahimikan. Hindi talaga ako sanay ng ganito kaya tumingin ako sa radyo at naisipang magtanong kung puwedeng magpatugtog. Ngunit agad ko ring naisip na hindi nga pala gusto ni England ang Musika kaya hindi ko na itinuloy ang aking binabalak.
Nagulat ako nang biglang dumusog palapit sa akin ang katabi ko at napansin kong kumunot ng bahagya ang kaniyang noo habang nakatitig sa akin.
"Ron, turn on the radio." kitang kita ko ang gulat sa mga mata ng kaniyang driver ngunit agad din itong nakabawi. Hindi na siya nagtanong at pumindot pindot na lang sa harapan.
"Diba ayaw mo ng Musika?" i asked him
"Yes."
"Eh bakit pinapasindihan mo yung radyo?" bumaling ako sa kaniyang driver at pipigilan ko na sana siyang i-on ito nang bigla akong hilahin ni England palapit sa kaniyang dibdib.
"Because you like it. I can compromise for you, Britain." he softly whispered on my right ear. Kinilabutan ako roon kaya lumayo ako ng kaunti.
Magsasalita pa sana ako nang marinig kong tumunog ang speaker ng kaniyang sasakyan.
What day is it? And in what month?
This clock never seemed so alive
I can't keep up and I can't back down
I've been losing so much timeNaramdaman ko ang pagtigas ng kaniyang reaksyon kaya agad akong napatingin sa kaniya. I saw a glimpse of hatred in his eyes ngunit agad din itong nawala nang ipinikit niya ang kaniyang mga mata at sumandal sa upuan.
Nanatili ang titig ko sa kaniya at napansin kong para siyang unti unting kumalma. Mapapansin mo ring nakikiayon na siya sa takbo ng mukisa.
"What's the title of this song, Britain?"
Kumunot ang noo ko ngunit sinagot ko rin siya.
"You and Me. Lifehouse ang kumanta." dugtong ko pa.
Tango lang ang isinagot niya sa akin .
I suddenly felt his left arm around my shoulders. Kung titignan mo ang kaniyang braso ay parang sobrang bigat nito dahil sa perkpektong hubog. Pero bakit wala akong maramdamang bigat?
BINABASA MO ANG
Tune of Life
RomanceBritain likes music. Naniniwala kasi siyang ang buhay ay parang tono ng kanta. Minsan maganda, minsan pangit. Minsan tama, minsan mali. She believes that every negative thing in life has a good thing in equivalent. Tulad sa kanta, naniniwala siyang...